Martes, Nobyembre 27, 2012

ganun yon.

everything you do is based on the choices you make. It's not your parents, your past relationships, your job, the economy, the weather, an argument, or your age that is to blame. You and only you are responsible for every decision and choice you make, period.

tama nga naman. bakit mo isisi ang ilang bagay na nangyayari sayo kung ikaw mismo ang gumagawa nito. kahit pa sabihin mong...eh kasi sya, eh kasi ganito, eh kasi nangyari na. mas maniniwala ka ba pag sinabi ko na lahat nang nangyayari sayo e chain reaction mula sa pinakamaliit na bagay na ginagawa mo, o nagawa mo. kahit ang simpleng paglagok mo ng kape kanina ay may kinalaman kung pano mo natatapos ang isang trabaho. nasa sa atin yong pagbibigay ng saysay at kahulugan sa bawat pangyayaring nagaganap sa buhay mo, masama man o mabuti sa yong tingin.

period din.

Lunes, Oktubre 15, 2012

happy 5th year anniversary partner

namiss ko lang magblog.

kahapon anniversary namin. 5th year. wala langs. share langs. 

bumili ako ng cake at nagluto ng sinigang na baboy. paborito namin yon pareho e. bumili naman sya para sa akin ng isang supot ng chocnut, isang mac cheese ng kfc, isang california maki ng kfc, isang brownies at barbeque chicken ng kfc. ansaya lang. hehe

yon lang. happy anniverasary 

Biyernes, Oktubre 12, 2012

panglaw ng bakaw


                                     







Sabado, Setyembre 15, 2012

breaking dawn


after namin magbreakfast umakyat muna kami. si angel ang naghugas. di ko na kinaya kasi masakit ulo ko nong time na yon, i had to sleep kahit saglit lang.

hindi muna ako naggagalaw nung time na yon. nahihilo ko shit!

naalimpungatan na lang ako ng gisingin ako ni angel. sweet. ayeeh.

balak sana naming magsimba nung araw na yon. kaso nauwi ang lahat sa isang inuman... na naman!

nagpahinga muna kami mula alas dose gang alas tres. saka bumili si ram and don ng iinumin.

putsa. tequilla! whatda! hindi ako madalas uminom, lalo pa't tequilla. nagsimula kami ulit mag umpukan ng bandang alas singko ng hapon. okey naman ang samahan at kwentuhan. kaso si don walang partner. hahahaha.

tequilla ba kamo? syempre andyan yong bodyshot. hahaha. pero as ive stated wholesome ako. hahaha.

yong balak kong umuwi ng gabing yon e naging kinabukasan na.

masarap ang naging kwentuhan namin. nagkaalaman na. hahaha. pero wala na sigurong sasaya pa pag kasama mo yong taong gusto mong makasama at your worst. be it like emotional or lasing na lasing ka na. walang inhibitions.

nagpapasalamat din ako sa dalawa kong kaibigan na matagumpay naming naicelebrate ang house party na to at sa mga bagong naging kaibigan, kay nica, angel, levi at gemma. ang gaganda nila!

Huwebes, Setyembre 13, 2012

don: the chronicles of nganga

nagkaroon kaming magbabarkada ng naghouse party, saan? sa antipolo. ako, si ram at si don. bale ang siste meron kaming dalang invites. ang dala ni ram si nica, si don si gemma, bitbit ko naman si angel.

rendesvouz. starmall shaw. ang usapan alas sinco ng hapon, ang kaso alas sico y medya na wala pa si ram. naiwan daw ang pukenang cellpone so he had to go back home. alas sais na ata kami nun nagkita kita. kasama ko na nun si angel, don at gemma. ang susunduin na lang si nica na nasa tiendesitas pasig.

yong alas diyes na uwi ni gemma dahil may cutoff time slash curfew hours ang hitad e paonti ng paonti, para syang buhok na 'thinning'. mano ba namang dalawang oras na kaming nagbyabyahe mula ortigas extension papuntang antipolo. kasumpa sumpa ang traffic! halata nang iritable yong dalawa, si don at gemma. ramdam mong sinusuyo sa tingin ni don si gemma na wag mainis.

alas nuebe na kami nakarating sa bahay nila don. isang oras na lang uuwi na din si gemma. pero bago yun e dumaan muna kami ng shopwise para mag-grocery. at sa grocery palang inubos na naman ang oras namin kapipili kung anong uulamin.

ako at si ram ang naatasan sa kusina. ako nagluto ng adobo. si don nakipaglandian na, joke! bale tipon tipon muna sila for getting to know each other. ganun.

10pm. hindi na nakakain si gemma, she had to leave dahil nga sa curfew hours nya. besides feel na din naming bothered na bothered sya as time passess by. we had no choice, pinagtulakan namin sya papalayo. joke lang. sayang di kami masyadong nakapagkwentuhan. hinatid na sya ni don 'gang tikling.

10:30pm. dinner time. dun pa lang nagsimula ang getting-to-know each other. we had fun. after namin kumain saka namin nilabas ang empe lights. dami kong kaba. mga nine, ganun. hindi kasi ako sanay makipag-inuman. at kung nalalasing ako, hindi ko alam kung ano pinagsasabi ko. dammit.

11pm. nakarating na si don. thank god. akala namin nilamon na sya ng traffic.that time e may tama na rin ako. ang lakas na kasi ng tawanan namin nun lalo na yong dalawang invites namin, si nica at angel. ubos na rin nun yong isang empe lights. and mind you lima lang kaming umiinom. madaming pulutan kaso natatakot akong ngumatngat dahil baka mas lalo akong malasing. nakakatense amputah.

11:45pm. umeksena si don. hindi pwedeng wala syang dalang partner. sya ang host. sayang naman. so nag-invite ulit ang gagu. si levi naman. buti na lang may kotse yong invite nya kaya madali silang nakarating. ang ganda ng invite nya! seksi. hihihi

12:10 onwards. inom. laklak. kwentuhan. inom. laklak. blah blah blah. lahat may tama na.

08am. nagising na lang ako na mainit ang pakiramdam ko dahil sa singaw ng kwarto. kulang yong hangin na binubuga ng electricfan para sa 5 taong nagsisiksikan. umuwi na din pala si levi ng mga bandang alas sais. ang kwento nauna na daw kaming natulog ng invite ko. totoo nga! magkatabi kaming natulog.
kinapa ko ang aking katawan wala namang masakit. hahahaha. wholesome kaya ako. tigilan nyo ako. hihihi

pagbalikawas ko, aba si ram at nica magkayakap. napakagandang eksena sa umaga! natulog ako ulit. habang pinagmamasdan ang mukha ng katabi kong dyosa. ehem.

10am.si don ang aga aga nagbubunganga na magsibangon na daw kami. that time, yong bonding namin e close na. hindi na sya superficial na memasabi lang na bonding. may mga info na rin kaming alam sa isat-isa. and i think that is a good indication of trust. :)

11am. we had our breakfast.

(to be continued)


Martes, Setyembre 11, 2012

kape


dalawang bagay lang naman ang nangyayari pag nagkakape ako.
kung hindi lumalamig e hindi nauubos.

madalas kong bilhin kay manong guard (oo tindero din ang guard namin ng kung anu ano) yong great taste coffee white. sakto lang kasi ang lasa, hindi mapait hindi matamis. so-so lang. ganun.

habang nagbabasa ako ng pukenang hundred of emails e sinasabayan ko ng lagok ng kape, tapos makikipagchat sa mga kaibigan sa ym kung sinong online, tapos sa hotmail chat din na intergrated yong facebook account ko, saka e-internalize yong mga email na importante. ipiprint. ipapasa sa staff. ipapabasa. tatanungin kong naintindihan nila. kung hindi uulitin namin mula sa simula. tapos pag okay na ang lahat saka ako lalayas. uupo sa upuan saka magkakape.

ang kaso mo, pagdating ko sa upuan ko malamig na. iba na yong lasa. ayoko pumunta ng pantry para ipainit pa to. mas magkokonsumo ako lalo ng kuryente kesa sa itapon ko. di bale kalahati lang naman yon.

ang kape, bow.

Sabado, Agosto 18, 2012

ang hirap naman

dear diary,

its difficult. yong feeling na ayaw mong mainlab sa kanya kasi ambata bata nya pero pinagduduldulan ng utak mo ang katagang...age doesnt matter. potah.

ayoko sanang mainlab sa kanya o kahit man lang mahulog yong loob ko kaso putangina talaga oh, hindi e. unti unti akong nahuhulog sa sarili kong kumunoy.

sya tong mabait. sya tong sweet. sya tong lahat. potah. ano pa nga bang magagawa ko?

haaay.


Martes, Hulyo 31, 2012

gago

hindi ko talaga alam kung mahal kita o sadyang napapalapit lang talaga ang loob ko sayo sa tuwing katext kita. hindi ko rin alam kung bakit mas malapit ka sa akin kesa sa iba. hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay mong nararamdaman sa akin, bilang ako o bilang kaibigan lamang.

alam mo yong feeling na inspired ka sa trabaho. alam mo yon? yong ganun feeling. ewan ko ba. kung totoo man tong nararamdaman ko para sayo. sana wag nang magmalabis pa, kilala ko kasi ang aking sarili na ipilit at ipilit talaga ang gusto masunod lang. sana hanggang don lang yon, yong gusto kita. ayoko kasi dumating sa point na gustong gusto na kita at sasabihin ang lahat sa yo tapos in the end magmimistula akong tanga. ayoko talaga ng ganun.

alam mo bang mas gugustuhin kong maging magkaibigan na lang tayo, kaso mapilit yong nararamdaman ko eh, di daw pwede. sinasabi ko na ngang makuntento sa kung ano man meron tayo o sa kung anuman meron akong nararamdaman sayo. kaso yun nga, mapilit ang gago.

gago? parang ako. gagong gagu sayo.


Lunes, Hulyo 23, 2012

of solace and solitude



had i only known that things will get fuzzy on my way, i wouldnt have tried to keep going. i was engulfed by the thoughts of surviving into my on guilty pleasure. i know it was my fault. not even yours nor the other. it was simply a chance of falling in love out of control.

i dont know if it was all a coincidence. i wouldnt have known. yet, it was compromising that someday, somehow it will last.for some, it was just a shit out of feeling, for me it’s love out of shit.

i chance upon looking up the sky, it was all dark. i cant even see the slightest streak of stars. its all just the cold breeze stroke into my face, that solitude, that seclusion behind bars of turmoil...i remain silent. at some point  i know that even the darkest night i have now will have something brighter morning tomorrow. call it dramatic, call it emo, call it whatever you want fucktard... i am naive at my most emotional abyss now, i really am.

i am in love but the feeling is not mutual. so therefore, the battle is not between two different souls, its between me and the battle itself.  it couldnt be any more harder when i know you’re there at the end of line, waiting. and in a midst of my survival there is a solace that you may give something i hold on for.  but its not, and will not ever be happened. it all just ME. alone in my own solitude and subtle diversity.

i shouldnt worry much of anything else. because it all boils down between ME and MYSELF. pathetic. it will just remain as unspoken words, unwritten poems and trapped feelings deep inside.  there i am. i was caught by my own stupidity.

This dark sky is still the same old sky I had been staring at AGAIN in your presence or without. but I hope it will not leave any dreadful nights AGAIN that ill be suffered from with so much pain due to something i have been longing to feel for.

this has been mechanical. i love, i get hurt. but in the end at the very least i felt something dynamical sense of comfort, i feel happy. i am less infantile inch by inch in terms of this kind of feeling. theatrical composition.

and for the last phrase that has  reached its core, where nothing has much more to write i know this is just the start of something i have been wishing for. blame it to me but im not giving up till its gone.

Linggo, Hulyo 15, 2012

inlab nga ba ako

yong frutos na yon? yon na siguro ang pinakamasarap na frutos na natikman ko, yong galing sa taong crush ko. hihi anlondeee.

tangna para akong bumabalik sa highschool. every little moment na kasama ko sya cherish na cherish ko. saka ok lang, sya naman tong nagmomotivate sa akin sa trabaho. yong every gising ko sa morning, sya unang unang maiisip ko at gaganahan akong maligo kahit napakalamig ng tubig. tapos tapos tapos.... ayyyyy... excited akong makita sya. tangna talaga.

anong meron sa frutos? binigyan lang naman nya ako ng 8 frutos. tatlo dun e pineapple flavor, yong lima e orange flavor. sinabihan ko kasi sya na bigyan nya ako ng frutos pag-uwi nya, ayun iniabot sa akin nang nakasmile pa. haaay..  nakakakilig na sa akin yon. ambabaw ko lang. basta galing sa kanya wala akong pakialam, kahit pa durian flavor yan. kebs.

ilang linggo na kaming magkatext. kung tutuusin mga walang kwenta yong pinag-uusapan namin, pero bakit ganun di ko magawang burahin. kahit yong text nyang... K. shet shet shet! whats happening to me? tapos ito pa yong mga importanteng message na kelangan kong isave pinagbubura ko. like, text mula sa smartmoney yong smartmoney number ko, yong forwarded cellphone number ng frend ko, at marami pang iba. wala pa dyan yong mga quotes na pikit-mata kong pinagbubura. ODK.

ewan ko ba. feeling ko kahit magkaibigan lang kami okey na sa akin yon, basta maramdaman kong mahalaga ako sa kanya bilang ako. sapat na yon. ay oo ang orte orte ko ngayon.

di po ako inlab. naglalandi lang po.



Miyerkules, Hulyo 11, 2012

i wanted...

"I guess I wanted more attention from you, I wanted to have a stronger friendship with you. Since I know you will never love me the way I love you, then friendship is the next best thing. I wanted you to confide in me, ask for my help when you needed it, I wanted to be your shoulder to cry on or punch if needed, I wanted to drink with you when you felt shitty and needed a dose of alcohol, I wanted to cry with you when you felt REALLY shitty, I wanted to celebrate with you when something came up that was worth celebrating, and I wanted to have front row seats to the movie of your life. I wanted to be there for you. I would have given anything for you. (I still would.) I wanted to show you in every way I can, how much you mean to me. At the very least, in a platonic level. But It didn’t happen. But I saw other people connecting and building strong relationships with you, and frankly I envied them. I wanted the same thing for me. So I got frustrated, and hurt.” #ijustreadsomewhere

bye tito dolphy



ewan ko ba. malungkot ako ngayon. siguro dahil sa pagpanaw ni comedy king. lumaki kasi ako sa ilang mga pelikula nya at sitcoms. lalo na yong home along da riles. naalala ko pa, tuwing huwebes yun ng gabi noon bago mag maala-ala mo kaya. sabay sabay naming panonoorin ng mga pinsan ko. sabay sabay din kaming tatawa pag hihirit na si dolphy.

larawan ng isang juan dela cruz si dolphy. nagtiyatiyagang magsumikap para mabuhay ang pamilya. ganun ang karakter nya sa home along da riles. kahit may kaya ang nagkakagusto sa kanyang si aling azon, hindi sya naging opurtunista kundi mas nagtatrabaho pa sya ng husto para lang mapakain ang buong pamilya.

ewan ko ba. siguro nahahawa ako sa pagdadalamhati ng buong pilipinas sa pagkawala ng isang magiting na artista noon at ngayon. siguro nga. nakalulungkot lang dahil sa kanyang pagpanaw matatagalan muling makahanap ang lokal na tanghalan sa isang tulad nya. mabilis malaos ang mga artista ngayon. naiisip kong iba pa rin ang humor ng isang dolphy lalo pa't evolving na ang panahon.

siguro nga at nalulungkot lang ako. naaalala ko kasi ang lola ko sa kanya na paboritong paborito ang karater ni kevin cosme.

rest in peace tito dolphy.

Sabado, Hulyo 7, 2012

boy bawang

naaasar ako.

ganito kasi yon. pag-alis ko ng bahay kanina, okay na okay ang lahat....sa tingin ko. buhok, tsek! tshirt, tsek! sapatos, tsek! pabango, tsek! backpack, tsek!

dali dali pa akong umalis dahil trenta minutos na lang male-late na ako. agad akong sumakay ng fx mula sa pasig rotonda. pag bukas na pagbukas ko pa lang ng pinto ng fx isang masangsang na amoy ang bumungad sa akin.pakshet amoy bawang.

no choice.

ganito kasi yon. ang sinasakyan kong fx e yong malapit ng mapuno o yong halos puno na para hindi na pahnito hinto sa pagsakay ng pasahero. inshort tuloy tuloy ang byahe. so para makabawas pa sa paghihintay kelangan dapat yong papuno nang fx. ganun ang option ko. so kanina habang nakabukas ang pinto ng fx, natulala ako ng pagkatatagal tagal. mga 3 seconds ganun. iniisip ko kung sasakay ba ako o maghihintay na lang ng ibang fx. kaso sa akin lahat nakatingin ang mga pasahero. tumuloy ako.

ang masangsang na amoy.

ganito kasi yon. may namalengke pala sa pasig palengke (syempre). at inukupa ang likurang bahagi ng fx. punumpuno, nagpanic buying ng bawang ang ate mo. merong repolyo. merong talong. merong sitaw. merong kalabasa. at yun na nga... yong tinadtad na bawang. bakit ko alam? kasi halos kalahating timba ang binili ni manang. di ko alam kung panggagamot nya sa an-an o baka gawing garlic juice. yak.

kalbaryo.

actually mabilis lang naman ang byahe ko. mga 20 minutes ganun. pero kanina parang ang tagal tagal ng oras. gusto ko nang bumaba. kung may susumusunod lang na fx... jusme bababa ako at magpapagpag ng amoy. ganun kalala. hindi ko malaman kung bakit pumayag si manong driver at hindi naisip na ang aircon ng sasakyan nya... yong sirkulasyong ng hangin e paikot-ikot lang. at sa ibang mga pasahero kahit alam kong naaamoy din nila ang iisang amoy na nilalanghap namin, parang wala lang sa kanila...parang ang kwarto nila e may scented candle na ang variant e garlic. so ang ginawa ko todo pahid ako ng alkohol sa kamay ko para yon na lang ang malanghap ko. okey nang bangag pumasok sa opisina wag lang umamoy at tawaging boy bawang. 

pagkababa ko ng fx sa tapat ng building namin, dali dali akong bumaba. ilang minuto na lang din kasi e male-late na ako. pagpasok ko ng elevator sa akin nakatingin lahat ng kasabay ko. yong hintuturo ay nasa pagitan ng bibig at ilong nila. alam na.




Sabado, Hunyo 9, 2012

you, as in you!

yong blog mo na punumpuno ng apostrophe na kahit alam ko namang wala sa rules, gumagawa ka lang ng sarili mong pamantayan.

eyesore.

Miyerkules, Mayo 23, 2012

yong kusang babagsak na lang na akala mo sa simula'y matibay at masaya, yong parang sa fairytale pero nakanam...

para syang brip na walang garter o yong mahina na yong kabig. pilit mong iniipit-ipit pero sadyang wala nang kapit. tulad na lang sa isang relasyon. kahit anong higpit ng yong kapit kung wala nang ihihigpit kusa 'tong babagsak paibaba ng walang kasabit sabit. promise paniwalaan mo ako.

snapshot 10: blur


snapshot 09: innocence


Lunes, Mayo 21, 2012

in evolution, everything that would look merely useless will surely disappear.

looking at the edge, there you are. but i do not despise you whose liking it either. so go away, throw yourself in a bin, bitch! 

snaphot 08: Statue


Miyerkules, Mayo 16, 2012

ganun talaga

You left me with goodbye and open arms. A cut so deep I don't deserve. Well you were always invincible in my eyes. And the only thing against us now is time...

yong bawat pahina na hindi mo naman talaga alam kung sang libro nanggaling. pilit mong pinagdudugtong dugtong para lang mabuo ulit ang bawat pilas nito.

Could it be any harder to say goodbye to live without you. Could it be any harder to watch you go, to face what's true. If I only had one more day...

wala nang sasakit pa, na sa tuwing pagdampi ng yong tingin sa papel ay humuhugis ito ng isang kutsilyong unti unting tumutusok sa yong puso.

I lie down and blind myself with laughter. Well A quick fix of hope is what I'm needing. 'And how I wish that I could turn back the hours. But I know I just don't have the power yeah...


maaalala mo yong panahong ang nag-iisang bulaklak sa gitna ng masukal na hardin. pilit mong inaalagaan subalit natutuyot ito nang wala sa oras. nalanta nang wala sa panahon..

Well I'd jump at the chance We'd drink and we'd dance. And I'd listen close to your every word. As if it's your last, but I know it's your last 'cause today, oh, you're gone...

manghihinayang ka sa talulot ng bulaklak na unti unting humahalik sa lupa. wala kang magawa kundi pagmasdan 'to sabay ng pag-ihip ng hanging bumabalya sa mga dahon at halamanan. sana noon pa.

Could it be any harder. Could it be any harder. could it be any harder to live my life without you?Could it be any harder? I'm all alone, I'm all alone.

wala nang sasakit pa na sa tuwing pagmamasdan mo ang kalangitan, banaag mo ang kaulapang nagpupumiglas para sa isang ulan. hindi umabot, kinulang. wala nang sasakit pa na sa tuwing pagmamasdan mo ang tangkay ay unti unti 'tong nauupos sa kawalan. sobrang sakit.

Like sand on my feet. The smell of sweet perfume. You stick to me forever baby. I wish you didn't go, I wish you didn't go,I wish you didn't go away to touch you again, with life in your hands. It couldn't be any harder.. harder.. harder.

sa ngayon tanging ang mga alaala na lang ng panahon ang magsisilbing ugnayan nyo pareho. tanging ang mga ulap lang ang makakapagsabi kung nasaan sya. tanging ang mga ibon lang ang makakapagsabing kung gano sya kalaya. tanging ang buhos ng ulan ang makakapagsabi kung tahimik na sya. at tanging ang samyo na lang ng hanging ang makapagwawaring kung okey na sya. salamat pero ganun talaga.

snapshot 03: look its a plane!

