Huwebes, Hunyo 26, 2008

amo't aso...

Asan ka na ba? Antagal ko nang hinihintay ang text mo, magkikita pa naman tayo dyan sa rotonda.

Binigyan kita ng load pero hindi ka nagreply, tama ba yun ha?

Ang usapan alas-dos ng hapon, e anong petsa na?

Ginagago mo ba ako o ginagwang tanga.

Kung di lang kita hindi mahal minura na kita, tang-ina mo!

Wala akong nagawa kundi hintayin pa kita ng isang oras para umasa.

Umasa nga ako pero wala. As in wala.

Alam mo bang kwarentay sinko din ang nagastos ko?

Dise-sais sa dyip, otso pesos sa pop cola at sampung peso sa kakanin
ni loling.

So bale may eleben pesos pa.

Bumili ako ng 3 istik ng marlboro, at limampisong kendi.

Hithit ang yosi habang hinihintay ka, tinext at miniscol ng ilang beses
pero pucha...pambihira ka talaga!

Namuti na ang buhok ko pero ni isang anino mo wala akong nakita.

Naubos ko na ang biniling pop cola pero di mo pa rin ako sinipot. Tang-ina.

Umupo ako sa isang tabi, at ‘di mapakali. Nayayamot at di mapakali.

Tatlong oras na akong naghihintay pero wala ka pa.

Isa. Dalawa. Tatlo. Umalis na ako.

Sa ‘di kalayuan, isang aso ang nasagasan tatlong oras na ang nakararaan.

(kwento ng isang amo na naghihintay sa aso)

5 komento:

linapuhan ayon kay ...

tsong akala ko jowa nya yung hinihintay nya kaya naisip ko tuloy yung lobo ng mabasa ko yung nasagasaan na aso. mali pala ako. aso pala talaga ang hinintay. huhu. malungkot ito ah. may aso din ako sa probinsya, naiwan kasi andito na ako. "kagat" yung pangalan nun, naisip ko tuloy. sana hindi masagasaan. surutin yun pero. haha

TENTAY™ ayon kay ...

aysows. naloko mo ko dito ha!! amp.. akala ko jowa mo din inaantay mo at sa sama ng loob mo ay nasulat mo dito. hahahaha

Jhamy whoops! ayon kay ...

amp ka! kala ko... kala ko lang pala.. madami ka nagoyo.. ayus!

UtakMunggo ayon kay ...

akala ko naman gelps mo yung tinitiris mo dito sa entry mo.

kawawang aso.

eh magkano nalang naiwan nung bumili pa ng pop cola si amo?

tenchu sa pagbisit sa blag ko.

:D

ToxicEyeliner ayon kay ...

wawang aso =(
hehehe

napadaan lng din...add kita blogroll ko, ok lng? =)

ayos tong blog mo e =)