Huwebes, Abril 17, 2008

maglalaho ka din pagdating ng araw...

Masakit pa pala, halos isang taon na rin ang nakararaan mula nang magbreak kami ni (name withheld). Nakita ko kasi sa alternate friendster account nya, andun yong bago nyang syota. Masaya na rin ako kahit papaano para sa kanya pero may ilang bagay na bakas nya ang di talaga totally nawawala sa akin.

Alam kong wala na syang pakialam sa akin sa ngayon, pero alam kong may malaking bagay akong naituro sa kanya kahit papaano. 'Di pa rin talaga mawawala sa akin yong mga pinagdaanan namin noong habang kami pa.

Pero pasalamat na rin ako sa kanya kahit papaano, dahil may mga bagay sa aking buhay ang angking natutunan.Tatanggapin ko na lang ang lahat nang buo at di na kelan masasaktan pa.

Salamat na lang sa iyo kaibigan, ibabaon na lamang kita sa aking alaala hangang sa maglaho ka.

Iispin ko na lang na sa bawat paglubog nang araw, kasalo kita sa pagmamasid sa aking tanglaw.

1 komento:

FerBert ayon kay ...

napansin ko na nakalink pala yung dalawang blog ko dito.. weee
salamat sa suporta.. ayiheee! :D

yang freindster.. may sariling kwento din ako nyan.. kase binura ako ng ex ko sa FS nya.. boo! ehehehe

salamat ulet

www.kokeymonster.com