Huwebes, Setyembre 25, 2008

bata..bata... saan ka ginawa?

"mudra, fudra, geztong kez kronapey, sisterette, brotherloo, geztong kez frafey.Lahat ng geztong kez ay kemer-kemerlu. Ang magkakawiz ay fifingutin kez..."--dalawang batang baklita naglalaro ng nanay-tatay.

Naaalala nyo pa ba yong larong ito? Hindi ko alam kung saan nagmula 'to pero nakakaaliw ang larong to, nilalaro namin to noong bata pa ako kasama ng mga pinsan ko, astig pag nagpipitikan na sa tenga at may umiiyak.

Malamang dumaan din kayo sa pagkabata, naging isip-bata, nang-away ng kapwa bata, nakilaro sa kapwa bata, at minsan pay gumawa ng bata. Masarap maging bata sa totoo lang, ang mga panahong nakikipaglaro tayo ng habulan, taguan, step-no-step-yes, harang-taga, at marami pang ibang outdoor games na prone sa peklat.

Away-bati pag bata, konting sulsol, beehlat, kampihan, inggitan, at paluan. Yan ang pumapasok sa isip ko pag naiisip ko ang salitang BATA.

Pero kelangang tumakbo ng oras, babago man ang panahon kelangang mag-grow bilang isang matanda na hinasa sa disiplina mula noong pagkabata. May malaking kinalaman ang 'pagkabata' sa kung ano ka ngayon, sa kung ano ka meron ngayon at sa kung paano ka ngayon.

Miyerkules, Setyembre 24, 2008

rain rain go away!

Malakas ang ulan ngayon, nabasa nga ako papunta ng ofis, dahil ata sa bagyong parating.Kahapon nabasa din ako, wala kasi akong payong. Tamad akong magdala ng payong isa pa wala pa akong bagong payong, mas lalo ang kapute.

The best thing one can do when it's raining is to let it rain.”
-Henry Wadsworth Longfellow

Masarap tumambay sa loob ng bahay pag umuulan.Masarap magkape, masarap magmeryenda, masarap manood ng t.v, masarap kumain, at higit sa lahat masarap matulog.Yon na rin ata ang isa sa mga benefits pag umuulan para sa mankind.

Naalala ko tuloy noong batang paslit pa lang ako na mahilig lumusong sa ulan, at ang tanging alam ko lang ay ang humiling na sana araw-araw umuulan.Mahilig talaga ako sumugod sa ulan na parang nakikigiyera. Laging may pabaon sa akin noon si inang mother na payong o kabute pero kung anong amoy nun mula noong binili ay ganun pa rin hangggang matapos ang school year--amoy pabrika, amoy bago.

Pero ngayon, mas nanaisin ko na lang na manatili sa bahay.

pinoy ako...

Day off ko kahapon. Natural naglinis ako ng bahay ko, naglaba, nanood ng dvd at naglaro ng PSP, syemps sulitin ko na ang araw na wala akong pasok.

Sya nga pala, napanood ko yong documentary ni Kara David sa GMA-7 yong biyaheng sikmura, tungkol ito mga yagit na nakikikain sa mga prayer meetings, burol, feeding program o kahit anong tsibugan, wag ka... may schedule ang bawat kainan at kelangan nilang makadalo para lang magkalaman ang kanilang sikmura.

Sa panahon ngayon na naghihirap ang Pilipinas, masisisi ba natin sila?
"habang may sikmurang nagugutom, hindi maiaalis ang feeding program". Sa panahong naghihikahos ang maralita, nasa gobyerno ang may malaking responsibilidad para umunlad ang sambayanang Pilipino, kumilos man o magtrabaho sila kung kulang sila ng oportunidad para makahanap ng ikabubuhay... wala ring silbi.

Ayoko silang ikondena, dahil aware naman ako sa mga nangyayari sa ating bansa, hindi nila kasalanan maging mahirap ang pagkukulang lang nila ay ang tamang diskarte para mabuhay.

Kontento ako sa kung anong meron ako ngayon, nakakakain nang kahit anong gustuhin ko. Maswerte pa rin ako dahil tatlong beses pa rin ako nakakakain sa loob ng isang araw. Minsan sumasakit ang sikmura ko pero di dahil sa gutom dahil sa kabusugan kaya maswerte pa rin ako.

Hirap pa rin ang Pilipinas...
Hirap pa rin ang Pilipino...

Sino nga ba ang masisisi sa lahat nang to?

Lunes, Setyembre 22, 2008

in history of...

Hindi ako nakadalo ng PhilippineBlogawards2008 na ginanap dyan lang sa mall of asia. Di ko na rin kasi kinaya yong antok at puyat. Ayoko namang magmukha akong zombie sa ibang bloggers.

Para saan nga ba yon? Bakit kelangang dumalo? Andun ba si batman? Namumudmod ba doon ng blog license para lang makapagblog? may kainan ba doon?

Bilang isang blogger, at nagsisimula pa lamang sa industriyang ito (naks parang showbis) nakikinita ko na karapatan nang bawat isa na maging literado sa computer kahit basic man lang, at bilang literado prebilihiyo mong mag-blog, gumawa ng email, mag-friendster, mag-youtube o anupaman na may kinalan sa computer, dahil parte iyon.

Sa bansang tulad ng Pilipinas, ayun sa istatistika halos 55 percent lang ng mga pinoy ang may alam sa computer, di pa kasama dyan ang mga alien,maligno, multong kabayo, multong bakla kompara sa Western Countries na karamihan sa kanila ay may alam sa computer.( disclaimer: hindi ko alam kung updated yong article na nabasa ko, minsan kasi hilig ko din magbasa ng back issues.lol)

Noong elematary pa lang ako, mahilig magbasa nanay ko noon ng pocketbook,love stories na komiks, tabloid, at maging dyaryo na pinambalot sa tinapa, daing o tuyo.Kaya maaga akong naexpose sa kahalayan este sa pagbabasa, nangolekta na rin ako ng mga sinaunang readers digest,national geography, at ilang magazines. Pero noong nagkaroon ako ng project noong highschool ako; lost na, masaya ko na lang silang nakikita nakadikit sa isang malaking cartolina na punumpuno ng glitters at glue.

Kaya mula noon, nahilig na rin ako sa pagbabasa ng libro o kahit anong pwedeng basahin pati love letter ng kapatid ko.

At mula din noon, nahilig din ako sa pagsusulat, tinalikuran ko noon ang nagsisimula pa lang na interes sa pagpipinta.

Kaya heto ako ngayon, nagba-blog. Nagsususulat at nagbabasa.

Huwebes, Setyembre 18, 2008

human instinct

When someone breaks your heart, you turn into a small ball of self-pity.You lie on your bed, you hug your knees and keep them close like a fetus.

Sigmund Freud says:
"It's human instinct to go back to the womb where we can feel safe"

love...lablab...love

It is one of the greatest ironies of human existence that the more you love someone, the more you make yourself vulnerable in the pain of losing them, and the more people you love, the more you increase your chances of getting hurt. Yes, love makes you strong but at the same time it leaves you defenseless.

Miyerkules, Setyembre 17, 2008

taguan, GONE!

Hala! nahanap na ako ni utakmunggo, pinalitan ko na kasi yong url ko. Basta lang, pasekreto kunwari at feeling anonimous.
anyway, medyo ngarag ang day ko ngayon, dami ko kasi ginawa. May mga follow-ups ako sa agents at yong report pa na pinapagawa sa akin, pero okey lang part naman talaga yun ng trabahong pinasukan ko.

Nalungkot ako sa nabasa kong post ni rj, hindi ko alam kung sino ang pumanaw, pero kahit panu ramdam ko yong sakit ng nawalan.Madrama kasi ako eh, hilig ko na kasi ang panonood ng telenovela mula noong bata pa ako.

Anyway, hangad ko ang kabutihan para kay kuya rj, di nya ako kilala pero may isang bigkis ang nag-uugnay sa amin, kapwa ko sya blogger at higit sa lahat kapwa ko sya pilipino na ginagawa ang lahat para sa pamilya.Naway maging okey ang lahat.

PS:tataguan ulit kita ate utakmunggo.haha

Linggo, Setyembre 14, 2008

Anino

10:30 na ako umalis ng bahay kanina, tinatamad pa. Naghintay ako ng FX sa rotonda siguro mga ten minutes din yun pero wala akong nahita.Kaya minabuti ko na lang sumakay ng jeep at bumaba sa San Miguel Avenue, nilakad ang kahabaan ng nasabing kalye sa Ortigas tungo sa Working place ko. Madilim, hindi, medyo lang pala, pero basta madilim. Kita ko ang dinadaanan ko pero hindi ako kontento sa liwanag na nanggagaling mula sa lightpost at mga building na mga sekyung umaaktong gising pero tulog, lakad, sige lakad, lakad...hangang sa narating ko rin ang Tektite.

Salamat naman Diyos ko.

Kanina ko pa kasi ramdam na may sumusunod sa akin, at nakita ko isang malaking anino, pero ang nakakagulat wala namang tao.

Sisigaw na sana ako ng Rape! este magnanakaw! pero anong nanakawin sa akin? Isang bulsang naglalaman ng senkwenta pesos na barya, ATM na paubos na ang laman,celfon na luma, MP3 player na luma, at isang bolpen na nagtatae pa.

Narating ko ang aming Building, saka ko narealized... na ang mga ilaw na aking dinaanan ay kalat-kalat, scattered kaya malamang lumikha ito ng anino mula sa kalat-kalat na liwanag.

Biyernes, Agosto 29, 2008

room 107

"Hindi ka ba masayang makita na nandito na ako? Bumalik na ako,para sa iyo,albert..."

Ngumiti nang ubod tamis ang babae,pero halos kisapmata lamang ay biglang umilap ang malamlam na mata nito.Sinunggaban ako at biglang sumigaw.

"Mang-aagaw! Ano,aagawin mo rin sa akin si albert ko?Hayop ka! Kagaya ka rin ni Mila"
Gusto kong makaramdam ng takot pero labis na awa ang nangibabaw sa akin para sa babaeng nagwawala sa aking harapan.Pinigilan ko ang kanyang mga kamay at iniyakap ang aking mga braso sa kanyang nanghihinang katawan.

"kilala mo ba siya?Si mila...yong bestfriend ko.Tama,kaibigan ko sya pero inagaw niya sa akin si Albert."
Biglang lumayo sa akin ang babae at dinampot ang suklay na nakalapag sa mesa sa tabi ng kanyang kama.

"maganda naman ako di ba?Kaya lang,bakit ako ipinagpalit ng demonyong yon sa haliparot na si mila...palagay mo?"

Unti-untiy may gumuhit na pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting lalo pang lumuwang at sinaliwan pa ng malutong na halakhak.

"Pogi,tingin ka sa akin.Siguro dahil wala ako,iniwan ko ang demonyo kaya naghanap ng kapwa kampon ng dilim at yun dumating ang haliparot na mila.Mga malilibog!"

Bigla nitong inihagis ang suklay na hawak sa salamin na nakasabit sa kanang bahagi ng silid.Bagay na ikina-alarma ng mga kasama ko.Dali-dali nila itong nilapitan at tinurukan ng tranquilizer.

Ayoko ng makita ang panghihina ng kaawa-awang babae.Yumuko ako pero di ko talaga makaynang patuloy na marinig ang hapo nitong tinig.Sa kabila ng paos nitong boses ay di pa rin maitatago ang sobrang galit nito at labis na sama ng loob.

"wala kang karapatang patayin siya.Hinayaan kong mahalin mo sya...pumayag akong maging kahati mo!"

Umalis na ako sa silid na yon.Hindi ko na kaya.Tumuloy ako sa office ko.Hapung-hapo,ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan.

Ganun na lang ang palaging nangyayari sa tuwing kakausapin ko sya.Parang gusto ko na ring sumuko dahil wala na akong sapat na lakas para patuloy na hawakan ang nalalabing hibla ng pag-asa sa aking dibdib...pero,ayoko.Hindi ko pwedeng bitiwan ang pasyente ko.

"Dr.Chan,heto na po ang files ng pasyente sa room 107"

Tumayo ako at isinenyas na ilapag na lamang nito ang folder sa side table.Pagka alis niya ay binukla-buklat ko ang laman ng folder.Natawa ako.Para namang may bago.Ilang beses ko na ba itong ginawa,ang pagbabasa ng folder ni Theresa,ang pasyente sa room 107.

Ang kaawa-awang babae.

Iniwan ang pamilya sa ibang bansa.Kinalimutan ang pagiging asawa,binalewala ang pagiging ina para lamang balikan ang kasintahang minsan ay iniwan sa Pilipinas.

"haay...naman,nakarecord na to sa utak ko eh"
Tama, nakarecord na nga. At kahit na masunog pa siguro itong boung mental hospital kasama lahat ng files ni theresa ay ayos lang sa akin,dahil memoryado ko na lahat ng detalye,tungkol dito.

Kinuha ko ang aking portable recorder sinimulang makinig sa mga kuha sa mga nakaraang therapy namin ng aking pasyente.

"Binaril nya...Bang!Bang!Bang! Tatlo...tatlong sunod-sunod na putok.Tumama sa dibdib,sa kanyang braso,sa balikat..."

Yun ang sinabi ng babae,isang taon na ang nakaraan.Ikatlong therapy namin yun noon.At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ito.

"duguan sya...niyakap ko.Hindi alintana ang aking kahubdan...sexy naman ako bakit ako mahihiya.Siya nga tong dapat mahiya,siya itong nangistorbo.Tapos na sana kami sa sex namin,nakaraos na sana kaso bigla syang dumating..."

Napangiti ako.Iyon yung araw na inabutan sila ni Mila habang nagtatalik.

"theresa,karapatan nyan magalit at karapatan nyang mangistorbo,kasi sya ang asawa..."

"Asawa?Ganun,pero ako ang mahal ni albert!Ako lang.Sinabi niya yun at ipinaramdam nya sa akin.At sa kaniya ko lang yon naramdaman.Maliban na lang kung gusto mo ring iparamdam yun sa akin pogi?"
Pinatay ko ang radio,at isinalang yung tape na kuha anim na buwan ang nakararaan.

"Bakit ka pumayag na maging kerida ni Albert?"

"kerida?Ano yun?Pagkain?Ayoko ng pagkain!. si albert ang kailangan ko...kerida?Chinese food ba yon?Naalala ko tuloy yung asawa ko.Hahaha! Yung singkit na asawa ko.Intsik kasi yun eh.Si Ryan.Kamukha nya yung batang inalagaan ko n0on,yung pinapadede ko pa nga pag umiiyak..."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang narinig ko yun.

"bwisit!Lintik lang ang walang ganti...nakulong si Mila dapat lang,dahil binaril nya si albert ko"


"theresa,kalmahin mo ang sarili mo kailangan mong lumaban ngayon.."

"para ano pa?Para kanino,para saan,wala na di ba?Pinatay na ni mila si albert.Wala syang karapatan!"
Matino syang magisip kung minsan pero hangang dun na lang.

"alam mo,pag nakikita ko yung mga anghel na kasakasama mo,mga alalay mo,may naaalala ako.Yun kasing kasama ko sa bahay...paborito din nya kasi ang puti.Ewan ko ba, si Ryan na laging nakaputi."

Wala ng katuturan yung usapan namin kaya pinatay ko ulit ang tape.

"mabait yung asawa ko.Mahal na mahal ako.Pero,ang baboy ko iniwan ko sya.Eh walang kwenta sa kama eh, sila at di ko loves sila ng batang kasama nya.

"yun i decided to go back home in the Philippines to rekindle a dead light of love with albert.But i never expected to see him married na,and kay Mila pa."

"Nung malaman mong may asawa na sya,bakit di ka na lang bumalik sa asawa mo?"

Iyon yung therapy namin two months ago,malaki na ang improvements nya.Maayos na yung detalye ng mga kwento nya.Pero napaaga ako sa pagtapos sa discussion namin.Ewan,hindi ko na kaya yung mga naririnig ko.

"hindi porke committed ka sa isang tao ay sya na ang mahal mo...at hindi porke nakakulong ako sa seldang pag-aari mo ay ikaw na rin ang may kakayahang magpalaya sa akin!"

"haha. feel na feel di ba doc? yun ang huling sinabi ni albert bago sya mamatay.Para kay mila"


"at palagay mo namatay sya na ikaw ang mahal nya?"

"oo,ako rin,nawala lahat ang katinuan sa isip ko pero nanatili sa alaala ko si albert..."

Noong nakaraang linggo lang ang usapang yon.

Akala ko tuloy tuloy na sya,pero hanggang dun na lang pala sya.Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"theresa,listen.Nakikilala mo ba ako?"

"oo,ikaw si Dr. Pogi..."

Pinatay ko na ang tape.Oo,tama pagod na ako.Hirap na hirap na ako,pero ayokong bitiwan sya.Naghihintay ang kanyang anak para sa kanyang pagbabalik.

"Dr. Ryan Chan..Hows your patient? Is she doing fine or..."

"Who among them Dr.Regaldo?" Isa sya sa resident doctor sa hospital. Kaibigan ko at ninong ng anak kong si paolo.

"Theresa Chan of room 107..."

"there is a continous development. But I guess it takes a long process before she can totally overcome her fears"

"how about your son?Di ba sya nagtatanong tungkol sa mommy nya?Hes getting older"

"yes he does. .I told him, Im taking good care of her mom..."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.

"And Im doing everything to win her back..."


credits to: bin-i

Biyernes, Agosto 22, 2008

bye juday!

Swear. Nalungkot ako sa kwentong namaalam na ang isa sa mga fantastic four, si Juday. Sino ba sya? Sya lang naman ang isa sa feature character sa blog ni utakmunggo.

Swear ulit. Marami akong natutunan sa kanila, sa kwento nila lalo na sa kulitan ng fantastic four. Hindi ko man sila nakasalamuha pero sapat na yong mga kwento niya ng kulitan at asaran sa isat-isa.

Mabuti na lang at matatag si ate utakmunggo sa ganitong bagay, kung ako siguro tulo-luha nang tuloy-tuloy yun pag nalaman ko ang nangyari, walang humpay. Mahina kasi ang loob ko pagdating sa ganito, pagpatay nga ng ipis kinatatakutan ko na tao pa kaya?

Sabi nga ni utakmunggo it was a life well lived... Umaasa akong ganun nga.

Salamat kay utakmunggo. Swear, salamat.

Rest in peace Juday!

click so ganun?

Huwebes, Agosto 21, 2008

Repost: Inang puta, putang ina...

Ako ay isang puta. Isang inang puta, o isang putang ina. Nagtratrabaho ako para mapakain ang pito kong anak. Anak sa ibat-ibang lalaki,dahil sa kagandahan ko ay minsan pay nabihag sila ng alindog ko.

Nagkaroon ako ng dalawang anak sa una kong asawang kastila. Parehong babae. Akala ko sya na noon ang una at huling lalaki sa piling ko. Hindi pala dahil noong nasa kalagitnaan na namin ng aming pagsasama ay pinapahirapan na nya ako, mahuli lang ako ng gising para sa kanyang almusal ay binubuhusan na nya ako ng mainit na kape. At kapag wala akong naibibigay na pera para sa kanyang bisyong pagsusugal ay pinagsasalitaan nya ako ng masasakit na salita sa harapan ng kanyang mga kumpadre.

Kasalukuyan pa rin akong nagpuputa noon dahil kailangan kong buhayin ang aming unang anak, wala siyang ginagawa kundi magbisyo kasama ang kanyang mga hinayupak na kumpare. Ginawa ko yun dahil mahal ko sya, siya kasi ang first love ko eh. Kahit alam kong may halong panloloko ang pakikisama nya sa akin ay okey lang.Love ko eh!

Noong isinilang na ang aming pangalawang anak ay iniwan nya ako. Masakit pero kinaya ko, itinaguyod ko ang dalawang kong anak kahit pa kinukutya ako ng tao. Dumating ang panibagong boyfrend, isang hapones. Negosyante. Noon din ay nakatikim kami ng rangya sa buhay dahil ang aking asawang hapones ang nagbubuhay sa amin ng aking anak. Lahat ng gustuhin namin noon ay binibigay nya. Mamahaling laruan, pagkain, alahas, lahat pero may kapalit yun. Sa tuwing gagamitin nya ako ay pinapahirapan nya muna ako. Isa siyang sadista! linalatigo nya ako, pinapaso ng sigarilyo at sinasampal. Hindi lamang yun ang naranasan ko sa kanya. Naranasan ko na rin ang masakal na halos ikamatay ko noon. Pagkatapos ng pananakit ay saka nya ako gagamitin. Adik!

Lahat ng yun ay tiniis ko mabigyan lamang ng sarap ng buhay aking mga anak kahit hindi ko sya mahal at tanging una kong asawa pa rin ang mahal ko. Dumating ako sa puntong kinakaawaan na ako ng aking anak dahil sa pasa sa aking katawan. Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga iyon ng panibagong supling. Ngunit bago pa man naisilang aming anak ay lumuwas na ito sa kanilang bansa dahil daw sa kanilang negosyo. Nasaktan ako di dahil umalis sya ngunit dahil nawalan na kami ng pagkukunan ng aming ikabubuhay.

Subalit naitaguyod ko tatlong anak ko ng walang alinlangan. nagtrabaho muli ako bilang puta, maganda at may asim pa naman ako kaya nagawa ko muli ang trabahong iyon. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako makikipagrelasyon pa. Hindi nga ako nakipagrelasyon sa loob ng limang taon ngunit dahil sa trabaho ko ay nadagdagan muli aking anak ng dalawa sa magkakaibang lalaki. Ang tanga ko talaga dahil nagpauto ako noon na hindi gumamit ng kontraseptiv, dala na rin siguro ng libog ko sa katawan kaya nagbunga ang katarantaduhang iyon. Kaya naging lima aking binubuhay na anak. Dumating sa buhay ko isang amerikano. Akala ko ay magkaibigan lang ang aming turingan ngunit nauwi ito sa seryosohang relasyon. Kahit pa hirap ako mag-english ay nauunawaan naman nito. Nakakaintindi sya ng kunting tagalog kaya hindi mahirap sa amin ang komunikasyon di tulad ng nauna kong dalawang asawa ay marunong ako ng niponggo at espanyol.

Mabait ang naging huli kong asawa. Ngunit dumating ang panahong nakita ko sya sa may kasamang iba. Ipinagpalit nya ako sa aming kapitbahay. Nasaktan ako ngsobra dahil kahit papaano ay mahal ko sya. iniwan na nga nya ako ng tuluyan at nakipagrelasyon na sa iba. Noong panahong iniwan nya ako ay nagdadalang-tao na ako noon. At sya ang ama. Sa malas ko ay naging kambal pa ang naging bunga kaya naging pito lahat ang supling kong binubuhay.

Halos mabaliw ako noon kung saan ko kukunin ang aming kakainin, buti na lang ay may mga kaibigan akong kahit papaano ay tumutulong sa akin. Napag-aral ko ang apat kong anak sa tulong ng trabahong kong pagpuputa, noong naging mahina na ang trabahong din yun para sa akin ay naglako na lamang ako gn sigarilyo sa kalsada. Tiniis ko init ng araw, ang lamig ng gabi at ang kutya ng tao. Ang tatlo kong anak ay hindi na nakapag-aral dahil sila na rin ang tumutulong sa akin sa paglalako ng pwedeng maibenta sa kalye. Naging pasakit talaga sa akin ang may maraming anak ngunit hindi ko pinagsisisihan yun dahil masaya kami sa pamilya namin. dumating din ang puntong nagkagulang na aking mga anak. ngunit sa akin pa rin sila dumidepende. May asawa na ang tatlo kong anak. Isang araw habang akoy may sakit ay may nagawi sa aming bahay na isang foreigner. inaaya nya akong pumasyal ngunit masakit ang katawan ko noon dahil sa trangkaso, naging mapilit sya. Agad nyang dinakma ang mukha ko at pilit nyang hinahalikan ang maseselng bahagi ng aking katawan. putang ina nya! binaboy nya ako ng walang kalaban-laban dahil ako ngay mahina noong panahong iyon. pagkatapos nya akong gamitin ay naglabas sya ng pera at agad nyang inilapag sa tabi ng kama habang akoy umiiyak.

Alam kong naririnig ng aking mga anak iyon ngunit hindi nila ako sinaklolo. Kinaumagahan ay nagsumbong ang bunso kong anak na kagagawan ng panganay ko ang lahat, ibenenta nya ang katawan ko dahil kailangan daw nya ng pera sa susunod na araw. naiyak ako ngunit tiniis ko ang sakit na kayang kaya pala ako ibenta ng aking mga anak. pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas ang dalawa kong anak sa abroad. ilang buwan din sialng andun ngunit hindi na sila nagparamdam pa sa akin.

Wala na akong balita sa kanila. Ang kambal ko namang anak ay patuloy pa rin sa pagtulong sa akin ngunit dumarating ang puntong sinasaktan nila ako kapag nakaririnig sila sa kapitbahay na ako ay isang masamang babae. Sinisisi nila ako kung bakit ako nagputa at patuloy sa pagpuputa kapag wala nang makain. nilayasan din ako na aking mga anak.

Sa ngayon ay nag-iisa na ako. Naghihirap dahil sa idinulot ng aking mga anak. gayunpaman ay mahal ko pa rin sila dahil ako ang kanilang ina. Ako si FILIPINAS, ang kanilang ina, ang kanilang bansa.

Martes, Agosto 19, 2008

going home...

Matagal-tagal din akong nawala sa sirkulasyon ng blogosperyo.Umuwi kasi ako ng probinsya namin, nagbaksyon sa loob ng talong araw at kalahati.

Namiss ko ang lugar namin, yong greenfields at samyo ng hangin na nagmumula sa kapalayan. Haayyy...

Oo, medyo ruralite yong lugar namin pero di naman ganun ka kalayo sa kabayanan, kumbaga barangay sya. sibilisado naman ang mga tao doon, naabot ng kuryente, maging internet.

Unang puntirya ko doon, ang kumain ng bagong aning gulay, yong manamis-namis na gulay. Sarap. Tapos yong kumain ng kakanin, at mamasyal sa paborito kong pasyalan... sa isang hill na tinatawag naming mines view kasi tanaw mo ang kabuoan ng boung barangay. Maganda doon pag gabi lalo na pag maraming bituin at litaw ang buwan, sarap mag senti.

Kumain din ako ng mga prutas tulad ng atis, suha, rambutan at guyabano.

Sayang nga lang kasi wala akong dalang kamera para kunan ang mga magagandang senaryo. Sayang.

Namasyal din ako sa mga kaibigang matagal nang hindi nagkita-kita. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan, sayang kasi walang inuman, wala akong dalang pera noon namasyal ako, isang bisikleta lang kasi ang dala ko.Hindi ko akalain na aabot na gusto namin parehong uminom kasabay ng mga inihaw na tilapya mula sa farn ng aking kaibigan.

Medyo nalungkot ako noon pauwi na ako, pero ganoon talaga ang buhay, kelangan kumilos para mabuhay.

Namiss ko din ang mga pinsan ko, oo nga pala may frat pala kaming magpipinsan. Tinawag namin itong prating gutom. Dati bukas-kaldero gang, ngayon dahil sa nagmahal na ang bigas ay prating gutom na lang daw (pero di naman talaga kami gutom palagi, trip lang)... tapos noong nandon pa lang ako, may bagong recruit, 3 years old namin pinsan, ang initiation ay humuli ng tutubi a.k.a butterfly este dragonfly, tapos pag nakahuli kukunin namin at ipapakagat sa nipple nyang hilaw pa. hahaha...
Kinalabasan? Ayun umiyak at nagsumbong! hindi makaangal tatay nya kasi ganun din ginawa sa amin noong bata pa kami, kumbaga by generation lang naman.

Medyo marami kasi kaming magpipinsan kaya iba din kami magtrip, hehe. Astig no?

O sya... next time na lang ulit ako magkukuwento ng medyo marami-rami.

Huwebes, Agosto 14, 2008

last prayer

Kneeling down, I utter my night prayer. Hoping that in the depths of the corners of the four corners of my room she would hear my prayer. Because I know that when night time falls, there would only be the two of us. Even though all this time she wouldn’t speak a single word or even a single movement, and even though all this time she remains unnoticed, I have faith that there would come a time when our eyes would finally meet. How I wish that even in our moment of silence that would seem like eternity for me, she would hear what my heart whispers.

Lying here, I gaze at the dark velvet sky. The moon smiles sweetly down upon me. Reminding me never to lose faith. Reminding me that one day she would come. One day my angel would come, my sweet angel. A day would come that she would warp her wings around me and we would both cease to exist and she would bring me to a place called heaven. Then I’ll be off and gone from this bitter world. She would catch me whenever I stumble. she’d fill me up whenever I’m empty. She’d clean the messes I’ve made. And she’d stay with me even though everything else around us has changed. No ocean could even come between me and my angel. She won’t even let me cry a river like I am now. And my bitter world would be nothing but a paradise.

Looking over the horizon, words keep running thru my empty head. My best bud use to enjoy a good laugh at me whenever we went over this topic. She said I was hysterical. I just keep quiet at times she caught me off guard. She always tells me that I am wasting my time. For her, she was just trying to lift me up while it wasn’t too late yet. She was trying to pull me before my hopes would let me fall into a bottomless pit. She was trying to put the pieces together because she doesn’t want to see me shattered. And whenever I’d try to put up an argument with her, she’d tell me:

“Angels do not come down from heaven, for they do not know how to walk here with us…
They only have wings to fly, but they do not know how to cry…”


With these words I’d stop. What’s with her?! Can’t she just be upbeat about the only thing I care about?! What is she so afraid of? I know she’s just trying to be a pal. But she’s never been thru what I’m going thru now. She doesn’t feel this bliss I feel just with a single thought of her. I couldn’t understand what she was trying to save me from. Not until days, weeks, months, and years passed and still not even a single feather to let me know she was watching from above.

How could she be so cruel? All I ever wanted now seems to be a castle in the sky. How could my angel bruise me? How could she bear seeing me in vain? How could she leave me from these fast phase world? Especially now that things aren’t the way they used to be? Isn’t she aware that everything could change with a blink of an eye? Was my friend right all these time? Now I know what she was trying to save me from.

So I went on living as an apparition. What good am I now? I’ve become the worst thing I could ever imagine. Torn apart and wasted. I had vanished into existence. And it gave me moment to think and look back at the frames of my life. To the time I was so obsessed with finding my angel. In my unexplained dismay and torment I saw you in each of the frames. You were there waiting with me. You were there waiting to be noticed. So now, tears fall ‘coz you’re gone. Nowhere to be found. I’m drowning all the pain inside me. This is what an imprudent person deserves, don’t I?

Angels do come down from heaven. They set foot on the hearts of those who believe. If only they know where to look. Angels may have wings to fly, but their wing could easily be broken and even your mortal tears are not enough to patch them up. That’s the time they have to walk. Barefoot, alone, and unnoticed. Your mere human eyes can’t even see them cry. Yes, they do cry. They silently blubber and hold back all the pain until slowly they would grow feeble and fragile. Then they would go back up to the stars. Back in oblivion.

Just like what happened to you and me. You could have been my angel if only I turned around. I could have been yours if only you called my name. Now it’s too late. We’re both fading. But not to worry, I know we’ll see each other. We’ll meet again. But this time I’ll be with the stars. And you’ll be smiling with the moon.
--basurerong sosyal

Miyerkules, Agosto 13, 2008

Taksil. Talsik.

Dinurog mo ang aking puri sa anino ng iyong kalapastanganan…
Hindi ko matantya kong ganu ka kalakas ng sa mga oras na yon…
Mulat ang aking mga mata pero sarado ang aking isip dahil sa iyong kababuyan.
Malamig ang gabi ngunit mainit ang mga dampi.

Sumigaw ako ngunit tanging ang malamlam na buwan lamang ang nakarinig.
Nagdarahop. Nagmamakaawa. Kahit paos na ang tinig ngunit ako’y pumipilit.
Gumuhit sa iyong mukha ang bawat ngiting puno ng pagtatangka.

Tumawa ka nang ubod ng lakas kasabay naman ng paglaban ng aking kamay.
Sampal. Sipa. Mura.
Pero kulang pa ang inabot mo habang iyong pinupunit ang aking puri.
Tanging Siya lamang ang malamang na nakakaalam ng lahat.
Noong patapos ka na, pinatalsik ang anumang likido mula sa iyo.
Nakakadiri. Nakakasulasok.
Pero bakit paarang gusto ko.

Putang ina lamang ng sa gabing akoy nilupig ng iyong pag-aari.
Nasaktan ako noong una, pero tama si cruciana…
“pag tumatagal sister, sumasarap. Mawawala yong hapdi.”
Masarap nga pero di ko magawang lokohin ang sarili kong anak.
Hindi ginusto ng kaluluwa ko bagaman ginusto ng katawan ko.
Oo, tama. Ina lang ako.
Tao sa paningin ng lahat pero puta sa mata ng asawa ng anak ko.

Linggo, Agosto 10, 2008

life of a young pen...

May mga pagkakataong wala akong maisulat dito sa blog kong to. Blanko. Ito ang kahinaan ng isang amateur blogger,maraming bumabagabag at gumugulo. Hindi alam kong saan magsisimula, ano ang sisimulan at dapat bang tapusin ang nasimulan.

Its better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life...--patentero rule #1

Pero kelangan ko pa ring subuking gawin ang gusto ko. Mag-isip ng panibagong ideya at panibagong pakulo, parang variety show. Hindi aalintanain ang mga anik-anik na bumabagabag, tuloy-tuloy lang habang gumagana ang karne na laman ng aking bungo kasi kelangan naman talagang ganun yun.

“You must ignore what people call you and just trust who you are”
-Shrek

Minsan naman maraming ideya sa isipan. Loaded. Sa pagsusulat, kelangan mo silang isulat, kelangang ilista, kelangang ihayag bago pa man mawala ito na parang bula. Parang yong lumubong sipon dahil napatawa ka bigla. Kusang lulubo at kusa ding puputok.

"The only graceful way to accept an insult is to ignore it; if you can’t ignore it, top it. If you can’t top it, laugh at it. If you can’t laugh at it, it’s probably deserved" -baklitang pamenta

Ang sabi ng titser ko noon sa literature na pag marami daw iniisip o iniisip ang iniisip eh matalinong tao. Nagkunwari akong nag-iisip upang isipin yong sinabi nya tungkol sa pag-iisip ng mga umiisip sa mga iniisip para kunyari matalino ako sa harapan nya.

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”-Machiavelli ‘The Prince’

Metacognition. Thinking about thinking and or learning about learning. Lalim no? Pero magkaiba yong critical thinking sa metathinking. Di ko na kelangan pang i-explain pa pagkakaiba kasi sabi ko nga nagkukunwari lang naman akong matalino.Hakhak



Yan ang mga neurotransmiter o mga kemikal na nagmomodulate ng signals sa mga cells para gumana ang iyong mga karne sa katawan kabilang na ang karneng pinoprotektahan ng iyong bungo kasama na ang iyong makapal na balakubak sa iyong anit sa ulo. Isang napakahalang kemikal o enzymes na may kinalaman sa mekanismo ng tao.

Isa sa mga halimbawa kumbakit tayo nagagalit o nalulungkot o kahit anong feeling na may kinalaman sa emosyon ng tao ay ang serotonin. Samantalang ang norepinephrine naman ay may kinalaman sa libido o wakefulness na tao. Haay. Ayoko na, dinudugo na ilong ko...it is also known as epistaxis by which na thin blood vessel ruptures.

Well, ganyan kakomplikado ang buhay ng tao, i mean ang buong sistemang binubuo ng kaliit-liitang cell na nasa sa iyong katawan mula noong binuhay ka Niya sa mundong ito. Komplikado mang iisipin pero may ilang mga nilalang pa rin na pilit umuunawa at umiintindi na sa kabilang banda meron ding nagkukunwari.

"that is life..."
-barker ng jeep sa Pasig

"rollercoaster... sometimes you are at the top, sometimes you're down, sometimes you spin around and feel like everything turns upside down.Sometimes you are infront and turns your back against your co-riders.Sometimes your at the back and you co-riders turn their back on you. But what makes rollercoaster (life) special is the way you enjoy it, scream at the top of your voice, the way you learn to hold on when railway turns up & down and runs circular path.But the most important thing is the way we accept that the rollercoaster joy ride is over...we ride out and surrender to the real Owner of the rollercoaster,and that is life."
-Nahilong pulubi.

Push button to stop talking and thinking.

Biyernes, Agosto 8, 2008

the feeling of being melancholic...

I took some m&m's chocolate in the fridge awhile ago. Out of the blue, I didnt notice that some of it fell on the the ground and broke into pieces. How nice! It made me think and realized that even the sweetiest thing in life could break too...
--quoted from text message


Well, It says so. I have been a pathetic lover ever since (a single declarative sentence, no details anymore, much guilt and a single sentence of aggravation) . A hopeless romantic, and a they-so-called 'torpe'. And I admit it (rather than telling something else).

I should have gained so much self-confidence for the sake of it.And yet,it still the same where I have been to.

Funny to tell this story of mine that i used to tell wacky stories and some sort of happy moments but now i am telling this mushy talks feeling the burst inside. Sigh. I cant help myself.

I was once a coward and a stupid just a long time ago. Yeah I was, and until now im still succumbed with the same feeling, the same hints and the same vulture. I may have a vague understanding it all, my problem. And I have no designs nor conceptual structures behind of those things.

I was once told by my friend... “ bakit ka ba nagkakaganyan?”
I answered promptly “dahil ganito ako”
You are making your life messy!
Yes! It is.


I’ll try not to spoil this feeling. But the irony is the way i dont want to, is also the way it goes to.

Huwebes, Agosto 7, 2008

muni-muni...

Stand in the Light - Michael Webb

Gusto ko tong kantang 'to. Wala lang, medyo emo lang ako ngayon.

Miyerkules, Agosto 6, 2008

may sira ako!

Medyo may tantrums ako nung pumasok ako sa opis. Ewan. Siguro dahil di rin maganda ang panahon. At kulang siguro sa tulog. Asar.

Tumawag na ako sa tie-up namin para hingiin araw-araw yong report na gagawin ko. At nung prinint ko na,eto ang bumungad sa akin:




Natawa ako. Sino kaya ang gumawa nito? Loko-loko rin kasi ang mga tao dito sa aming opisina, pinaghalong naughty,wit and humour.

Umaayos ako ng mukha, ang dating nakasimangot ay tinakpan (kunwari) ng smiling face, para hindi rin malagyan ng ganyan.

Tinanong ko tuloy ang sarili ko...may sira kaya ako?

Lunes, Agosto 4, 2008

salamat sa mga nag-iwan ng bakas, sana katulad din sila ng sipon...sticky.

Kanina lang ramdam ko yong bigat ng lalamunan ko at yong medyo pananakit ng nasal ko. Inunahan ko na ng gamot na neozip pero tumuloy pa rin kaya eto maluha-luha ako sanhi ng sipon. Pagdating ko dito sa opis, pumunta ako agad doon sa lagayan ng gamot at dumeretso sa pantry para uminom ulit ng gamot, tuseran, sana mas okey ‘to kesa sa nauna.

Sabi ng titser ko, hindi naman daw talaga gamot ang mga decongestant para sa sipon, ginawa sila para irelieve lang yong nararamdamang di-kaigaigaya sa nasal area. Kumbaga preventions lang upang hindi mamaga yong mucus membrane sa nasal area natin na maaaring dahilan ng clogged nose.

At hindi lang iisang virus ang sanhi ng sipon, kundi milyong milyong viruses kaya hindi maaaring gamutin o itrigger ng gamot, ang silbi lang ng gamot ay para i-prevent at hindi na lumala yong mga nararamdaman sa ating katawan, sila ang mga tinatawag na pathogens na precursor ng mga sakit.

Salamat nga pala sa mga co-bloggers na bumisita sa site ko at nag-iwan ng bakas sa loob ng buwang hulyo. (tagalog na tagalog?)

Narito ang ilan sa mga naligaw at nauto.

batopik
http://batopik.wordpress.com/
tentay
http://tentaypatis.blogspot.com/
utoy
http://utoysaves.wordpress.com/
utakmunggo
http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/
chroneicon
http://chroneicon.blogspot.com/
rio
http://riotooth.blogspot.com/
jhamywhops
http://jhamywhoops.blogspot.com/
arnie
http://arniepopo.blogspot.com/
linapuhan
http://linapuhan.wordpress.com/
kwentuhan
http://kwentuhan.wordpress.com/
julie
http://greenbucks.info/
ms-panda
http://ms-panda.blogspot.com/
elliot
http://everythingkimchi.blogspot.com/
pedro
http://diakosipeterpromise.blogspot.com/
mangBADoy
http://talambuhay.wordpress.com/
lorie
http://www.loriesplace.com/
rimewire
http://rimewire.wordpress.com/
klitorika
http://klitorika.blogspot.com/
eyebags
http://i-want-eyebags.blogspot.com/
krisjaper
http://www.krisjasper.com/
acey
http://aceychan.blogspot.com/
aling baby
http://alingbaby.wordpress.com/
mahiwagang sibuyas
http://mahiwagangsibuyas.blogspot.com/
wandering commuter
http://wanderingcommuter.blogspot.com/
dong
http://dongism.blogspot.com/
rowjie
http://rowjie.wordpress.com/
abou
http://abouben.blogspot.com/
kurisujae
http://stupidorkris.blogspot.com/
lawstude
http://lawstude.blogspot.com/
kengkay
http://kengkay.wordpress.com/
mr.perk
http://edzcelperk.wordpress.com/
mrs.j
http://reigningmrs.blogspot.com/
prinsesangmusang
http://prinsesamusang.wordpress.com/
billy yow well
http://idietoexist.blogspot.com/
arot
http://www.nonoh.com/
dean
http://dean-eleven.blogspot.com/
nanay belen
http://mothercares.blogspot.com/
bien
http://bienthoughts.blogspot.com/
roxy
http://foxyroxyloxy.blogspot.com/
dazedblue
http://buzzwerth.blogspot.com/
dansoy
http://dansoy.lukaret.com/
winkii
http://tinkiiwinkii.blogspot.com/
enrico
http://enricodl.blogspot.com/
mike
http://micolauron.blogspot.com/
rj
http://ardyeytejada.blogspot.com/
ifoundme
http://ifoundme.wordpress.com/
emoterang nurse
http://kwentongbabae.blogspot.com/
axel
http://axelis.blogspot.com/
ferbert
http://kokeymonster.com/
gillboard
http://gillboard31.blogspot.com/
niel camhalla
http://onesixthsense.blogspot.com/
ipob
http://istrike.blogspot.com/
wild ice
http://pornouniverse.blogspot.com/
goddess
http://iwritebecauseifeel.blogspot.com/
asnallar
http://orgullomundo.blogspot.com/
bhievzkiez
http://bhievzkiez.wordpress.com/
pen
http://penslave.blogspot.com/
makoy
http://akosimakoy.wordpress.com/
roniel
http://roneilberania.blogspot.com/

Anonymous
wifeybee
ayzzz
pokwang
kamotenista
harmonie
taps

Muli, maraming salamat po sa inyo!

"hindi lahat ng green masustansya"
--plema

Huwebes, Hulyo 31, 2008

i want to move in...

Hindi mali ang grammar na nabasa mo sa title ko. Gusto ko lang talaga humanap ng panibagong lungga. Nagsasawa na kasi ako sa pagmumumukha ng aking landlady, laging nakabusangot. Asar.

Besides, gusto ko yong malapit lang sa Ortigas Centre para malapit sa trabaho. Medyo malayo ng unti kasi yong inuuwian ko. At maliit yong pad sa isang tulad ko, kelangan ko kasi ng videoke bar, mini library, swimming pool, lounge area, at wifi capable na (siyet...nangarap?)

Pero seryoso, kelangan ko ng bagong malilipatan. Kung sino man po ang may alam dyan, kahit studio type man lang, okey na.

Sana may makatulong.

Martes, Hulyo 29, 2008

Taym Pers Portion, reply to Pepong Chaos

Dear Pepong,

Wala naman talagang problema sa pagiging pandak eh, sabi nga nila age doesnt matter este height doesnt matter.Matuto ka lang tanggapin ang katotohanan na ikaw ay ginawa Niya ayon sa kanyang kagustuhan.Walang problema dun.

Kaya ka nagkakaroon ng inferiority complex ay dahil sa sobrang low esteem na nasa sa iyo, kulang ka ng confidence at masyado kang conscious sa iyong sarili. May kaugnayan ito sa lugar, komunidad, lipunan, estado na kinabibilangan mo na nagdudulot ng pagiging "iba" na naiisip mo sa sarili mo. Oo maaaring iba ka nga sa karamihan pero sana ang isipin mo ay may ibat-ibang pag-uugali, seremonya, katawang physical o physiologocal, paniniwala, kultura, ang taong nabibilang sa isang lugar katulad ng nasabi sa itaas. Nangyari lamang na iba ka, at iba sila sa iyo. Halimbawa, sa isang niche ng mga hayop katulad ng ibon, may parrot, may ibong maya, may kuwago, nandoon din si tweety bird at hello kitty na nakaabang sa ibaba bilang predator ng ibon at may love birds, nangyari lamang ikaw ay isang ibong tiririt na walang ibang alam kundi humuli ng tikpalong ngunit kabilang ka pa rin sa niche na ito na bumubuo sa nasabing habitat.(sori ha, wala akong ibang maisip na katagang ipapalit ko sa inshort eh) Inshort, may silbi ka 'dong.


Kung pangarap mong maging basketbolista, okey payn hayaan na nating maging pangarap mo yan. Pwede ka naman maging basketbolista eh basta mg kalaban mo mga 4-footer. Kwits. Kung walang babaeng lumalapit sa iyo, try mong pumunta ng aurora boulevard mga bandang 5:30 pm onwards. Doon sa foot bridge, may mang-aalok sa iyo. Try mo lang, pero dahan-dahan ha, baka mahulog ka sa tulay na bakal, mataas yon para sa mga katulad mo.

Tungkol naman sa pakikipagtsismisan, well... sige chismis ka lang,just make sure na sa pagtalikod mo eh hindi yong heigt mo naman ang pinagtsitsimisan ha. At hindi ugali ng mga lalaki ang makipagtsimisan, unless.... hmmmm....

At sa usaping pagtitikol, hindi yun totoo. Madalas itong paniniwala ng mga teenage boys, at dahil sa peer pressure nagagawa nila ito kasabay ng paniniwalang tatangkad pa sila. Hindi yun totoo dahil sa puberty/adolescent progeression ang growth and developement nila ang may kinalaman dito. Kumbaga, hindi yong pagtitikol nila ang dahilan kumbakit sila tumatangakad kundi dahil nasasabay ito sa pagmature ng katawan ng mga teenage boys. Nakuha mo?

At sa pagpapapak ng star margarine,kung totoo man o hindi. Subukan mo ito sa margarina na nabibili sa mga palengke, may tingi at bulto, pero try mo yong isang tabo at isa lang ang resulta dyan sa kubeta ang destinasyon mo. Sa puntong yan, kelangan pa siguro ng DOH pag-aralan kung totoo man yan o hindi. Kaya ang sagot ko, ewan ko.

Pepong, kung ako sa ito...tanggapin mo na lang ang katotohan na ganyan ka. Okey na ang pandak kesa sa may kapansanan. Okey na yan kasi nabubuhay ka, ramdam mo yong hangin na pumapasok sa iyong katawan polusyon man yan o utot. Okey na yan kesa sa mga bilanggo na hindi nakararanas ng tunay laya dito sa mundong ibabaw. Makontento ka lang, okey na talaga.

Alam mo ang tao dapat matutong makontento para lubusang maramdaman ang halaga ng buhay na ipinagkaloob Niya. At matutong tumanggap ng anuman na bukal sa kaloban...

Kung kaya mo 'tong gawin, pwes tao ka nga.

Sana natulungan kita sa aking mumunting payo.

Ever Guapo (pero kelanman 'di naging conceited)
Taym Pers

Linggo, Hulyo 27, 2008

Taym Pers portion: rated PG, Pepong chaos.

Dear Taym Pers,

Sumulat ako dahil alam kong matutulungan mo ako sa aking problema.
Pero bago pa man yan, gusto muna kitang batiin ng magandang araw. Ako nga pala si Pepong, hindi tunay na pangalan. Laking Maynila pero hindi tumangkad. Oo yun ang aking problema, kulang sa hayt at compidens. Sa edad kong bente sais eh four feet and 2 inches lang ako, alam kong nasa lahi na namin ang pandakekong pero gabo-gabi akong nagdarasal para tumangkad man lang ng kahit ilang sentimetro. Isa pa yun din ang dahilan kung bakit walang nagkakagusto sa aking kababaehan, ni bading nga ilag din sa akin.

Taym Pers, Gusto ko sana e yong kasing tangkad ng mga basketbolista. Pangarap ko yun. Nung nagsaboy ata si God ng katangakaran e nasa hulihan ako nakikipagtsismisan. Isa din pala sa habit ko ang makipagtsismisan. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin ng mga kasamahan ko sa trabaho. Masama ba yun?

Totoo bang may mga gamot na pwedeng inumin para tumangkad? Anu-ano ito? Magbigay ng halimbawa at gawan mo ng essay na hindi bababa sa 1000 words at ihulog sa malapit na dropbox na matatagpuan sa mga leading outlets nationwide. Hurry! Join now!

Totoo bang pag palagi kang nagtitikol e pwede ka ring tumangkad? Bakit? Paano?

Sa amin kasi nung bata e ganun yong advise ng mga tatay. Sinubukan ko naman, ginawa ng ilang beses sa loob ng isang araw, ginawa sa loob ng mahabang panahon pero wala pa ring pagbabago. Pumapapak na rin ako ng star margarine kahit panis pero ganun pa rin ang height ko. Nagiging desperado lang ako. At akoy naguguluhan.

Sana matulungan mo ako kung paano ko matatanggap na pandak nga talaga ako.

Still Pandaks,
Pepong

Biyernes, Hulyo 25, 2008

wala lang... trip ko lang.

Ilang beses na rin akong nadisapproved ng google adsense dahil sa langguage na ginagamit ko, unsupported daw ang wikang filipino natin. Hindi ko alam kung bakit o talagang may diskriminasyon lang sa ating/aming wika.

Gusto ko lang i-try kung anong feeling tumanggap ng tseke na kita mula sa ads sa iyong site. O sa madaling sabi, gusto kong subukang kumita. Sinubukan ko ang adbrite, pinag-aralan kung panu, saan ilalagay, kung panu ang billing pero di ko talaga alam. Pasensya.

Maraming blogs dyan ang english ang ginagamit bilang medium. Pero marami rin sa kanila ang wrong gramming. Nakasusulasok na wrong grammar. Mali ang subject-verb agreement, pati ang syntax, mali din ang expression. Pero blog yun, personal na bagay ng isang tao, at hindi mali ang kumita ng pera. (pero sana, ayusin din naman nila)

Kagabi/kanina, kausap ko lang si mahiwagang sibuyas. Bertdey pala nya, nagusap/naglandian/nagkachokaran/nagbatian kami sa way-em. Okey sya kausap,para kang kumakain ng cake...masarap. Yun nga lang lasang sibuyas.

Makulay na parang gulay ang aming conversation, kung ipopost mo yun at lalagyan ng google adsense, malamang kumita ito ng husto. Bawal ang spam ha.

At dahil bertdey mo, 'to na lang regalo ko sa yo mahal kong kaibigan (waaah feeling close na ito?)...

"kung isa kang sibuyas habang binabalatan, mas okey pang akoy lumuluha habang ikay pinagmamasdan, kasabay ng pagtalop at pagtanggal ng saplot ng iyong makinis na katawan"


astig nga ba ang math?

Manong Isaw: ilan sa’yo?
Student: 3x-5 where x=6
Manong Isaw: ah so bale 13, bale mura lang 5sin90 ang isa.
Student: umm... pakiconvert naman po using arctangent
Manong Isaw: di ko carry eh, tangent na lang 5tan45 kung gusto mo,
mag-apply ka na lang ng reduction formula.
Student: ok na po, eto bayad (X∆2-4x+3) / sin3x where x=7
Manong Isaw: ok got it, wala ka ng sukli na ha.


Isa sa mga chain text message na kumalat sa boung kapuluan ng mahal nating Filipinas. Malamang natanggap mo rin ito bago pa man sumikat si Inday na highfalutin kung mag-ingles.

Math. Phoneyetang math yan. Isa sa mga dahilan kung bakit dumudugo pa rin ang utak ko, nagiging cause ng epileptic seizure ko, at emotional disturbance ko na nagpapabula pa ng bibig ko.

Minsan mo na rin bang kinainisan ang math sa buhay mo? Ako, maraming beses na. Ayoko sa math. As in Math. MATHigas ang ulo ko pagdating sa asignaturang 'to nung nag-aaral pa lang ako.

Nung Highschool nga ako, gumawa ako ng alyansa A.M.A.T... Alliance Movement Against Trigonometry. Ako ang naging founder, tapos yong seatmate ko ang naging co-founder. Hindi rin nagtagal kasi kaming dalawa lang yong naging member. Bwisit.

sabi ng Rene Descartes:


"It is a truth very certain that it is not in our power to determine, we ought to follow what is probable"

sabi ko naman: Keep off the grass.

Miyerkules, Hulyo 23, 2008

baloooootttt...

Im so sick and tired of this cruel life! In solitude I always pass this life’s endless road amidst the spooky road, feeling the coldness and uncertain darkness of the night. Shouting relentlessly at the top of my lungs just to touch your ears and answer your exotic cravings.
--sosyal at depressed na magbabalut

Balot. Balut. Isa sa mga pagkaing pinoy na kinahihigan ng marami. Imposobleng hindi mo’to alam, ito yong itlog ng bibe (tama nga ba?) na hindi pa napipisa ng kanilang inang mother. Ito yong mga itlog na nagtagal lamang ng 16 to 18 days tapos tsinugi na at pinakuluan sa kumukulong tubig na merong asin.

Sa paggawa pa lang ng balut, meron ng aborsyon na nangyayari, mga kawawang little birdies (ngek? Birdies?) hindi man lang nasilayan ang ganda ng mother earth. Sigh.

3 years old ako noon nang una akong nakatikim ng balut, tandang tanda ko pa noon dahil sa tuwing pupunta kami ng plaza with my ever loving parents eh hindi pwedeng 'di kami bibili. Palaging pinapakain sa akin ng aking amang father yong puti, yong matigas. Sweet no?

Tatlong piso pa noon ang balut. Mura lang kung ikukumpara lang sa sampung pisong balut ngayon. Yong balut ngayon parang 1-day old na ang hitsura, matigas ata ulo nung sisiw kasi ayaw pa-abort. Or baka late lang ang abortion, parang yong mga babaeng nagdadalawang isip pa kung ipapaabort yong bata o hindi habang patagal ng patagal ayun lumalaki naman yong kawawang fetus.

Bakit ko 'to ginawan ng entry? Wala lang. Ramdam ko lang naman yong cravings sa pagkaing 'to.
Nakakamiss na kasi. Ikaw, miss mo na rin ba ang mabalahibong itlog na tinutukoy ko?

Lunes, Hulyo 21, 2008

Taym Pers Portion: a reply to petrang kabayo letter

Dear Petrang Kabayo,

Anlalim nga ng problema mo hindi maarok ng aking powers to the highest level. Hija talagang ganyang ang love, minsan kelangan nating magsakripays para lang may matutunan tayo. E ano nga ba natutunan mo sa pakikipagrelasyon mo dyan sa boyprend mo? Ang mangabayo? Pero hindi ba masarap naman talagang mainlab yun nga lang minsan may mga nangyayaring hindi natin nagugustuhan.

Kung ako sa'yo hija, kung ramdam na ramdam mo naman talagang ayaw na sa iyo ng boyprend mo, hiwalayan mo na. Wag mo nang hayaang labis kang nasasaktan ha. Kung kaya mo syang sapukin, go! kung kaya mo din syang latiguhin, go lang! basta in then end hindi ka makokonsensya. At hindi ka masasaktan...

Alam mo Hija, tanga ka na nga, bobita, boplaks, syongangers, espoklong, o kahit ano pang tawag dyan wag mo naman sanang gawing kaawa-awa ang sarili mo sa kanya. Lalaki lang ang ulo nya pag pilit mo pa rin ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanya. Kawawa ka lang. Pramis.

Kaya hiwalayan mo na sya, total marunong ka namang magfriendster e dun ka na lang maghanap ng bagong boyfriend mo.

Kung naiinsecure ka kay Grace, abay dapat lang. In this world accept the reality that not everything cheers us the way we want it. Atsaka duh rebonded ang hair nya e ang sa 'yo shinampoo lang...mumurahin pa.

At tungkol naman sa engron mo, simple lang yan. Pakagat mo lang sa aso, tapos! Pero kung may pera ka e pwede mo namang ipaopera yan ah. Alam mo ansabi sa akin minsan ng manicurista sa amin, wag daw masyadong pagkakalikutin ang kuko para maiwasan ang onychocryptosis na mas kilala sa tawag na ingrown nails. At wag masyadong maikli ang paggupit ng kuko, hanggat maaari wag mong gupitin ito sa pinakagilid para pag lumaki yong kuko eh hindi nabubunggo yong laman na sya naman g nagcacause ng hypergranulation. Deretso lang ang pagputol wag pa-curve ha.

Gusto mong hingiin ang friendster ko? Di ko masyadong nabubuksan e pero kung talagang desidido ka talaga, kung anong email na makikita mo dito ay yun din yong emaill account ko sa taeng-inang friendster na yan. Okey?

Sana nakatulong ako sa 'yo. Sana.


Yours Truly,
Taym Pers

Linggo, Hulyo 20, 2008

taym pers portion: ang problemang kabayo...

Tapos na ang ika-100 na entry ko. Tapos na ang silibrasyon na aking inihanda para sa aking sarili. Isang simpleng salo-salo sa harapan ng t.v kasabay ng pagngasab ng isang supot ng kornik at isang bote ng RC cola. So there.

So tuloy-tuloy lang tayo.

Kahapon habang nakaupo ako sa aking trono. Naisipan kong gumawa ng isang portion dito sa blog ko. Isang ideya ang lumaya na naman. Mga gawa-gawang anomalya na kapupulutan ng aral...sana. wish ko lang. At heto basahin mo.

Dear Taym Pers.

Bago ang lahat gusto muna kitang batiin ng good morning, in tagalog magandang araw. Masaya ako dahil ito ang unang liham na nailathala dito sa blog mo. Ako nga pala si Pete, fet ang tamang bigkas dyan hindi feet na paa ha; nickname ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang katulong sa isang prominenteng pamilya dito sa forbes park.

Lumaki ako sa hirap, wala kasi kaming kotseng BMW o kahit vios man lang noong bata ako. Hindi ko rin natikman ang rangya ng buhay, ang magkaroon ng sariling laruan tulad ng psp o kahit playstation 3 man lang. Okey na sa akin noon ang taguan-pong at bahay-bahayan. Hindi rin ako nakakatikim ng masasarap na pagkain, masarap na sa aming tatlong magkakapatid yong isang lata ng sardinas. Ang tanging afliance lang namin noon ay ang de-bagang plantsa, wala pa kasing kuryente sa aming barangay noon at ewan ko lang kung afliance na matatawag yong plantsang iyon na pamana pa ng lolo ng tatay ko. Im sorry if my sfelling is bad. Hindi rin kasi ako nakapag-aral, ang tanging isang pangungusap lang na ingles na alam ko ay... Give it more baby..ohh..ohh. Nabasa ko lang yan sa celpon ni sir nung minsan pakialaman ko. Ang alam ko text yun ng kabit nya. Ginagago nya pala si ma’am. Bobo din kasi si ma’am.

Maiba tayo, yun nga, mahirap lang talaga kami kaya nasanay na akong magbanat ng buto. Dagdag mo pa dyan yong pagmamalupit sa akin ng madrasta namin pag wala ang tatay namin. Hindi nya raw ako anak kasi ‘di raw kami magkamukha. Natural! Kaya nga madrasta namin sya, bobita rin pala sya ano?

Edad kinse anyos ako nang pumunta ako ng Maynila. Hinatid ako ng ante kong mabait na kapatid ng madrasta ko. Ang kaso nung nasa maynila na kami pinaghintay nya ako, ang sabi nya iihi lang daw sya. Pero dalawang oras na akong nakatayo sa mahabang kalsada dala ang isang bayong pero hindi pa rin sya nagpapakita. Pinagalitan ako ng isang mama na nag-aastang pulis, ang sabi bawal daw tumayo sa gitna ng Edsa.

Sa mga oras na yun, akala ko magiging palaboy na ako, hindi pala. Dahil doon ko unang nakikilala ang aking amo ngayon. Ang bait nga ni sir e, binigyan nya ako ng bente sabi umuwi na daw ako. Sabi ko naman hindi ko alam kung saan ang sakayan. Kaya nung nalaman nilang naliligaw ako, kinupkop nila ako at ginawang tagapagsilbi sa kanila.


Tatlo pala kaming magkakapatid, ako ang bunso. Pero yong dalawa kong kapatid na nauna sa akin ay hindi ako tinuturing na kapatid. Sampid daw ako. Si kuya monmon, limang taon ang agwat namin, pinaglihi daw sya buwan kaya ganun ang pangalan nya, si ate sansan naman tatlong taon ang agwat namin, sya ang pinakamatalino sa amin, pinaglihi naman sya sa tansan. Noong nabubuhay pa ang nanay ko, palagi ko syang tinatanong kung ano pinaglihi nya sa akin, hindi sya sumasagot kundi iniiba nya yong usapan. Pagnaaasar na ako at pasigaw ko na syang tinatanong atsaka naman sasabat si kuya monmon ng hindi pa ba halata dyan sa mukha mo? Tapos dun pa lang ako tatahimik at magkukulong sa kulangan kasama ang mga alagang hayop ni itay.

Teka medyo napahaba ang entro ng buhay ko ah, sumulat nga pala ako sayo para humingi ng payo sa aking problema.

Sa edad kong bente-otso ay nagkaroon din ako sa wakas ng boyprend. Nakilala ko sya kasi kapitbahay lang namin yong amo nyang may-ari ng mga kabayo, isa syang hinete. Sweet din sya kasi halos araw-araw ay binibigyan nya ako ng gulay pero ang sabi nya tiratira na nga lang daw yun, ewan ko kung saan at kanino talaga nanggaling. Masarap naman kasi ginagawa kong salad, yong may mayones. Sariwa pa naman yong gulay kahit minsan amoy laway ng kabayo, pinapakain ko pa nga kina sir e, masarap nga daw talaga yong gulay.

Yong tungkol sa problema ko ay tungkol sa boyprend ko. Nanlalamig na kasi sya sa akin, pag nilalambing ko sya at hinahalikan umiilag sya at sabay haplos lang sa ulo ko gaya ng paghaplos nya sa mga alaga nyang kabayo. Gusto ko syang tanungin kung sino ang mas pipiliin nya ako o si grace---yong kabayo. Pero natatakot akong baka si grace ang piliin nya, nakita ko na kasi yun di hamak na mas maganda ang buhok kesa sa akin. Balita ko rebonded pa nga daw.

Mahal ko ang boyprend ko kasi sya lang ang unang nagbigay sa aking ng tamis ng ligaya sa buhay ko. Pero yun nga, parang hindi na nya ako mahal. Ano kayang gagawin ko? Makikipagbreak ba ako sa kanya o hindi? Tulungan mo naman ako koya.

May isa pala akong problema, yong engron kasi ng kuko ko di ko masungkit paano ba ito tanggalin? Sana matulungan mo ako koya. Kasi labis na akong nag-aalala sa figure ko.

kelangang kelangan ko ng tulong mo.

Sya nga pala, may friendster account ka ba? Pwede ko bang makuha? Add kita ha.

Truly yours,
Petrang Kabayo.

Sabado, Hulyo 19, 2008

isang daang porsyento ni tarugo este taguro.


Yehey! ito ang ika-100th entry ko. Isang taon at mahigit na rin ako dito sa blogger slash blogspot. Angaling ano? Marami na rin akong nalagak na mga kuro-kuro at emosyong patlang (anlalim dude), at naeenjoy ko naman. Marami na rin akong nabisitang blogs, may blog na epal, informative, kwentong ek-ek, kwentong barbero, may blog na mala-tibak ang konsepto, may blog na antichrist, may blog na patawa, malungkot at kung anu-ano pa. May ilang ding naligaw sa dito, napadaan at tuluyang tumambay.

Ilang sa kanila e paborito kong pasyalan, nariyan ang blog ni utakmunggo na tungkol sa mga kwento nila juday, claudine, kc, at sino pa nga ba ulit yun? Basta masaya ako pag binabasa ko yan, dagdag mo pa yong adventures niya sa dalawa nitong anak na uber sa kulit, aliw na aliw akong basahin at kwela talaga (sana hindi nya mapansing binobola ko lang sya). Kung trip mo naman ang medyo green eh bisitahin mo ang greenpinoy sabay mo na rin ang blog ni ferbert na uber din sa kulit ewan ko kung dahil sa may pagka alien o ano, basta kool. Kung mga kwentong pipitik naman ng iyong isipan e itry mo tong kay pb at kay batopik.

Usually gusto ko yong blog na makakapagcatch talaga sa atensyon ko, matagal na akong blogger way back pre-historic era pa. Kaya ang tipo ko eh yong kakaiba at bago sa panlasa. Gusto ko ding magbasa sa blog ng mga makulit na sina kamotenista at mahiwagang sibuyas.

Kung gusto mong makisunod sa adventures tungkol sa biyaheng pinoy try mo ‘to. At ni dakilang islander. Maging si lawstude masarap ding makisabay sa mga escapades nya sa buhay-life. At kung tungkol naman sa mga escapades sa ibayong dagat pwede na rin siguro ang mga blogs katulad nina madbong lorie, alingbaby, nonoh, mangBADoy, at marami pang iba. Okey din ang adventures ni jhammywhoops at ni tentay, at super emotirang to the highest unbearable level na sina emoterangnurse, kengkay, acey , ayzzz camillee.

Kung tungkol naman sa tooth pwede dyan si rio and different thoughts ni bienthoughts at ni eyebags . Salamat sa inyo at sa iba pa. Sa month-end post ko yong mga dumalaw dito at nag-iwan ng bakas.

Masaya ako kasi naka-100 entries na ako,parang alam mo yong feeling na umuutot ka dahil sa kabag, releasing... ang dating? Astig no? O kaya yong feeling na natanggal mo yong gabukol mong kulangot dahil sa sobrang lagkit at sobrang dikit na parang ang drama e ikaw ay isang superhero tapos naipagtanggol mo si Mother Earth with matching cheering squad pa. go, go, power rangers!!!



Ngayong naabot ko na ang ika-100 post entry.Malamang magtatransform na rin ako sa mas 'nakaka' pang blogger. Kung ano mang 'nakaka' yun e sikreto muna.

Malamang ipopost ko na rin yong mga sequels ng RIBLO. Ayoko naman kasi maistak na lang yun sa isang kuwaderno at amagin lang. Sayang naman. Baka maitangay ng haliparot naming pusa, magawa ko pa syang adobo. Ayoko ng ganun. Kadiri, ambaboy! (pusa?? baboy?!?)

Kung nanoonod ka dati ng ghost fighter, malamang kilala mo din si taguro-yong kinalaban ni lupin este ni eugene. Katulad din ni taguro, ilalabas ko ang aking isandaang porsyento... sa pagsusulat at pamamahagi ng mga bulok kong kaisipan sa mundong ito.

Some expects me to be ‘perfect’ but I am not... I have also my mistakes, weakness and fears. But Im so contented for whatever life I have now. And it doesnt matter where I came from, whom I am always with, my name or whatsoever. It always me as a person that counts. Others may see me as a stone not a gem, and i dont give a damn to it. I know who I am. How I care people I love, what I think and what I feel. Me, Myself and I... not perfect but just the way I want it.
--- makatang sabog.

Miyerkules, Hulyo 16, 2008

Through to life story (nosebleed) and true to life story.

Alam kong kool ang pinoy pagdating sa english, minsan may free pang twang. Kahit alam mong pilipit ang dila pilit pa rin magsalita ng english. Ewan ko ba, gustong makisabay pero minsan nahuhuli.

Ako: thank you for caling (name of our company), this is (my name) how may i help you?
Caller: yeah hi! is this (name of our company)?
Ako: yes ma'am, how may i help you?
Caller: yeah i want to send money to ...ummm.... you know... umm.... (nag-iisip ata kung sino padadalahan pero umabot ng 10 seconds mahigit ng ka-a-ummmm.)
Ako: Yes a'am?
Caller: anyway... ummm.how mash your rayt todey?
Ako: (ngumisi ako) it's ... (given rate)
Caller: oh! great! kinda owsame big!
Ako: yes ma'am its kinda higher than yesterday (nag-isip ako kung tama nga ba ang sinabi ko, pero bahala na)
Caller: lemme check who i wanted to send the money.
Ako: (ngisi ulit) sure ma'am take your time.
(umabot ng isang minuto. naghintay ako parang commercial break na rin)
Ako: anyway ma'am, kumusta po? nakakaintindi po ba kayo ng tagalog?
Caller: I am sorry but i am not.
Ako: (muntikan na akong humaglapak sa tawa) ah okay.

Madalas akong makausap ng kapwa Pilipino sa telepono, hanggat maari gusto ko silang kausapin sa tagalog hindi dahil trip ko lang kundi di lang talaga ako sanay magsalita ng ingles at di ako bihasa sa puntong yun. (ngisi ulit)

Payn. Alam kong marami sa atin ang nagpupumilit magsalita, trip siguro nila at walang basagan ng trip. Trip-trip ika nga.

Naalala ko yong isang sualt na kumalat 'daw' sa internet at pinagpasapasahan. Nahulog ito sa isang bar sa malate at ayun parang isang scandal na kumalat (mas masahol pa ata sa scandal eh). Ewan ko lang kung trip lang ng gumawa ng sulat na ito o ano. Basta ang sabi ko walang basagan ng trip ha.

Bilang pasasalamat, gusto kong sabihin na kinowt ko ito mula sa librong dilaw ni Bob Ong. Salamat pareng Bob (naks feeling close?)


Marjie,

I am not surprise or wander Dennis leave you.
Why?
What reason you can think about but you’re very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I’m realize that he really can’t not beared or stomached to be with you anymore because at first, Dennis say he could not stand you’re habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that and then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you’re very very, very fat body but you hate it thoughth you’re the most preetiest girls he knows about what do you think you are “Beautiful Girl” of Jose Marie Chan even you are beautiful face to your think? You do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I’m never call your names iether in the front Dennis or in the back of Dennis, but if you start already calling me different name, I don’t have any other choice but to call you other different name to like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you’re body that is to a BUDING. You can’t not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier that you when you look to us in mirror. Im repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.

From: THE SEXIEST GIRL OF D.M

P.S You say that I’m the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or You? You or me? And the final is me.

Bilang reaksyon sa nabanggit na sulat, mag-iwan ng komento na ikaw ay may natutunan na prinsipyo ayun sa nakasaad sa sulat.

Martes, Hulyo 15, 2008

oda para sa kuko ni lelang

"epes! mamatay ka! pakyu! shet ka! olol! gagu ka!"

Nakangisi si lelang habang nagsusulat sa likod ng aparador nang utusan sya ng kanyang amo gamit ang chalk para puksain ang mga pesteng ipis.

“ngayun, mapopoksa na kayu! Tang-ena nyong mga madirpaker!” sabay tawa ng malakas,(mala-demonyong tawa) as in tawang demonyita.

Bumaba na si lelang upang tapusin ang nilulutong ulam nang matapakan nya ang laruan ng kanyang alaga na nagkakahalaga katumbas ng isang buwang suweldo nya.

“oh may gas! may pedikyur!”

Worid na worid si lelang sa kanyang pedikyur, hindi alintana ang laruang nasira.

Hawak ang chalk, isinubo ito upang pagtuunan ng pansin ang nasirang pedikyur.

“sera na ang pedikyur ko. Hu-hu-hu-.hu. gumastos ako dito ng 300 pesos para lang mapaganda ang patay kong kuko tapos matutuklap lang ang pusya pink nitong kolor.” Sa isip-isip nya.

“ano na lang ang mukhang este kukong ipapakita sa boyprend ko nito?” sa isip-isip nya ulit.

Tumayo si lelang at biglang nagsalita.


... taglay mo ang payak ngunit maalab na kintab
Sa iyong paglago ako’y napapagtanto.
Ika’y isang mahalagang bagay sa akin sinta.
Ispin man nilang kahibangan pero itoy
Katotohanang may halaga.

Matagal-tagal din ang ating samahan,
Parang kelan lang.
Ngayon ika’y nahimlay na
Sa iyong tunay na patutunguhan.
Gabay mo aking dasal at pang-unawa.

Sa iyong paglalakbay wag kang talipandas
Sa mga kapwa mo ungas.
Naway magpakabait ka upang
Iyong sinapit di na maulit.

Paalam sa ‘yo.
Aking mahal na kuko...
Na minsa pa’y akoy iyong pinaganda sa
Iyong mahiwaang kinang.

Isa kang obrang napakaganda.
Sabi nga ni kekang,
“lelang ang ganda naman ng iyong kuko,
Sana naging kuko ka na lang”
Tinaggap ko ‘yon ng buo
At buong pagmamalaking komplemento.

Pero ngayon, ika’y wala na.
Kaya panu na aking ganda?
Bahala na.
Bahala na.
Oo bahala na talaga.

Paalam sa ‘yo...

mahal kong kuko.

---oda ni lelang para sa kanyang namatay na kuko.


Para syang timang na umiiyak habang nakangisi. At biglang tumawa ng malakas, nang ubod ng lakas.

"ha-ha-ha-ha-ha"

Ilang sandali lamang nagdilim ang paligid ni lelang.
Napahandusay sya sa lapag at nawalan ng malay.
Sumisikip ang kanyang dibdib at nahirapang huminga.

"kelangan ko rin ng oda" tanging nasambit nya.

Linggo, Hulyo 13, 2008

musta? Zup?

Prend: kumusta na ang buhay?
Ako: (nag-isip kunyari ng malalim) umm... ito self-supporting.
Prend: e ang sex life?
Ako: ganun din.

Madalas akong matanong ng mga kaklase ko o kaibigan ko kung kumusta na daw ako at madalas ko din silang sagutin ng okey lang, minsan parang text lingo na nga rin...'K Lang'. Ewan ko ba, hindi ko kasi trip sabihin yong nararamdaman ko kahit di naman ako okey.

Nitong nag-daang araw lang, alam ko sa sarili ko hindi ako okey. Nawawalan na kasi ako ng ganang... ummm... kumain. (holsam ako ngayon, ano ba?). Pero kahit papaano tatlong beses pa rin ako kumain sa loob ng isang araw 'di pa kasama dyan yong meryanda sa hapon at madaling araw.

Kamusta o Kumusta? Alin nga ba ang tama pagdating sa formal na wikang filipino? Ngayon may ibang versyon na yan sa text linggo, tulad ng muzta, moostah, muzzta, usta o mustah at marami pang iba. Minsan nga tinext ako ng kaibigan kong malaki ang bibig; ansabi 'aryu?' Tinamaan ng magaling na matsing! eh di ko maintindihan kung saang planetang naggaling yong salitang yon. Kaya tinanong ko, 'wrong sent ka ata pare.' nagreply naman agad, 'tangek! in-short yun ng how are you! bobo!.' Abah at may bobo pang pahabol, kaya ang ginawa ko imbes na mainis eh nagsori ng lang ako, taz este tapos nagreply agad... ansabi 'kei'. Nagets ko agad, yong K na short term ng OK ay pinahaba. letche talaga oh.

Maitext na nga lang si inang.

'Zup inang?


maikli lang muna ang ipopost ko ngayon, di ko alam kung affected din sa kawalan ng ganang magpost. Am i going bitchy now?

girl: hoy bitch!...

"hey dont you ever call me hoy!'
-bitch

"...if theres one lesson we young adults ought to learn, it should be maturity. Maturity to understand that life is unfair and maturity to not make things worse. Maturity to realize that there are things that we cant change and maturity to accept them gracefully. Maturity in loving and maturity to never be bitter if things dont work out..."
- qouted

Biyernes, Hulyo 11, 2008

my bestfreind (repost)

Wala naman akong magandang maikukuwento sa inyo medyo busy kasi ako now, umm saan nga ba? busy sa tulog,kain, trabaho, pangungulangot, pagbabawas at kung anong anik-anik pang may kinalaman sa hygiene ng aking petite body.okey payn... aaminin ko medyo tinatamad akong magpost ngayon, sabi ko nga busy ang lolo. repost ko lang muna 'tong entry na 'to, pampadagdag para ma-attain ko na ang ika-100th entry ko, kasi magpapa-pajama party ako! woothoo. joke lang. Medyo emo ang post ko ngayon, para maiba naman.

xxxx

Bata ka pa noon pero mahilig ka ng magbutingting ng kung anu-ano. Ang kulit-kulit mo nga eh. Halos hindi masuway ng iyong inang. Naalala mo yong nalunod ka? Andun ako, paslit ka pa nga kaya hindi mo alam na nagsisigaw din ako sa takot na maianod ka nang tuluyan. Pero maswerte ka dahil nakita ka agad ng iyong tita para iligtas ka. Pinalo ka noon ng tatay dahil sa iyong kakulitan, nalungkot ako dahil hindi mo naman talaga ginustong pumunta sa bahaging malalim, tanging gusto mo lang noon ay para makuha yong t-shirt na naanod. Haay… engot mo kasi.

Grade 1.Second honors ka, tuwang tuwa magulang mo noon. Syempre pati ako dahil bestfriend mo ako . Hindi mo pansin pero nasa bahaging likuran ako noon ng maraming tao, tanaw ka. Masaya. Proud. Kumakaway pa.

Naalala mo yong binato ka ng bato ng isang kaklase mo? kulang na lang idemanda ng yong mama. Astig ka din nun ha kasi kamag-anak nyo yong principal kahit alam mo sa sarili mo na may kasalanan ka din. Di ba ikaw pa nga yong nagtawag sa bumato sa kanya ( Diosdado ata ang pangalan nun eh, oo tama! Diosdado nga!) na "baluga" sya dahil mukha syang Aeta. Pero sa totoo naman talaga, eh aeta sya.

Grade 2. Fourt honors ka na lang, isinumbong mo yun sa mama mo dahil may "favoritism" na nangyari. Umiyak ka pa nga pauwi noon eh. Pero kasama mo ako, hinahabol kita pero dahil paslit ka pa lang mabilis ka pang tumakbo di tulad ko.

Grade 6. Natuto mo akong kilalalanin, mula noon "close" na tayo. Araw-araw mo akong kinakausap, pinapangiti dahil sa maliliit mong kalokohan. Di ba sabi mo noon may crush ka klase nyo? Natuwa talaga ako dahil sa wakas ang isang patpating paslit may crush na rin sa wakas. Pero nasaktan ka noon ng sabihin ng crush mo na hindi ka nya mahal. Gagah pala sya eh, hindi mo naman talaga sya mahal. "crush" lang naman.

High School. Thirteen Years old ka noon. Yon yong simula na makaligtaan mo na ako. Dati kasi gabi-gabi mo ako kausap, pinapakinggan mga batang-reklamo mo. Na kesyo palagi kang inuutusan. Ha-Ha-Ha. Naalala mo yong minsang nagdabog ka, binagsak mo yong ashtray tapos di inaasahang tumalbog at dumiretso sa paa mo. OUCH!!!. Beeeh buti nga. Peace!

Sa edad mong 13, maraming nagbago sa iyo. Boses. Pagdadamit. May bago ka na ring Crushes. At mga kaibigan. Astig ka noon dahil friends mo mga "elits" sa klase nyo. Belong ka ika nga. Pero dahil dito nakalimutan mo na rin ako bilang isang kaibigan. Nakakalungkot lang dahil para nanlamig ka sa ating samahan. Di kita masisi dahil bumaling ang iyong atensyon sa iyong kaibigan.

Graduation mo ng high school. May speech kang babasahin. Astig! dahil sa iyong angking katalinuhan. Sumasali ka rin kasi noon sa mga paligsahan sa pagsusulat hindi ka man nanalo pero doon nahasa ang iyong talento sa pagsusulat. Proud talaga ako sa 'yo noon Mar. Kaya mong makipagsabayan sa kanila kahit pajamming lang ang iyong taktika, nakakaperpek ka ng mga tests lalo na sa science. (sablay ka nga lang sa math dahil ‘yon ay ayaw mo). Habang binabasa mo noon yong speech mo, nakaramdam ako ng kakaibang lamig dahil sa tuwa na rin siguro at galak. Astig ka kasi, nasungkit mo yong "journalism of the year" na award, kahit hindi ka man kasali sa honor roll atleast napatunayan mo sa sarili mo na kayang mong makipagsabayan sa kanila. oh di ba?

College ka na noon pero biglang bumalik ang 'nanlamig' na samahan natin dahil may mga kaibigan ka ng "mabubuti". Pero taglay mo pa rin ang pagiging maloko Mar, kasi naman kung makapanlait kayo ni julieann tagus-sa-buto. Katulad ng "wow!!! ang ganda ng nail polish nya. Im sure may Memorial ng paglilibingan sa patay nyang kuko. Nail polish na lang ang tumatakip" tapos sabay kayong tatawa, sasabat naman 'tong si bruhang julieann "josko! eh sa impyerno hindi yan tatanggapin!".Ganun ang mga patutsada nyo pag kayo na ng barkada nyo magkakasama. Akala nyo eh mga Diyos at Diyosa kayo sa kaguwapuhan at kagandahan. Lakas mang-asar! Uber!


Pero bumilib ako sa 'yo noon mar noong naging working student ka. Nagtatrabaho ka mula 5 o'clock ng hapon hanggan 11 o' clock ng gabi para lang may magamit kang pera para sa sarili mo. Proud din akong naging scholar ka at konti lang binabayaran ng parents mo para sa tuition mo at working student ka pa. Pero dumating yong point na nagkaroon ka na ng bagsak, hindi ka na kasi nakakapagreview para sa morning subject mo lalo na yong major mo. Pero kampante ka lang noon dahil lahat naman kayo ng ka-major mo eh lagpakers din. Naging kampante ka ngunit pinanghinaan ng loob. Dumating yong point na umiiyak ka noon dahil sa nalagpak mong exam. Sayang...Science pa naman.Di ba paborito mo yun? Pero pagdating ata sa mechanics eh hindi mo na type pag-aralan mga vector quantity, speed, length at kung anong anik-anik pa yan. In short nagsawa ka!
Naalala ko noon, mag-isa kang nasa boarding house mo, umiiyak dahil hindi mo alam kung ano uunahin mo kung yong letseng pag aaral mo o yong trabaho mo na nageexpect yong managers sa yo. Nahirapan kang nagdesisyon kaya nag-bahala ka na.

Infairness,marami ang natutuwa sa iyo. Bibo ka kasing bata lalo na pagdating sa recitation. Astig kang sumagot, may punto at may laman. Type mo yong gisahin yong reporter sa harapan habang sya naman ay takot sa mga "pop-up questions mo". Naalala mo yong muntikan ka ng murahin ni Raymond dahil sa tanong mo noon na mukha namang irrelevant sa topic. ha-ha-ha...bibong bata dahil napatumba mo yong "pinakamagaling" klase nyo. Sumuko. Pero sa huli humingi ka pa rin ng tawad. Doon ang naantig sa iyo, marunong kang magpakumbaba. Astig ka talaga Mar. Napasok ka noon sa student publications nyo. Wew! astig ka rin bumanat dahil nailalabas mo yong sentimyento mo.

Tanda mo pa yong naadik ka sa blog? At doon mo rin nakilala yong unang taong nagpaiyak sa iyo ng todo dahil sa lintik na pag-ibig yan kamo. Nagtagal din kayo ng halos siyam na buwan, pero biglang umiba takbo ng sinasabing mong "mundo". Hindi pala sa lahat ng oras eh takatuon lang ang atensyon mo sa sinasabi mong "mundo". Duh, wag ka nang magmaang-maangan pa. Di ba sabi mo mundo mo sya? Pero sabi ko nga Life has to change for it has to. Sa kanya ka umiyak ng todo. Di ko masabing karma pero parang ganun na rin dahil marami ka na ring pinaiyak di ba? Sana maalala mo pa yong time na iniwan mo gf mo dahil nalaman mong hindi mo pala sya mahal. Marami ka na ring nakarelasyon pero sa kanya ka talaga nasaktan ng todo. Umiiyak ka noon, nagmamakaawa pero hindi nya pinakinggan. Halos kaawa-awa ang iyong lagay noon. kasabay noon ay ang paghahanap mo ng trabaho sa manila. Naging Call Center Agent ka noon sa Ortigas, pero dahil sa kaestupiduhan mo, pinili mong maghanap ulit ng trabaho malapit sa bahay na pinagtutuluyan mo sa ParanaƱque, swerte ka talagang bata dahil ilang araw lang na paghahanap nakakita ka ulit ng trabaho bilang Data Analyst kahit sa lagay mong yan na di graduate kinaya mong makipagsabay sa mga degree holder, astig ka talaga!)

Nagbreak kayo sa araw bago ng inyong monthsary. Kawawang bata dahil ginawa mo lahat para sa kanya. Noong panahong yon mag-isa mong hinarap yong sakit, hindi mo ako kinailangan dahil nagtapang-tapangan ka! Umiiyak ka noon ng mag-isa pero di mo lang alam nasa likod mo lang ako umiiyak din dahil nasasaktan ang isang kaibigana malapit sa akin. Kung alam mo lang kung gaano katindi yong emosyon ko para tulungan ka pero hindi mo ako tinawagan para gawin ang bagay na makapagpapabuti sa iyo. Pinili mong mapag-isa at magalit sa lahat ng tao dahil ayaw mong kaawaan ka. Gusto kitang yakapin noon para mapanatag ka pero nagpumiglas ka. Isinumbat mo sa akin lahat, naging sarado ang iyong isipan para intindihin yong mga nangyayari sa iyo. Trabaho, pamilya at maging mga kaibigan---gumugulo din sa iyo noon, nakikisabay sa iyong problemang dinandala.

Sa ngayon, narealized mong may magandang nangyari rin pala sa iyo ang lahat. Ngayong taon lang na 'to akala mo katapusan mo na dahil sa apendecittis nangyari sa iyo.Buti na lang naging matatag ang iyong pananalig kaya nailigtas ka mismo ng lakas nang loob mo. Yun yong natutunan mo sa break-up nyo ni (name withheld). Natuto kang maging mas matapang pa. Astig ka talaga mar.

Ilang months after ng operasyon mo, nakilala mo si (new one). Sya na ngayon yong taong malapit sa iyo at pumalit kay (name withheld). Masaya ka sa piling nya at sya lang yong taong nagpabago sya. Pasalamat ka sa kanya. Pero nakakapagtampo ka Mar, dahil nakaligtaan mong batiin ako noong birthday ko. Hinihintay ko pa naman ang tawag mo. Pero noong mismong araw na yun eh hindi ka tumawag sa akin, hindi kinausap pero alam kong alam mo ang birthday ko. Nagdiwang pa nga kayo di ba? May Christmas party pa nga kayo eh, naghanda rin at nagsalu-salo. Pero after ng araw na yon naalala mo bigla.Ha-ha-ha-! sa wakas naalala mo din, laking tuwa ko noon. Kahit huli na pero naalala mo pa rin, salamat ha.

Kapag lumuwang turnilyo mo, balewalain mo .Akala mo ba madali lang ang "maglakbay papunta dito?" ulol ka pala eh. Maraming nagtangka kahit hindi pa itinakda pero hindi sila naging successful sa pagtatangkang yon. Nahulog lang sila sa bitag at hindi na nakaalapas pa. Kawawa lang sila. Kaya pag dumating ulit yong mga sandaling yon, lumaban ka. Maging matatag ka at wag kang susuko. Di ba sabi nga ni "new one" marami ang umaasa sa 'yo. Matalino ka, may angking abilidad kaya gamitin mo yon sa mabuting paraan. Huwag kang maging bobo para lang sa mga kapiranggot na pangyayaring sa tingin mo eh hind maganda.

Astig ka Mar! Kaibigan kita, Di ba Bestfriends tayo? Ako yung tutulong sa 'yo. Yong sasama sa iyo sa iyong mahabang paglalakbay sa buhay. Maging matatag ka sana Mar, dahil hatid lang ito ng pagkakataon para mas maging matapang ka pa para sa mga susunod pang hamon ng iyong buhay. Huwag kang maging maramot sa iyong sarili. May karapatan kang masaktan pero wala kang karapatan para unahan ang desisyong yong inilaan Niya. Mar, kaibigan ko. Mahal na mahal kita. Ako pa rin 'to, isang kaibigan, isang malapit na kaibigan… Jesus Christ.

Miyerkules, Hulyo 9, 2008

last waltz

part din 'to ng RIBLO, may significance ito sa entry sa ibaba.

-ooo-

“No matter where you stand, the ground you walk on is our binding cord, the magic carpet of life. Someday, I will come to you and you alone, and say thank you for all that you have given me. With love, I will return.”

I walked slowly along the corridors, feeling very moment, just like I wouldn’t see this place again. I wasn’t alone, I knew, but I could see were mannequins belonging to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that had seemed dried out from me.

There were thousands of why’s and how’s that flooded my mind that day. Somehow, I didn’t notice that I was already standing at room 8. I reached for the doorknob and surprisingly, I felt cold against my hand amidst the scorching heat of the summer wave.

I felt that I needed to take all the air before I could enter the room as I told myself. This is her last day. “H-hi!” I smiled, bearing the biggest smile I could ever paste onto my face. I got so much to tell her that was all I was able to say as a big golf ball blocked the words down into my throat.

“Why so sad, mar? Did you miss me?” She whispered as she smiled, unable to speak louder because of the tube attached to her nose. It always surprised me how she could read my mind. I am not a good actor and she knew it. Instead of answering her, I busied myself arranging the flowers. I couldn’t bear to see her like that.

It’s been a month since Trina was diagnosed with cancer of the blood. Unfortunately, we had discovered it by accident. It was our anniversary then and we decided to celebrate it with non-profit organization of dancing enthusiasts where Trina was a member. We thought of it as an exciting experience since it was both our first time of sharing our own blood. I was talking to an old friend as she went to a medical assistant to have her blood test first. But when I got back to her, she just told me that she’s not feeling well.

“well, I just guess this blood-donating thing is not for me,” she smiled but I knew there was something wrong that I needed to know. And I was right.

“I-I’m sorry,” I said shakily as she opened the door of her apartment. I tried to be calm and strong for her but as soon as I saw her, it seemed that a floodgate was opened and the tears in our eyes never stopped falling as we cried in each others arms.

“Stop what you are doing, god damn it!” she yelled at me even she wasn’t supposed to. I stirred and turned to obey her. I sat by the hospital bed slowly but never raised my eyes to see her. I kept staring at the white sheets that covered half of her body and, of course, the different tubes that were attached to her only-God-knows part of her body.

I loved staring at her but this time was different. I took all the courage in me to lift my eyes for a moment just to see her eyes getting wet.

“It is alright, my angel. Soon you will find another dancing partner and ill see to it that she will be good enough to pit up with your both-left- feet” she laughed slightly. And the other moment, she put her hands to my chin and lifted it gently. It was supposed to be a joke and I could have laughed at it when done at normal circumstances. But the situation was away from normal. This time was entirely different.

When I met her eyes, there were shapeless emotions that until now I would never understand. “Hey, could you still remember when I taught you how to dance in college? And you not only passed your dancing class but got a 1 for it?” She uttered. Something stirred deep in my gut. Some unexplainable things were going to fly into my mouth and would make me cry. But I would not let it so; I needed to be strong for her. I would simply have to say, yes, so I nodded, fearing that I might cry aloud when I opened my mouth.

“that was the time I fell in-love the very first time? she said.

“Huh?” it was more of sound than word. “I said I loved you the first time I held you in my arms,” she said, raising her voice a little bit.

I wanted to keep looking at her because I never wanted to take my eyes away from her, even if it pained me a lot. But I couldn’t bear the honesty that was painted in her eyes. Another something stirred into my gut anew and I thought of taking my eyes away from her. But I breathed deeply and sighed, amazed by the courage I could show to the girl I’d love but who was just waiting for the slightest wind to put off her candle.

“I love you, so much,” I said as I smiled amidst the pain inside of my heart. I stroked her face gently. She held my hand softly as she kissed it gently.

“Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me,” she said under her breath.

“Now, would you do me a favor?” from somewhere deep inside came a devastating urge to make me cry but I should not, I promised to be strong. I would merely nod to Trina- --an assurance that I would do anything just to make her happy even for her last day.

“Would you please hold me very tightly and dance with me” she asked. I held her hand tightly, which was so thin- far from the powerful hands that once belong to her-and gave it a little squeeze.

“No, mar,” she said, “really hold me, next to me.” I was very, very careful not to touch anything-the tubes and the kind. As I got onto the bed with her and put my arms around her. I held her arms and hummed our favorite song.

THANKS, MY ANGEL. I LOVE YOU.” Those were her last words. I walked slowly along the corridors, feeling every moment, just like I wouldn’t alone, I knew, but at that very instance, all I could see were mannequins, all I could see were to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that I had seemed dried out from me. Suddenly, a gust of wind blew from outside the building. I felt it stroke my face, my eyes, and my lips. I closed my eyes and felt a pair of lips kissed me. A realization snapped me back to reality.

“Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me.” T-trina… I whispered to myself and as I reached the wall, dam of emotions poured. Barriers were broken. I cried.

Linggo, Hulyo 6, 2008

kopya ng naunsyaming RIBLO...

Aktuwali, repost ko lang 'tong entry na 'to pero part din to ng RIBLO. Repost ko na lang ulit (oh ayan may mali na naman ako, redundant. pansin mo?) Bale ito yong kasunod dun sa Wika na parte ng naunsyaming libro. So kumapit na ng mahigpit habang binabasa mo 'to. Itigil mo muna ang pag kain dahil baka mabilaukan mga hijo't hija. Kung nanonood ng porno i-close mo muna, at wag kalimutang huminga.

=OOO=

"hindi lahat ng panggagaya ay maganda"

- Edu Manzano

Noong high school pa lang ako. Garapalan talaga ang kopyahan, yes cheating! Kahit pa nakatalikod lang nang bahagya ang titser, kopyahan talaga ang drama. Halatado kasi maraming bulungang maririnig. Tapos meron pang drama na 'pag umubo ibig sabihin ay letter A, pag kumamot ng ulo naman ay letter B, pag suminghot letter C, at pag letter D kumukunot ang noo. Sa sobrang hirap ng exam, wala kaming choice kundi yon.

Aminado rin akong ako'y NANGOPYA at NAGPAKOPYA, sabi nga nila ang estudyanteng nagigipit sa katabi lumalapit.MAy clique din ako noon, o sa madaling sabi grupo-grupo. 'jologs' company" ang pangalan ng aming samahan. (hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng pelikulang JOLOGS the movie o sadyang jologs lang kami).When it comes to mathematics nagtatransform talaga ako as parasite, parang yong sa pelikula mega transform ang drama. Talagang kopyahan talaga, ginawa ata ang math bilang isang kryptonite ko. As in kopyahan talaga na ultimo "**" na symbol eh kinokopya ko without knowing na erasures lang pala ng katabi ko. Paksiyet! nakakahiya yun talaga... Ang siste naman ng titser kong kamukha ng rugrats. Ipaparecite sa yo yong sagot mo pag tsinetsek na yong papel at sa harapan pa. Sa math lang naman ako mahina, kaya pag yong time na tsinetsekan yong papel sa math nasa canteen ako.

Pero hindi ko sinulat ang "kabobohang" 'to para mabasa lang at maipagmalaki ko (kung yun ang iniisip mo), sinulat ko yun dahil sa kabila ng kabobohang yun eh na-overcome ko.Gumawa ako ng paraaan para sa sarili ko, na hindi lahat ng pagkakataon eh parasitiko ako. Na kaya ko ring matuto nang mag-isa, ng may pride at utak para sa tamang paraan (naks ang drama, uber!.)Napagisip-isip kong hindi pa rin sapat yong marunong ka lang bumasa, sumulat at magbilang. Dapat matuto pa rin tayo kung paano i-extend yung abilidad mong yun at gumawa ng paraan para pakinabangan pa mas lalo. Kumbaga stepping stone mo pa lang yun o basic skills para maging tunay na literado.

Dumating yung time na kelangan ko na rin talagang kumilos para sa aking sarili at hindi pangongopya lamang ang sagot sa lahat ng katanungang na makikita mo sa test paper mo. May isang tanong na dapat mong masagutan bago mo pa man i-submit ang test paper mo, yun ay kung kelan mo ititigil ang pangongopya? Hindi lahat ng cheater kayang sagutin yan, kung nasa dugo na nila ang dugong parasitiko; wala na tayong magagawa pa, gaya ng nasabi ko nasa sa kanila pa rin talaga ang pagbabago.

Ayon kay Jean Baptist de Lamarck; isang french biologist, "a change in the environment causes changes in the needs of organisms living in that environment, which in turn causes changes in their behavior. Altered behavior leads to greater or lesser use of a given structure or organ; use would cause the structure to increase in size over several generations." Ayon sa aking pagkakaintindi may posibilidad nga na mamana natin ang traits mula sa ating magulang pero mas nakakaepekto pa rin ang environment sa paghubog ng katangiang yon. Nagset sya ng example tulad ng mga giraffe, ayon sa kanya ang mga naunang giraffe daw ay maikli lang ang leeg pero dahil sa scarcity ng pagkain na darating ang mga damo lang naman daw ang kinakain nila ngunit nang lumaon kenailangan na nilang i-strecth ang kanilang leeg para lang maabot ang mga dahon ng puno na nasa kanilang kapaligiran. Mula sa paglipas pa ng kanilang henerasyon, ang dating maikling leeg ng geraffe ay humaba ng humaba sanhi ng kanilang pangangailangan. Simple lang ang gustong ipabatid ni de lamarck. Organism changes as their environment changes as well. Pero hindi ito tinanggap ng ilang siyentipiko dahil kulang pa raw sya ng batayan para magtala ng ganoon. Katulad ng mga kaso ng mga makakapangyarihan dito sa Pinas, ang hatol...DISMISSED!Maaring totoo maaaring hindi. Isa lang pwedeng relevance, ang mangongopya ay humahaba ang leeg tulad ng giraffe ayon sa pangangailangan talaga para mabuhay. At kung nasa dugo mo na ang pangongopya isipin mong mabuti, baka maaari mo rin itong maipasa sa iyong salinlipi. Hala ka.