Martes, Hulyo 31, 2012

gago

hindi ko talaga alam kung mahal kita o sadyang napapalapit lang talaga ang loob ko sayo sa tuwing katext kita. hindi ko rin alam kung bakit mas malapit ka sa akin kesa sa iba. hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay mong nararamdaman sa akin, bilang ako o bilang kaibigan lamang.

alam mo yong feeling na inspired ka sa trabaho. alam mo yon? yong ganun feeling. ewan ko ba. kung totoo man tong nararamdaman ko para sayo. sana wag nang magmalabis pa, kilala ko kasi ang aking sarili na ipilit at ipilit talaga ang gusto masunod lang. sana hanggang don lang yon, yong gusto kita. ayoko kasi dumating sa point na gustong gusto na kita at sasabihin ang lahat sa yo tapos in the end magmimistula akong tanga. ayoko talaga ng ganun.

alam mo bang mas gugustuhin kong maging magkaibigan na lang tayo, kaso mapilit yong nararamdaman ko eh, di daw pwede. sinasabi ko na ngang makuntento sa kung ano man meron tayo o sa kung anuman meron akong nararamdaman sayo. kaso yun nga, mapilit ang gago.

gago? parang ako. gagong gagu sayo.


Lunes, Hulyo 23, 2012

of solace and solitude



had i only known that things will get fuzzy on my way, i wouldnt have tried to keep going. i was engulfed by the thoughts of surviving into my on guilty pleasure. i know it was my fault. not even yours nor the other. it was simply a chance of falling in love out of control.

i dont know if it was all a coincidence. i wouldnt have known. yet, it was compromising that someday, somehow it will last.for some, it was just a shit out of feeling, for me it’s love out of shit.

i chance upon looking up the sky, it was all dark. i cant even see the slightest streak of stars. its all just the cold breeze stroke into my face, that solitude, that seclusion behind bars of turmoil...i remain silent. at some point  i know that even the darkest night i have now will have something brighter morning tomorrow. call it dramatic, call it emo, call it whatever you want fucktard... i am naive at my most emotional abyss now, i really am.

i am in love but the feeling is not mutual. so therefore, the battle is not between two different souls, its between me and the battle itself.  it couldnt be any more harder when i know you’re there at the end of line, waiting. and in a midst of my survival there is a solace that you may give something i hold on for.  but its not, and will not ever be happened. it all just ME. alone in my own solitude and subtle diversity.

i shouldnt worry much of anything else. because it all boils down between ME and MYSELF. pathetic. it will just remain as unspoken words, unwritten poems and trapped feelings deep inside.  there i am. i was caught by my own stupidity.

This dark sky is still the same old sky I had been staring at AGAIN in your presence or without. but I hope it will not leave any dreadful nights AGAIN that ill be suffered from with so much pain due to something i have been longing to feel for.

this has been mechanical. i love, i get hurt. but in the end at the very least i felt something dynamical sense of comfort, i feel happy. i am less infantile inch by inch in terms of this kind of feeling. theatrical composition.

and for the last phrase that has  reached its core, where nothing has much more to write i know this is just the start of something i have been wishing for. blame it to me but im not giving up till its gone.

Linggo, Hulyo 15, 2012

inlab nga ba ako

yong frutos na yon? yon na siguro ang pinakamasarap na frutos na natikman ko, yong galing sa taong crush ko. hihi anlondeee.

tangna para akong bumabalik sa highschool. every little moment na kasama ko sya cherish na cherish ko. saka ok lang, sya naman tong nagmomotivate sa akin sa trabaho. yong every gising ko sa morning, sya unang unang maiisip ko at gaganahan akong maligo kahit napakalamig ng tubig. tapos tapos tapos.... ayyyyy... excited akong makita sya. tangna talaga.

anong meron sa frutos? binigyan lang naman nya ako ng 8 frutos. tatlo dun e pineapple flavor, yong lima e orange flavor. sinabihan ko kasi sya na bigyan nya ako ng frutos pag-uwi nya, ayun iniabot sa akin nang nakasmile pa. haaay..  nakakakilig na sa akin yon. ambabaw ko lang. basta galing sa kanya wala akong pakialam, kahit pa durian flavor yan. kebs.

ilang linggo na kaming magkatext. kung tutuusin mga walang kwenta yong pinag-uusapan namin, pero bakit ganun di ko magawang burahin. kahit yong text nyang... K. shet shet shet! whats happening to me? tapos ito pa yong mga importanteng message na kelangan kong isave pinagbubura ko. like, text mula sa smartmoney yong smartmoney number ko, yong forwarded cellphone number ng frend ko, at marami pang iba. wala pa dyan yong mga quotes na pikit-mata kong pinagbubura. ODK.

ewan ko ba. feeling ko kahit magkaibigan lang kami okey na sa akin yon, basta maramdaman kong mahalaga ako sa kanya bilang ako. sapat na yon. ay oo ang orte orte ko ngayon.

di po ako inlab. naglalandi lang po.



Miyerkules, Hulyo 11, 2012

i wanted...

"I guess I wanted more attention from you, I wanted to have a stronger friendship with you. Since I know you will never love me the way I love you, then friendship is the next best thing. I wanted you to confide in me, ask for my help when you needed it, I wanted to be your shoulder to cry on or punch if needed, I wanted to drink with you when you felt shitty and needed a dose of alcohol, I wanted to cry with you when you felt REALLY shitty, I wanted to celebrate with you when something came up that was worth celebrating, and I wanted to have front row seats to the movie of your life. I wanted to be there for you. I would have given anything for you. (I still would.) I wanted to show you in every way I can, how much you mean to me. At the very least, in a platonic level. But It didn’t happen. But I saw other people connecting and building strong relationships with you, and frankly I envied them. I wanted the same thing for me. So I got frustrated, and hurt.” #ijustreadsomewhere

bye tito dolphy



ewan ko ba. malungkot ako ngayon. siguro dahil sa pagpanaw ni comedy king. lumaki kasi ako sa ilang mga pelikula nya at sitcoms. lalo na yong home along da riles. naalala ko pa, tuwing huwebes yun ng gabi noon bago mag maala-ala mo kaya. sabay sabay naming panonoorin ng mga pinsan ko. sabay sabay din kaming tatawa pag hihirit na si dolphy.

larawan ng isang juan dela cruz si dolphy. nagtiyatiyagang magsumikap para mabuhay ang pamilya. ganun ang karakter nya sa home along da riles. kahit may kaya ang nagkakagusto sa kanyang si aling azon, hindi sya naging opurtunista kundi mas nagtatrabaho pa sya ng husto para lang mapakain ang buong pamilya.

ewan ko ba. siguro nahahawa ako sa pagdadalamhati ng buong pilipinas sa pagkawala ng isang magiting na artista noon at ngayon. siguro nga. nakalulungkot lang dahil sa kanyang pagpanaw matatagalan muling makahanap ang lokal na tanghalan sa isang tulad nya. mabilis malaos ang mga artista ngayon. naiisip kong iba pa rin ang humor ng isang dolphy lalo pa't evolving na ang panahon.

siguro nga at nalulungkot lang ako. naaalala ko kasi ang lola ko sa kanya na paboritong paborito ang karater ni kevin cosme.

rest in peace tito dolphy.

Sabado, Hulyo 7, 2012

boy bawang

naaasar ako.

ganito kasi yon. pag-alis ko ng bahay kanina, okay na okay ang lahat....sa tingin ko. buhok, tsek! tshirt, tsek! sapatos, tsek! pabango, tsek! backpack, tsek!

dali dali pa akong umalis dahil trenta minutos na lang male-late na ako. agad akong sumakay ng fx mula sa pasig rotonda. pag bukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ng fx isang masangsang na amoy ang bumungad sa akin.pakshet amoy bawang.

no choice.

ganito kasi yon. ang sinasakyan kong fx e yong malapit ng mapuno o yong halos puno na para hindi na pahnito hinto sa pagsakay ng pasahero. inshort tuloy tuloy ang byahe. so para makabawas pa sa paghihintay kelangan dapat yong papuno nang fx. ganun ang option ko. so kanina habang nakabukas ang pinto ng fx, natulala ako ng pagkatatagal tagal. mga 3 seconds ganun. iniisip ko kung sasakay ba ako o maghihintay na lang ng ibang fx. kaso sa akin lahat nakatingin ang mga pasahero. tumuloy ako.

ang masangsang na amoy.

ganito kasi yon. may namalengke pala sa pasig palengke (syempre). at inukupa ang likurang bahagi ng fx. punumpuno, nagpanic buying ng bawang ang ate mo. merong repolyo. merong talong. merong sitaw. merong kalabasa. at yun na nga... yong tinadtad na bawang. bakit ko alam? kasi halos kalahating timba ang binili ni manang. di ko alam kung panggagamot nya sa an-an o baka gawing garlic juice. yak.

kalbaryo.

actually mabilis lang naman ang byahe ko. mga 20 minutes ganun. pero kanina parang ang tagal tagal ng oras. gusto ko nang bumaba. kung may susumusunod lang na fx... jusme bababa ako at magpapagpag ng amoy. ganun kalala. hindi ko malaman kung bakit pumayag si manong driver at hindi naisip na ang aircon ng sasakyan nya... yong sirkulasyong ng hangin e paikot-ikot lang. at sa ibang mga pasahero kahit alam kong naaamoy din nila ang iisang amoy na nilalanghap namin, parang wala lang sa kanila...parang ang kwarto nila e may scented candle na ang variant e garlic. so ang ginawa ko todo pahid ako ng alkohol sa kamay ko para yon na lang ang malanghap ko. okey nang bangag pumasok sa opisina wag lang umamoy at tawaging boy bawang. 

pagkababa ko ng fx sa tapat ng building namin, dali dali akong bumaba. ilang minuto na lang din kasi e male-late na ako. pagpasok ko ng elevator sa akin nakatingin lahat ng kasabay ko. yong hintuturo ay nasa pagitan ng bibig at ilong nila. alam na.