May 16, 2012: silhouette of the dawn.

Martes, Mayo 15, 2012

snapshot 002: chasing pavement along Meralco Ave. Ortigas

Should I give up,
Or should I just keep chasin' pavements? 
Even if it leads nowhere 
Or would it be a waste 
Even if I knew my place 
Should I leave it there 
Should I give up, 
Or should I just keep chasin' pavements 
Even if it leads nowhere

Lunes, Mayo 14, 2012

snapshot 001: waiting

this ruined my monday morning. antagal tagal kong naghintay ng masasakyang fx. halos kalahating oras na yon. alas sais ang pasok ko. ilang minuto na lang time in ko na. asar.

Linggo, Mayo 13, 2012

nang minsan pa'y umulan ng malakas sa gabi ng mother's day


kasalukuyang umuulan ng malakas ngayon. nagising na lang ako sa patak ng ulan sa bubong, malakas.

akala ko kung ano nang kalamidad ang nangyayari, ulan lang pala. mabuti na ri siguro yon mahalumigmig sa gabi ng muling pagtulog ko.

hindi lang kasi ang tunog ng ulan ang gumising sa akin. sa tingin ko maging ang lakas ng garalgal ng kanina pa'y nagugutom na tyan.

mothers day ngayon. ilang ina ba ang kilala ko sa buong buhay ko. marami sila. napadalahan ko na ng text kanina pa ang nanay bago ko ilapat ang aking katawan sa kama.

nagkaroon kasi kami ng nightswimming kagabi sa antipolo, at di ko maikakailang napuyat ako. mabalik tayo, marami nga akong kilalang nanay. si ganito, si ganyan, si ito, si yan...lahat sila nanay na.
hindi bakas sa akin ang sipag para mabati sila ng isa-isa. kundi nanalangin na lang ako sa Itaas nawa'y maging masaya sila sa araw na to at umokey sa lahat ng bagay.

“A human body can bear only 45 del (unit) of pain. But at the time of giving birth , a mother feels up to 57 del of pain. This is similar to 20 bones getting fractured, all at the same time.” -Anon
HAPPY MOTHER'S DAY.

Sabado, Mayo 12, 2012

Psssst... Taxi!

masakit na ang mata ko nun kasi maghapong nakatutok ang mata ko sa computer, sinamahan pa ng overtime. alam ko pasado alas onse na ng gabi ng lisanin ko ang opisina. dumaan muna ako sa bancheto para bumili ng pagkain.

minabuti ko na lang na sumakay ng taxi, bihira na din kasi ang fx ng ganung oras papuntang pasig. buti na lang at wala pang limang minutong paghihintay e nakasakay na agad ako. di kilala ang taxi na nasakyan ko. at swerte kong napakalinis sa loob ng taxi. amoy malinis. amoy mabango. yon ang unang napansin ko nung paglapat pa lang ng pwet ko sa upuan. malinis. comfortable.

madalas kasi akong nakakasay ng mga taxi kung hindi sadyang mabahao e nag-aagaw ang baho at bango mula sa air refreshener. nakakahilo yong ganun.

nagsalita ako, ang linis linis naman ng taxi mo kuya. sa inyo po ba ito? napangiti sya at nagkwentong namamasada lang daw sya ngunit kung ituring nya ang taxi na yon e parang kanya, in terms of pag-aalaga. ganun ang concern nya sa sasakyang bumubuhay sa pamilya nya. at nagkwento pa si manong na hindi lang daw ako ang unang nakapuna sa taxi na pinapasada nya. madami pa.

nakwento pa nyang nagkaroon daw sya ng pasaherong nagmamaktol at nagsusumbong sa kanya dahil ang baho ng taxi nasakyan nila buti na lang at nakita si manong at pinara. halos daw masuka suka yong ale at yong anak niya.

naisip ko, kahit pala taxi driver ang trabaho mo na minamata pa ng ilan, pupuwede mo pa rin talagang ibigay ang puso mo sa trabahong yon. yong hindi lang dahil sa kumikita ka kundi dahil sa good steward ka ng serbisyong ipinagkaloob sa yo. humanga tuloy ako kay manong. ramdam mo kasi yong pagmamahal nya sa trabaho nya, na handa syang maglaan ng mas kinakaukulang serbisyo sa customer o pasahero nya.

para sa taxi na PAUL MARVIN PANGANIBAN MPL TAXI  ng blk 9 lot 7 Snt Joseph St. Sto Nino Villa Alabang, Muntinlupa. saludo ako sa taxi may plate number TYX995.





Biyernes, Mayo 11, 2012

bringing back the past 101

kung laking 90's ka malamang kilala mo ang boyband na boyzone. oo boyzone na binubuo nila Keith Duffy, Stephen Gately, Mikey Graham, Ronan Keating, at Shane Lynch. kilala ko sila sa kanta nilang no matter what at everyday i love you. nung elementary days ko kasi uso pa nun ang songhits at song mag. sila ang madalas na laman ng mga to. kaya sino pa ba ang hindi makakaalam sa kanilang kanta lalo pa't sikat na rin ang kanta nila sa mga estasyon ng radyo.

grade 5 ako nun ng una kong marinig ang kantang no matter what. kasal kasi ng tita ko at yun ang madalas na pinapatugtog ng kalbong dj. okey naman. cool. 

lately, nagre-reminisce ako ng buhay nobenta ko. kaya dinadownload ko lahat ng mga kantang pamilyar sa akin nung kabataan ko. at ito nga, isa sa mga naabutan kong boyband ay ang boyzone. 

kahit di ko pa nun alam kung anong ibig sabihin ng mga liriko ng kantang to. basta ang alam ko kinakanta ko to nung bata ako.




