10:30 na ako umalis ng bahay kanina, tinatamad pa. Naghintay ako ng FX sa rotonda siguro mga ten minutes din yun pero wala akong nahita.Kaya minabuti ko na lang sumakay ng jeep at bumaba sa San Miguel Avenue, nilakad ang kahabaan ng nasabing kalye sa Ortigas tungo sa Working place ko. Madilim, hindi, medyo lang pala, pero basta madilim. Kita ko ang dinadaanan ko pero hindi ako kontento sa liwanag na nanggagaling mula sa lightpost at mga building na mga sekyung umaaktong gising pero tulog, lakad, sige lakad, lakad...hangang sa narating ko rin ang Tektite.
Salamat naman Diyos ko.
Kanina ko pa kasi ramdam na may sumusunod sa akin, at nakita ko isang malaking anino, pero ang nakakagulat wala namang tao.
Sisigaw na sana ako ng Rape! este magnanakaw! pero anong nanakawin sa akin? Isang bulsang naglalaman ng senkwenta pesos na barya, ATM na paubos na ang laman,celfon na luma, MP3 player na luma, at isang bolpen na nagtatae pa.
Narating ko ang aming Building, saka ko narealized... na ang mga ilaw na aking dinaanan ay kalat-kalat, scattered kaya malamang lumikha ito ng anino mula sa kalat-kalat na liwanag.
2 komento:
kahit na anong explanation pa yan, nakakatakot pa rin ang pakiramdam na may ibang anino, lalo na't mag-isa kang naglalakad.
kala mo di kita mahahanap no? haha.. nakita ko link mo kay wei. bleh. :D
hahaha..ang galing! nahanap mo ako?hehe
Mag-post ng isang Komento