Sabado, Hunyo 14, 2008

libro, utak, manunulat, itaktak!



Mayroon akong bagong libro nabili sa National bookstore. Nakita ko 'to nang minsan akong napadalaw sa nasabing bookstore, kaya nagkainteres akong magkaroon. Hindi ko pa naman to natatapos basahin pero alam kong sa maikling panahon eh tapos na, wala rin kasi akong masyadong pinagkakaabalahan pag nasa bahay na ako, liban na lamang sa kumain at matulog, kumain, maligo at matulog, matulog, matulog at kumain. Malamang dito ko na rin lang ipopost yong mga nabasa ko. Bilang isang rebyew.


Tipo kong libro eh yong hindi ako maboboring, gusto ko yong may kwentong pwedeng mangiliti sa aking emosyon at pandamdam. Kaya okey sa akin ang mga librong humorous katulad ng mga libro ni bob ong, jessica zafra, eros atalia, paolo manalo, at ilang libro pang may hatid na kiliti para sa akin.


Sa akin kasi, ang pagbabasa ay isa sa mga pinakanakatatamad na gawain ng isang tao pero pinakamasipag na pwedeng gawin ng utak ng tao. Isipin mo, pwede mo namang gawin sa tunay na buhay ang mga nababasa mo, so bakit ka pa mag-aaksaya ng panahon para pagtuunan ng pansin ang kalokohan yun? Subalit sabi ko nga, isa ito sa bagay na masipag gawin ng utak. Mahirap mag-isip nang wala naman talagang iniisip, at mahirap magbasa ng walang binabasa. Sa pagbabasa kelangan mong maglaan ng panahon para sa bagay, ang pagbabasa ay parang kumakain.



Noong kapanahunan ko pa bilang isang writer (kuno) sa aming state college. Marami akong gustong isulat, mga bagay na hindi lamang namumutawi sa aking bibig kundi maging sa aking utak, sa maliit na karne ng aking ulo.
Buti na lang at nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman kahit konti sa kompyuter at natutunan ko ang blogging.Kaya dito ko, minsan, inilalagak ang mga guni-guni ng aking malikot na isipan.
Pinili ko ang tagalog na medyum sa dahilang ayoko sa wikang englis, kundi dahil wala akong choice, okey na sa akin ang taglish para kwits lang.
Matagal ko na ring hindi naaupdate 'tong blog ko, medyo naging busy lang kasi. Pero sisikapin ko pa ring maging activo sa blogmundo ko. Yun eh kong may maitataktak pa ang utak ko.

4 (na) komento:

Lorie ayon kay ...

Bilang avid reader, nasaktan ako ng sinabi mong -

"Sa akin kasi, ang pagbabasa ay isa sa mga pinakanakatatamad na gawain ng isang tao..."

hehehe. I agree po exercise talaga ng utak ang pagbabasa, lalo na kung iiextend mo ang iyung sarili. Kahit sa pinakamababaw at pinakacorny na babasahin siguro may matutunan pa rin tayo. Sa pagbabasa, dumadami ang ideas, knowledge sa languages, english, tagalog, etc., saka knowledge sa ibaibang bagay.

Dahil isang tao lang tayo limited ang ating experiences. Sa pagbabasa, we can live through the experiences and emotions of other people. We can even learn from them kahit pa fictional characters lang ang iba.

Haba comment hehehe. Reading is my passion. *bow*

pensucks ayon kay ...

literally speaking, ang pagbabas ay nakakatamad naman talaga, wala ka masyadong ginagawa kundi magbasa lang at utak lang ang gumagana. hehehe.. pero thanks sa reaction lorie.

aKDa ayon kay ...

ow. tingnan ko nga yan pagnagkapera naman ako at yumaman. hahaha.

linapuhan ayon kay ...

keep reading tsong. magandang senyales yan. :-)