ewan ko ba. malungkot ako ngayon. siguro dahil sa pagpanaw ni comedy king. lumaki kasi ako sa ilang mga pelikula nya at sitcoms. lalo na yong home along da riles. naalala ko pa, tuwing huwebes yun ng gabi noon bago mag maala-ala mo kaya. sabay sabay naming panonoorin ng mga pinsan ko. sabay sabay din kaming tatawa pag hihirit na si dolphy.
larawan ng isang juan dela cruz si dolphy. nagtiyatiyagang magsumikap para mabuhay ang pamilya. ganun ang karakter nya sa home along da riles. kahit may kaya ang nagkakagusto sa kanyang si aling azon, hindi sya naging opurtunista kundi mas nagtatrabaho pa sya ng husto para lang mapakain ang buong pamilya.
ewan ko ba. siguro nahahawa ako sa pagdadalamhati ng buong pilipinas sa pagkawala ng isang magiting na artista noon at ngayon. siguro nga. nakalulungkot lang dahil sa kanyang pagpanaw matatagalan muling makahanap ang lokal na tanghalan sa isang tulad nya. mabilis malaos ang mga artista ngayon. naiisip kong iba pa rin ang humor ng isang dolphy lalo pa't evolving na ang panahon.
siguro nga at nalulungkot lang ako. naaalala ko kasi ang lola ko sa kanya na paboritong paborito ang karater ni kevin cosme.
rest in peace tito dolphy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento