Miyerkules, Enero 30, 2008

si manang overpass...

I always woke up as early as 5 o’clock in the morning.
Katulad kanina, ayoko kasi matraffic although alas nuebe pa naman yong pasok ko. Umaalis ako ng bahay nang mga alas sais na. bale dalawang sakay ako; isang tricycle mula sa krus na ligas at isang sakay pa sa bus papuntang ortigas mula philcoa. Sa tuwing daraan ako sa overpass ng philcoa may isang ale doon na bulag at nanlilimos, si manang overpass ang tinawag ko sa kanaya. Sa tuwing daraan ako, anumang halaga ng baryang madudukot ko diritso yun sa Zagu nyang lagayan ng barya para sa limos. Ewan ko ba kung bakit ako nahahabag para sa mga katulad nila na tanging yun na lamang ang paraan para kumita ng pera na alam ko namang wala na silang kakayahang buhayin ang kanilang sarili kundi sa panlilimos katulad ng mga matatanda gaya nya.
May mga pagkakataong absent si manang overpass katulad pag umuulan o sadyang mas maaga lang ako at wala pa sa pwesto nya.

“what you have to give is what you have to get”

Nakita ko kanina sa add board ng megamall papuntang opisina.
Hindi ko alam kong ano ang significant ng tema’ng yan kay manang overpass. Basta alam ko nagbibigay ako nang walang inaasahang kapalit. Sinusunod ko lang ang pangmalawakang alituntuning prinsipyo ng buhay ko, ang mahalin ang kapwa ko.

Linggo, Enero 20, 2008

who?

Araw ng linggo. I woke up around 10 am already.
I looked up and opened the fridge if it has a cold water to burst out my almost-drying throat.
Cant find any but a bottled of C2 contains grape juice, I got no choice.
Tita belle is in the kitchen while jade playing outside.
I went back to my room and get all my messy dress which i used from these past few days for my job. I bought a sachet of downy and a sachet of that heck forgotten-laundry-brand-which-seems-too-harshy-for-my-sensitive-hands.

wash.wash.wash.wash.laundry.laundry.laundry.


job is done! i dont know if it is well or just good enough just to wash those.

I did not have my breakfast meal, i am cramming for the sunshine. When i already hung my clothes to that f*cking sampayan which is really too high for me. Lunch is already prepared, but i had no appetite. I still have to wait till my stomach complains starve.

Past 1 o'clock i find myself setting in front of the computer posting a blog entry which everybody refuses to read. There is no good to read anyway. Just a bare post.

Biyernes, Enero 11, 2008

Si manang at ako.

Nagsimula na akong magtraining sa New York BAy Phil. at bukas at sa linggo ang day-off ko, ayos! makakagpahinga naman at maiset ang sarili sa dating routine.

Maagang gumising. Sandaling paliligo. Mabilisang pagkain. Traffic. Nakasimangot na guard sa building at pagsita ni manong guard sa opisina. Yan yung mga naidagdag sa list of daily routine ko.

Okey naman ang trabaho, sa part ko medyo mabusisi unlike dun sa co-trainees kong dalawa. Medyo mabigat yong responsibility ko pero kaya ko naman i-handle. Ang galing nga eh kasi kahit ganun kabusisi e organize pa rin sya.

Hindi ko alam kong ano nakain ko kung bakit ako nandito sa netshop ngayon na imbes na nagpapahinga e nandito para magblog.Halosboung araw nga akong nasa harapan ng computer at tagasagot ng tawag pero gusto ko pa rin talagang magblog. Ito na rin siguro yong pamparelax ng isipan ko. Good thing for me kasi it works naman.

Habang nagtitipa ako ngayon e nakaplay ang playlist ko sa imeem. Oo nga pala nagulat ako kaninang pagpasok ko dito sa netshop. Si manang na nageedad ng 50 hanep naglalaro ng RPG games, at hook na hook talaga sya sa RAN kasi level 64 na sya. o di ba? astig ka manang, dinaig mo pa ang isang tulad ko.

[ENTER MESSAGE HERE FOR MANANG]

Kay Manang na naglalaro ng RAN;
Hindi man maibibilang ang iyong sa henerasyon sa makabagong henerasyon ngayon, salamat dahil nakiangkas ka sa sinasabing pagbabago.
Hindi ka nagpahuli sa takbo ng panahon.
Naging mulat ka sa mga kaganapang may kinalaman sa iyong kinabibilangan.
Di ba ang sabi mo pa nga"bukas na lang ako magtop-up ng account mo"
Astig ka talaga.
At habang naglalaro ka nakaheadsetka pa nga at nakatune in sa yahoo radio.
Dinig ko pa nga ksi isa sa mga gusto kong kanta ang pinapatugtog mo...stick with you.
Manang, ang masasabi ko lamang ay pagbutihan mo ang paglalaro mo...
...kaya mo yan!

[END MESSAGE. NOTHING FOLLOWS]

Medyo kaiba talaga ang lifestyle dito sa metro manila. Gising pa ang mga tao kahit anong oras.
Ang gabi pwedeng maging araw para sa kanila,at ang araw ay pwede maging gabi para sa kanila lalo na yong mga nagtatrabaho bilang mga call center agent. KAdalasan ko kasi silang makasalubong pagpapasok na ako sa trabaho. Sa elevator pa lang halatang bangag na sila, dahil nakatanggap siguro ng maraming calls o nagkaroon ng maraming calls.

Hindi talaga ako ganun ka-urbanite kaya medyo adjust pa rin ako sa bagong nature ko ulit.

Umaasa akong magagampanan ko ang trabahong natoka sa akin. Alam kong kaya ko.

Linggo, Enero 6, 2008

Mag-ingat sa mangongopya...

Noong high school pa lang ako. Garapalan talaga ang kopyahan, yes cheating! Kahit pa nakatalikod lang nang nahagya ang Titser. Aminado rin akong akoy NANGOPYA at NAGPAKOPYA, sabi nga nila ang estudyanteng nagigipit sa katabi lumalapit.

MAy clique din ako noon, o sa madaling sabi grupo-grupo. '"jologs company" ang pangalan ng aming samahan. (hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng pelikulang JOLOGS the movie o sadyang jologs lang kami).

When it comes to mathematics nagtatransform talaga ako as parasite. Talagang kopyahan talaga, ginawa ata ang math bilang isang kryptonite ko. As in kopyahan talaga na ultimo "₤" na symbol eh kinokopya ko without knowing na erasures lang pala ng katabi ko. Paksiyet! nakakahiya yun talaga...

Pero hindi ko sinulat ang "kabobohang" yun para mabasa lang at maipagmalaki ko (kung yun ang iniisip mo), sinulat ko yun dahil sa kabila ng kabobohang yun eh na-overcome ko.Gumawa ako ng paraaan para sa sarili ko, na hindi lahat ng pagkakataon eh parasitiko ako. Na kaya ko ring matuto nng mag-isa,ng may pride at utak para sa tamang paraan.

Napag-isip-isip kong hindi pa rin sapat yong marunong ka lang bumasa, sumulat at magbilang. Dapat matuto pa rin tayo kung paano i-extend yuno gumawa ng paraan para pakinabangan pa yon. Kumbaga stepping stone mo pa lang yun o basic skills para maging tunay na literado.

Dumating yung time na kelangan ko na rin talagang kumilos para sa aking sarili at hindi pangongopya lamang ang sagot sa lahat ng katananungang na nakalimabag sa tesat paper mo. May isang tanong na dapat mong masagutan bago mo pa man i-submit ang test pare mo, yun ay Kung kelan mo ititigil ang pangongopya? Hindi lahat ng cheater kayang sagutin yan, kung nasa dugo na nila ang dugo-ng-pangongopya wala na tayong magagawa pa, gaya ng nasabi ko nasa sa kanila pa rin talaga ang pagbabago.

