Lunes, Hulyo 21, 2008

Taym Pers Portion: a reply to petrang kabayo letter

Dear Petrang Kabayo,

Anlalim nga ng problema mo hindi maarok ng aking powers to the highest level. Hija talagang ganyang ang love, minsan kelangan nating magsakripays para lang may matutunan tayo. E ano nga ba natutunan mo sa pakikipagrelasyon mo dyan sa boyprend mo? Ang mangabayo? Pero hindi ba masarap naman talagang mainlab yun nga lang minsan may mga nangyayaring hindi natin nagugustuhan.

Kung ako sa'yo hija, kung ramdam na ramdam mo naman talagang ayaw na sa iyo ng boyprend mo, hiwalayan mo na. Wag mo nang hayaang labis kang nasasaktan ha. Kung kaya mo syang sapukin, go! kung kaya mo din syang latiguhin, go lang! basta in then end hindi ka makokonsensya. At hindi ka masasaktan...

Alam mo Hija, tanga ka na nga, bobita, boplaks, syongangers, espoklong, o kahit ano pang tawag dyan wag mo naman sanang gawing kaawa-awa ang sarili mo sa kanya. Lalaki lang ang ulo nya pag pilit mo pa rin ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanya. Kawawa ka lang. Pramis.

Kaya hiwalayan mo na sya, total marunong ka namang magfriendster e dun ka na lang maghanap ng bagong boyfriend mo.

Kung naiinsecure ka kay Grace, abay dapat lang. In this world accept the reality that not everything cheers us the way we want it. Atsaka duh rebonded ang hair nya e ang sa 'yo shinampoo lang...mumurahin pa.

At tungkol naman sa engron mo, simple lang yan. Pakagat mo lang sa aso, tapos! Pero kung may pera ka e pwede mo namang ipaopera yan ah. Alam mo ansabi sa akin minsan ng manicurista sa amin, wag daw masyadong pagkakalikutin ang kuko para maiwasan ang onychocryptosis na mas kilala sa tawag na ingrown nails. At wag masyadong maikli ang paggupit ng kuko, hanggat maaari wag mong gupitin ito sa pinakagilid para pag lumaki yong kuko eh hindi nabubunggo yong laman na sya naman g nagcacause ng hypergranulation. Deretso lang ang pagputol wag pa-curve ha.

Gusto mong hingiin ang friendster ko? Di ko masyadong nabubuksan e pero kung talagang desidido ka talaga, kung anong email na makikita mo dito ay yun din yong emaill account ko sa taeng-inang friendster na yan. Okey?

Sana nakatulong ako sa 'yo. Sana.


Yours Truly,
Taym Pers

10 komento:

kengkay ayon kay ...

dear petrang kabayo -- isa lang ding kabayo yon, pramis :) na insecure din ako kasi di ko alam kung ano ibig sabihin nung rebond, waaaa

kamotenista ayon kay ...

"Alam mo Hija, tanga ka na nga, bobita, boplaks, syongangers, espoklong,".....grabe na nosebleed ako!...wahahaha

wawa naman si petra...sige padala mo siya sa'kin gamitin natin sa target shooting.....wahahaha

the donG ayon kay ...

At tungkol naman sa engron mo, simple lang yan. Pakagat mo lang sa aso, tapos! >>> malamang nakatulong ka nga sa kanya. hehehe....

harmonie ayon kay ...

hehehe...:p

Jhamy whoops! ayon kay ...

nakaknose bleed ang mga terms about inggrone na yan!!

ampoopoo.. oo nga naman petra! marunong kang mg fster.. marami kang makikilalang papbols don!!
bonggang bongga!!

*apir*

FerBert ayon kay ...

anong ganda mo.. mukha kang kabayo.. lol

add mo ko sa friendster.. hahaha.. uso pa pala ang FS! hehe

mahiwagang_sibuyas ayon kay ...

naknamprutkeyk, hypergranulation tlga eh no. hahahahahaha-teka ano un?! aha, feeling ko pagkaen nnmn yan. parang jelly ace ang tunog eh.

o fetrang horse, teykitisi. sana nakatulong ang taym pers sa nakakapraning na problema mo. :D

taps ayon kay ...

hanep.

acey ayon kay ...

lol! sorry off-topic, bro: ngayon lang ako nakabasa sa word na "espoklong". sobrang nakakatawa. basta. :)

kawawa naman si petra.

Roxy ayon kay ...

Parekoy. :D andto nanaman ako hehe :D I added you up in my links. Hope you dont mind :D