Huwebes, Hulyo 31, 2008

i want to move in...

Hindi mali ang grammar na nabasa mo sa title ko. Gusto ko lang talaga humanap ng panibagong lungga. Nagsasawa na kasi ako sa pagmumumukha ng aking landlady, laging nakabusangot. Asar.

Besides, gusto ko yong malapit lang sa Ortigas Centre para malapit sa trabaho. Medyo malayo ng unti kasi yong inuuwian ko. At maliit yong pad sa isang tulad ko, kelangan ko kasi ng videoke bar, mini library, swimming pool, lounge area, at wifi capable na (siyet...nangarap?)

Pero seryoso, kelangan ko ng bagong malilipatan. Kung sino man po ang may alam dyan, kahit studio type man lang, okey na.

Sana may makatulong.

12 komento:

Roxy ayon kay ...

Gustuhin ko mang tumulong. Eh ang alam ko lang na lugar sa manila eh buendia (?) hehe lol. exage pero true. Sa probinsya kasi ako tinapon ng mga magulang ko eh.. :D

By the way feeling ko nagnakaw ako ng link. haha just want to let you know Ive put your links up to mine. Kung ayaw mo, wala ka na magagawa. :P Only joking :P

the donG ayon kay ...

ako din. wala din akong alam dyan na pwedeng rentahan.

ako ganyan din style ko kung saan ako magtatrabaho, dun na rin ako malapit titira.

Wild Ice ayon kay ...

Pare, marami dito sa Washington Makati mga lungga para sa mga kalalakihan (pwede rin sa mga dating lalake). Marami kaso hindi ko pa nakikita ang loob (hindi ko pa nababalak mamboso sa mga yun). Isang sakay lang ang layo dito papuntang OrTIGAS (Bus ang sasakyan---luffeeeet!!). Ngunit ikaw pa rin ang magdedesisyon--medyo sasakay ka pa rin kung galing dito eh..
*Kris Aquino Mode*
Deal or No Deal?!!

mahiwagang_sibuyas ayon kay ...

huwaaaw, bagong lungga bagong buhay!*

malapit sa Ortigas.. hmm..
dito samen gusto mo?!
Region I.
walking distance lang. :D
lololololololololol

juklang juklang.

Sana nga makahanap ka kiddo. hassle yang malayo ang tirahan sa trabaho. :)

ifoundme ayon kay ...

teka, mansion na yang pinapangarap mo....

good luck sa paghanap

UtakMunggo ayon kay ...

ako walang maitutulong sa iyo, mar. dahil hindi naman ako taga-ortigas o taga-luzon man lang.

so ibig sabihin walang kwenta itong comment na ito. hehe

Niel Camhalla ayon kay ...

Ay malayo sa Ortigas yung alam ko. sa Manila Bulletin madami ka mahahanap. Bili ka this Sunday.

taps ayon kay ...

meron kaming unit sa wack wack royal mansions.

u want? studio nga lang, malapit lang sa ortigas.

Mico Lauron ayon kay ...

lipat ka na lang dito sa Dumaguete. hahaha! mas mura dito...

chak!

emoterang nurse ayon kay ...

meron kaming pinapaupahan kaso dito sa rizal pati up and down yun, kaso nga lang malayo sa ortigas..

pensucks ayon kay ...

@taps, ano balink mo? di ko tuloy mavisit site mo. salamat nga pala sa INYONG lahat... sa concern at pagtulong. emoterang nurse, email mo ako ha.thanks.

arot ayon kay ...

Madali lang yan solosyunan. Maghanap ka ng malaking karton, tapos itabi mo sa kubo ng mamang sekyu dyan sa parking lot sa tabi ng building :D Solb yan kahit 24/7 pasok mo.