Ayon kay Jean Baptist de Lamarck; isang french biologist, "a change in the environment causes changes in the needs of organisms living in that environment, which in turn causes changes in their behavior. Altered behavior leads to greater or lesser use of a given structure or organ; use would cause the structure to increase in size over several generations." Ayon sa aking pagkakaintindi may posibilidad nga na mamana natin ang traits mula sa ating magulang pero mas nakakaepekto pa rin ang environment sa paghubog ng katangiang yon. Nagset sya ng example tulag ng mga giraffe, ayon sa kanya ang mga naunang giraffe daw ay maikli lang ang leeg pero dahil sa scarcity ng pagkain na darating ang mga damo lang naman daw ang kinakain nila ngunit nang lumaon kenailangan na nilang i-strecth ang kanilang leeg para lang maabot ang mga dahon ng puno na nasa kanilang kapaligiran. Mula sa paglipas pa ng kanilang henerasyon, ang dating maikling leeg ng geraffe ay humaba ng humaba sanhi ng kanilang pangangailangan. Simple lang ang gustong ipabatid ni de lamarck. Organism changes as their environment changes as well. Pero hindi ito tinanggap ng ilang siyentipiko dahil kulang pa raw sya ng batayan para magtala ng ganoon. Katulad ng mga kaso ng mga makakapangyarihan dito sa Pinas, ang hatol...DISMISSED!

Maaring totoo. maaaring hindi. Isa lang pwedeng relevance, ang mangongopya ay humahaba ang leeg tulad ng giraffe ayon sa pangangailangan talaga para mabuhay. At kung nasa dugo mo na ang pangongopya isipin mong mabuti, baka maaari mo rin itong maipasa sa iyong salin-lipi. Hala ka.

Huwebes, Enero 3, 2008

makakaya ko kaya?

Pinost ko yong isang entry ko dito sa blogspot sa penster. Yong sulat para kay mar:
There is a certain way that Religious pieces make you think back and say... "Oo nga no?" and it has that heartwarming appeal that make it easy to digest.I think you were successful with your theme. Medyo misleading nga lang ang title kasi meron tayong ka-penster na marmar ang gamit na pseudonym...hehe... I was half-expecting something some else. I guess I was wrong. Keep it up!"

Agad kong nabungaran ang comment na yan sa ibaba ng entry natuwa ako na kahit paano eh may may mga taong pwee rin palang maka-appreciate ng mga sinusulat ko.

Nagpagupit ako ngayon. Simple lang. Maikli na alam kong babagay sa akin. Tinawanan ni john, Walanya! na-frustrate tuloy ako pero hindi ko pa rin pinahalata. Ganun ako pag kasama ko sya, hindi ko pinapahalata ang dapat hindi mahalata sa akin. Taulad ngayon na kanina pa ako gutom. Oo nga pala, napansin ko lang sa lahat ng barber shop hindi mawawala ang mga retrato ng bawat barbero sa malaking salamin kung saan kaharap mo ang sariling mong ginagawang tao sa mata ng kapwa mo tao. Napansin ko yun dahil halos lahat ng barber shop na pinapagupitan ko eh meron silang picture na nakadikit sa malaking salamin na nakasabit. Minsan bangag sila, may parang nalugi at mayparang nawalan ng aso. Ha-ha-ha-ha.

Challenge sa akin ang pagsusulat ngayon kasabay ng maiingay na bata na nasa tabi ko.

Bukas, luluwas na ako ng Maynila (ambaduy ng term parang probinsyano talaga). Magsisimula na kasi akong mag-work sa 7. Hindi ko alam kung anong klaseng pakikibaka na naman sa buhay ang kahaharapin ko. Dala ko ang kaba sa dibdib ko pero baon ko ang determinasyon makakaya ko ito. Simula na naman ng pagiging independent ko, yuppie na kasi ako. Besides tumatanda na rin ako kaya kelangan ko na ring gumawa ng paraan para sa sarili ko. Sana matulungan ako ni Bespren, baka kasi hindi ko makaya eh. Sana lang talaga.