Lunes, Mayo 7, 2012

monday gloomy.

supermoon daw kagabi. kaya pala lunatic ako. joke. umulan naman kasi so malabo ang chance na makita ko yang supermoon na yan by any chance.

nagkulong lang naman ako kahapon, actually inayos ko yong mga pics ko sa coron escapades ko. tapos in-upload. di na nga ako nakapaglaba, pina-laundry ko na lang yong ibang damit ko sa suki kong laundry shop. makulimlim so malabo ding matuyo. iniisip ko kahapon kung anong magiging luto nung dala kong lobster mula sa palawan. kung gagataan ko ba or steam na lang. ayun, hangang sa ngayon nasa ref pa rin, wala pa ring desisyon kung anong magiging luto. good luck.

lunes ngayon, maaga akong gumising kasi maaga din ang pasok ko. dapat by 6 o'clock nasa office na ako. pag ganitong monday konti lang ang transactions namin, sunday kasi sa new york so konti lang yong nagpapadala. so what i do nakikinig na lang ako sa monster radio.

as of now, makulimlim pa rin ang kalangitan. ang aga namang natapos ang summer 2012. ang gloomy ng sky. sana maya-maya lang sumikat na si haring araw. sana. :)

Sabado, Mayo 5, 2012

my coron adventure part 1

halos limang araw din akong nawala sa kabihasnan. pumunta ako ng coron palawan. wala lang, naglustay lang ako ng pera...joke. seriously ang ganda ganda ng lugar. taga dun kasi nanay ko, bale mother's side taga palawan sila. so wala na akong problema sa lodging ko, actually libre din yong pagsundo sa akin mula sa airport. sinundo ako ng tito ko gamit ang motor.pakingshet ang ganda ng lugar, tanaw na tanaw ko ang bundok sa kaliwa tapos sa kanan naman isang napakalaking stretch ng seashore. sa busuanga ang tungo ko, doon ako tutuloy. nasa isang oras din naming binaybay ang daan. masakit sa pwet pero okey lang kasi enjoy na enjoy ko ang view.
bundok sa kanan, dagat sa kaliwa. ganun ang scene, parang sa pelikula lang. nakarating kami ng brgy bintuan halos mag-aalas sais na ng gabi. good thing may kuryente ang baranggay kahit liblib sila. tiningnan ko ang gps ng phone ko, takte halos 60 miles din pala ang biniyahe namin mula sa airport. anlayoooo. agad akong sinalubong ng mga pinsan ko. pagkatapos magkamustahan at magkabigayan ng salubong, ayun picture taking na. sayang di ko dala yong tripod ko.
pagkatapos ng picture taking sa tapat ng bahay naisipan naming pumunta ng aplaya. doon pinagpatuloy ang picture taking.
after ng kwentuhan, naghanda kami na ng hapunan... at ang sosyal ko lang, umuulan ng seafoods ang ulam. sarap.
after kumain, ugali na ng mga pinoy ang magkwentuhan. so ano pa nga ba? nagkwentuhan kami hangang sa mamatay na ang ilaw. 'nga pala yong kuryente pala ay nagsisindi mula alas sais ng hapon hangang alas diyes ng gabi. okey na rin. (to be continued)

Biyernes, Abril 27, 2012

kass bday

wala pa akong matinong tulog. galing ako sa birthday party ng isang frend. at halos tatlong oras lang ang tulog ko, putol putol pa. yong isang staff ko, si patrick natulog sa bahay ko. walang kiyeme. cowboy. yun ang gusto ko, walang inhibitions sa katawan at kaartehan. kaso kanina pagpasok namin, pareho kaming puyat. goodluck. sana walang error today. random act of kindness: nag tip ako ng 40 pesos sa taxi driver kahit okey lang sa kanyang wag na akong magbigay. pero nagpumilit ako. ako nang mayaman. :))

Huwebes, Abril 26, 2012

nasa ikatlong buwan na si chloe ngayon, yong pet ko. ang kulit kulit na nya. mahilig ngumatngat, kaya minsan imbes na chloe ang pangalan nya tinatawag ko syang natalie, ngatngatalie. madalas kaming magwalk sa labas. kelangan kasi nya yon bilang exercise nya. tuwang tuwa sya pag nasa labas kami, para syang nakalayang ibon. may malapit kasing parke sa amin, doon kami madalas tumambay ni chloe. halos kilala na nya ang lugar. pag alam nyang malapit na kami, kumakawag kawag na yong buntot nya. ang kyut nyang tingnan pag hinahabol nya ako. napaka-active sa paglalaro. after naman namin maglaro at nasa bahay na kami pareho, pupunta yon sa ilalim ng kama at matutulog, sobrang pagod kasi nya. ito pala ang pic ni chloe ngayong 3 months old na sya.

Miyerkules, Abril 25, 2012

random act of kindness #1

today, i made a paypal transfer to a pozzie. He has been struggling that HIV for almost 3 years, i think. and for the act of kindness and support, i transferred a small amount into his account. may God bless him always. will pray for him too. :)

Biyernes, Abril 6, 2012

biyernes santo

biyernes santo. may pasok ako ngayon. kung anong sing-ingay ng telepono namin during normal operation e sing tahimik naman ng kasingit singitan ng mga pinto namin. nakakaurat ang katahimikan. apat lang kaming pumasok, ako, si paolo, si chichi at si ate ara. tanging ang tipak lang ng keyboard lang namin ang naririnig namin.

nakabibinging katahimikan.

kanina ko pa pinagmamasdan yong umiikot na balerina, kung pakaliwa o kung pakanan ba talaga. napapagpalit ko. bwisit.

ang luwang luwang ng kalsada, ang luwang luwang ng presence of mind ko. wala akong masyadong ginagawa. as in wala. nakakaurat na din ang twitter at facebook. wala kang ibang mababasa dun kundi ang taas ng ihi ng iba. kung di naman eh panghi ng ihi nila.

gusto kong kontakin yong kaibigan kong nasa US ngayon, kaso anong oras na baka tulog na. kasarapan na ng tulog at naglalaway pa.

sinisilip ko ngayon kung magkano ang laman ng pitaka ko. 400 pesos. panigurado hindi 'to magkakasya sa loob ng isang linggo. kelangan kong maglabas pa mula sa naipon ko.

speaking of savings, pagkakataon ko na rin palang silipin ang navps ng mutual funds ko. hmmmm... mukhang tumataas, pero wala pa rin sa ini-expect kong ROI. shet. shet. shet. baka dalawang taon pa.

o sya sige, makapagkape nga lang muna.

Lunes, Marso 26, 2012

chloe, my newest toy


last week bumili ako ng puppy. ewan ko ba kung impulse buying ang nangyari o talagang pagkakataon ko nang bumili ng pet. i have been wanting to have one ang kaso mo bawal sa apartment ko pero since wala na yong orihinal na may ari at landlord na lang nagpasaway ako, breach kung breach ang kontrata. lol.

her name is chloe. ang sosyal lang di ba? parang cartoons hahaha. she is a crossbreed of shitzu and mini pinscher. at ang kuleeeet. nung unang mga araw medyo matamlay sya, siguro dahil sa bagong environment pero nung mga 2 or 3 days after na, ayun nagiging makulit na. she likes going out for a walk. kaya parati kami sa parke tumambay, i make her socialize para sa kanyang behavior.

next week pa ang sched nya sa vet para sa kanyang vaccine. actually wala pa syang antirabbies vaccines kasi kadedewormed lang nya. pero may vitamins naman sya, yong amoy tiki-tiki. pero gustong gusto nya.

about dun naman sa foods nya, mas gusto nya ang table food kesa sa dog food... so i always prepare her a ground beef sauted in tomato sauce. okey naman sya dun. minsan nga kanin pa na may sabaw e. okey din sya sa milk. pero yong milk nya dapat ay lactose free para di magkaroon ng complication ang kanyang digestion.

kasama ko sya sa gabi kung matulog, mahilig syang sumiksik sa kili kili ko. siguro dahil mainit. at ang cute cute nya kung matulog parang baby. humihilik pa nga e. haaay.. kaya may reason na akong umuwi ng bahay nang maaga.

sana lumaki syang disciplined. :)

Biyernes, Marso 16, 2012

lagablab

Love ONE...! Not TWO
But love the one who loves you too...

Love not THREE, not FOUR
But love the one who loves you more...

Love not FIVE, not SIX
But love the one who really sticks...

Love not SEVEN, not EIGHT
But love the one who's willing to wait...

Love not NINE,not TEN
But love the one who'll love you till the END....

Huwebes, Marso 15, 2012

healthy living eh?

two weeks na akong nagbabawas ng timbang. 122lbs ang weight ko, though normal naman para sa aking BMI pero nalalakihan ako sa tyan ko.
so more more cardio ako this last few days. tapos sit ups at push ups. masakit sya sa katawan, hindi biro yong 30mins na exercise na yan para lang
maging lean ang body ko. tapos nagbawas na din ako ng kanin. dati nakaka 2 cups of rice ako, ngayon one cup na lang sa lunch. tapos sa gabi oatmeal or fried egg ang veggies na lang.

part din ng diet ko ngayon yong brownrice at lean foods. more protein ang kelangan para maging lean, so far nagkakashape naman ang braso ko at nagiging firm yong maskels. medyo lumiit na din ng onti ang aking belly.

ibang klase ng lifestyle ang pinagkakaabalahan ko ngayon, dati kasi mas malaki yong oras na nagugugol ko sa harap ng pc sabay ng isang pakete ng chippy at coke zero. ngayon hindi na, exercise na tapos eating healthy foods kuno. saka magastos ang magdiet.

but so far nakikita ko naman yong result, nagkasya na yong mga pantalon kong dati'y di ko masuot. ang sarap ng feeling ng ganung achievement, achieve na achieve!

sa ngayon ang problema ko is yong pagpupuyat, di ko maiwasan. alas dose or ala una na ng madaling araw ako nakakatulog sabay gising ng alas sais y medya ng umaga. doon ako nagkukulang. kelangan kong i-adjust yong sleeping habit ko. crap!

balak ko din palang bumili ng whey protein kaso di pa kaya ng budget ko, may kamahalan sa isang aliping sagigilid na tulad ko. tiis tiis muna sa gatas at itlog kaso dapat moderate lang para di mataas ang calorie content.

last saturday 122lbs ang weight ko, goodluck sa akin this coming saturday. sana may mabawas kahit pano.

Lunes, Marso 5, 2012

marso

marso na.
andaming nangyari nitong january at february pero di ko naidocument thru blogging. isa dyan yong nagkita-kita kami ng mga dati kong classmates sa college.first time ever after graduation. bumalik sa amin yong dating kulitan and everything.napag-usapan ang mga dating lovelife, profs, subject, major, mga classmates at delusional torture.

lately, nagkaroon ako ng sakit. sinisipon ako saka inuubo. i find it ironic na pag umiinom ako ng vitamin c the more na susceptible ako sa sakit like colds.
nahinto din ako sa hobby kung photography, ewan ko ba... tinamad akong mag-edit ng photos. upload lang nang upload kahit kelangan ibrush-up ng konti sa contrast at brightness.

ngayon naman nahihilig ako sa pagluluto. gusto ko magluto ng kung anu anong putahe. pero pag naluto na, wala naman akong ganang kumain dala na siguro ng pagkasawa dahil tikim ng tikim.
kaya ang siste binabaon ko sa opis kaya mga kaopisina ko ang lumalantak. moment of success naman sa akin hahaha.

sana kung ano yong dapat kong matapos ngayong march, sana successful. wish me luck.

Martes, Enero 10, 2012

hiraya manawari

ewan ko ba kung bakit nostalgic ako today. bigla ko kasi naalala yong mga dating palabas nung bata pa ako. yong sineskwela, bayani, mathinik at lalo na yang hirayamanawari na yan.

out of the blue bigla na lang akong nagsearch sa google ng hiraya manawari. ayun...madami din palang tulad ko ang nakakamiss sa palabas na to. batang 90's po kasi ako. at halos sa ganitong palabas na ako lumaki. mga tulad kong sabik mapanood ulit ang mga ganitong pambatang palabas.

naalala ko pa, magtitipon tipon kaming magpipinsan sa harap ng tv para manoond ng hiraya manawari. kapag palabas na walang talagang nag-iingay lahat nakatutok sa tv. those were the days na hindi mababayaran ng kahit anumang halaga yong bonding naming magpipinsan.

andami dami kong natutunan sa hiraya, sa totoo lang. mga values na nai-aaply ko ngayong matanda na ako. akala ko nung bata ako palabas lang yun, hindi pala. kasi yong mga values na yon ang bibitbitin mo pagtanda mo.

naghanap hanap ako kanina sa youtube ng mga episodes ng hiraya, kaso halos wala akong makita, kung meron man putol putol at kulang sa upload. naghanap na din ako sa ebay.ph kung may nagbebenta ng dvd copies o kahit vcr copies bibilhin ko kaso wala e.

sana mapalabas ulit yong mga ganitong klaseng ng programa.

Lunes, Enero 2, 2012

2011

2012 na! ano kaya ang magiging kapalaran ko this year? maswerte kaya? sana... pero bago pa man ako mag-isip isip ng kung anu-ano para sa 2012 ko, isa-isahin muna natin kung ano ang mga nangyari sa akin noong 2011.

sss id.
sa wakas nakuha ko rin ang sss id ko. last 2010 ko pa to pinagawa at ngayong taon ko lang to nakuha. infairness to good heavens, worth it naman ang paghihintay kasi normal naman ako sa picture na kadalasan sa mga valid pictures e kung hindi baliko ang nguso e ngising-aso ang ilan. UMID na sya. pwede nang gamitin sa pag-ibig, philhealth at gsis. cool di ba!

dslr camera.
nabili ko rin sa wakas yong pinapangarap kong camera nung 2009 pa. its a canon folks. nabili ko to dahil sa midyear bonus ko. 2011 din ako nagsimulang magphotowalk nang mag-isa. kung saan saan ako nakakapunta. ang kaso mo, tinatamad na akong i-edit sa lightroom yong mga kuha kong pictures.

business venture.
nagventure ako sa isang business. gusto ko kasing kumita. makabili ng bahay at kotse. kating kati na akong yumaman, kaya naisipan ko na ring magbusiness, isa pa di rin naman ako yayaman sa pagiging empleyado lang. kung anong business to? secret. :))

career.
infairness, nahirapan akong mamili noon kung mag-i-stay ako sa pagiging sup or maging fraud analyst para sa bagong department. it was a nerve-wrecking decision. ang hirap hirap magdecide. pero so far, ayun... sup pa rin ako. saka na yang fa na yan.

dawnshift.
ito yong shift ko na hawak ko ngayon. from 07:30am to 04:30pm ang shift namin. we take calls and processing. i am in a remittance company nga pala. so medyo ngaragan lalo na pag peak season tulad ng christmas, o yong season na kelangan ng pera ng mga pamilya ng ofw. mas lalo kong napagtibay yong samahan namin. we have been strong in the past pero lagi ko silang pinaalalahanan na we should keep that burning desire para mas lalo kaming maging strong.

acquaintance.
madami din pala akong nakilalang bagong kaibigan this year thru chatroom, thru common friend, blogs, at ilang social community pa. okey naman sila. :)

family.
madami kaming utang. pero 2011 nang maumpisahan kong bayaran paunti-onti, yun na rin siguro yong kaya kong itulong para sa magulang ko. and guess what this 2012 kayang kaya ko nang mabayaran lahat. sana mag lalong maging close pa yong family ko, although kahit malayo kami sa isat-isa. nasa province sila kasi ngayon. ako andito sa manila para magkayod-kabayo. hahaha.

self.
kahit kinukulang ako sa tulog binibigyan ko pa rin ng time ang sarili ko para makapagrelax. minsan nagpapamasahe, minsan namamasyal, minsan kumakain ng kung anu-ano, nagbabasa ng libro, nagpapahinga, namamasyal sa parke at natutulog sa ilalim ng puno at kung anu-ano pa na hindi nagbibigay ng pagod sa katawan. mas lalo ko ding pinagtibay yong tiwala sa sarili. ayoko nang madepress. ayoko nang malungkot.nakokontrol ko na rin yong bugso ng emosyon ko, yong galit. malakas ang kumpyansa ko sa sarili ko na magagampanan ko yong role ko sa buhay, ang maging mabuting tao para sa lahat.