biyernes santo. may pasok ako ngayon. kung anong sing-ingay ng telepono namin during normal operation e sing tahimik naman ng kasingit singitan ng mga pinto namin. nakakaurat ang katahimikan. apat lang kaming pumasok, ako, si paolo, si chichi at si ate ara. tanging ang tipak lang ng keyboard lang namin ang naririnig namin.
nakabibinging katahimikan.
kanina ko pa pinagmamasdan yong umiikot na balerina, kung pakaliwa o kung pakanan ba talaga. napapagpalit ko. bwisit.
ang luwang luwang ng kalsada, ang luwang luwang ng presence of mind ko. wala akong masyadong ginagawa. as in wala. nakakaurat na din ang twitter at facebook. wala kang ibang mababasa dun kundi ang taas ng ihi ng iba. kung di naman eh panghi ng ihi nila.
gusto kong kontakin yong kaibigan kong nasa US ngayon, kaso anong oras na baka tulog na. kasarapan na ng tulog at naglalaway pa.
sinisilip ko ngayon kung magkano ang laman ng pitaka ko. 400 pesos. panigurado hindi 'to magkakasya sa loob ng isang linggo. kelangan kong maglabas pa mula sa naipon ko.
speaking of savings, pagkakataon ko na rin palang silipin ang navps ng mutual funds ko. hmmmm... mukhang tumataas, pero wala pa rin sa ini-expect kong ROI. shet. shet. shet. baka dalawang taon pa.
o sya sige, makapagkape nga lang muna.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento