Sabado, Abril 5, 2008

foto-fotohan.

Wala akong hilig kumuha ng larawan sa aking sarili 'di dahil sa wala akong itsura o anupaman pero wala lang talaga akon interes para isambulat ang aking mukha. Kung meron man, siguro yun ay ang pagkakataong wala ako sa sarili ko. he-he-he.
Bagaman meron akong interes para kay KAPALIGIRAN

Narito ang ilang kuha habang ako'y nagmumunimuni sa aming opisina:












Kuha yan mula sa 21st floor ng Antel Building dito sa Ortigas Centre.


Sya nga pala, maaga akong pumasok ngayon. Supposedly mga 3pm pa dapat ang pasok ko pero mga around 1 o'clock pa lang nasa kahabaan na ako ng Ortigas Center naglalakad at tagaktak nang pawis ang aking noo. I smell fresh though. hakhak. Pagdati ko ng opisina nagtimpla na ako agad ng malamig na kape na sumakto naman ang templa at sa temperatura, humarap sa computer at pinagdiskitahan ang camera.











Teka, sa tingin mo nasa matino akong pag-iisip sa lagay na yan? o epekto lang yan ng pagkakasalubong na init at lamig? Mag-isip!

Walang komento: