ganito kasi yon. pag-alis ko ng bahay kanina, okay na okay ang lahat....sa tingin ko. buhok, tsek! tshirt, tsek! sapatos, tsek! pabango, tsek! backpack, tsek!
dali dali pa akong umalis dahil trenta minutos na lang male-late na ako. agad akong sumakay ng fx mula sa pasig rotonda. pag bukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ng fx isang masangsang na amoy ang bumungad sa akin.pakshet amoy bawang.
no choice.
ganito kasi yon. ang sinasakyan kong fx e yong malapit ng mapuno o yong halos puno na para hindi na pahnito hinto sa pagsakay ng pasahero. inshort tuloy tuloy ang byahe. so para makabawas pa sa paghihintay kelangan dapat yong papuno nang fx. ganun ang option ko. so kanina habang nakabukas ang pinto ng fx, natulala ako ng pagkatatagal tagal. mga 3 seconds ganun. iniisip ko kung sasakay ba ako o maghihintay na lang ng ibang fx. kaso sa akin lahat nakatingin ang mga pasahero. tumuloy ako.
ang masangsang na amoy.
ganito kasi yon. may namalengke pala sa pasig palengke (syempre). at inukupa ang likurang bahagi ng fx. punumpuno, nagpanic buying ng bawang ang ate mo. merong repolyo. merong talong. merong sitaw. merong kalabasa. at yun na nga... yong tinadtad na bawang. bakit ko alam? kasi halos kalahating timba ang binili ni manang. di ko alam kung panggagamot nya sa an-an o baka gawing garlic juice. yak.
kalbaryo.
actually mabilis lang naman ang byahe ko. mga 20 minutes ganun. pero kanina parang ang tagal tagal ng oras. gusto ko nang bumaba. kung may susumusunod lang na fx... jusme bababa ako at magpapagpag ng amoy. ganun kalala. hindi ko malaman kung bakit pumayag si manong driver at hindi naisip na ang aircon ng sasakyan nya... yong sirkulasyong ng hangin e paikot-ikot lang. at sa ibang mga pasahero kahit alam kong naaamoy din nila ang iisang amoy na nilalanghap namin, parang wala lang sa kanila...parang ang kwarto nila e may scented candle na ang variant e garlic. so ang ginawa ko todo pahid ako ng alkohol sa kamay ko para yon na lang ang malanghap ko. okey nang bangag pumasok sa opisina wag lang umamoy at tawaging boy bawang.
pagkababa ko ng fx sa tapat ng building namin, dali dali akong bumaba. ilang minuto na lang din kasi e male-late na ako. pagpasok ko ng elevator sa akin nakatingin lahat ng kasabay ko. yong hintuturo ay nasa pagitan ng bibig at ilong nila. alam na.
1 komento:
dapat winisikan mo ng alcohol yung timba ng bawang ni ate. pang-asar lang. haha! napadaan pre
Mag-post ng isang Komento