gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Miyerkules, Mayo 23, 2012
yong kusang babagsak na lang na akala mo sa simula'y matibay at masaya, yong parang sa fairytale pero nakanam...
para syang brip na walang garter o yong mahina na yong kabig. pilit mong iniipit-ipit pero sadyang wala nang kapit. tulad na lang sa isang relasyon. kahit anong higpit ng yong kapit kung wala nang ihihigpit kusa 'tong babagsak paibaba ng walang kasabit sabit. promise paniwalaan mo ako.
Lunes, Mayo 21, 2012
in evolution, everything that would look merely useless will surely disappear.
looking at the edge, there you are. but i do not despise you whose liking it either. so go away, throw yourself in a bin, bitch!
Linggo, Mayo 20, 2012
Sabado, Mayo 19, 2012
Huwebes, Mayo 17, 2012
Miyerkules, Mayo 16, 2012
ganun talaga
You left me with goodbye and open arms. A cut so deep I don't deserve. Well you were always invincible in my eyes. And the only thing against us now is time...
yong bawat pahina na hindi mo naman talaga alam kung sang libro nanggaling. pilit mong pinagdudugtong dugtong para lang mabuo ulit ang bawat pilas nito.
Could it be any harder to say goodbye to live without you. Could it be any harder to watch you go, to face what's true. If I only had one more day...
wala nang sasakit pa, na sa tuwing pagdampi ng yong tingin sa papel ay humuhugis ito ng isang kutsilyong unti unting tumutusok sa yong puso.
I lie down and blind myself with laughter. Well A quick fix of hope is what I'm needing. 'And how I wish that I could turn back the hours. But I know I just don't have the power yeah...
maaalala mo yong panahong ang nag-iisang bulaklak sa gitna ng masukal na hardin. pilit mong inaalagaan subalit natutuyot ito nang wala sa oras. nalanta nang wala sa panahon..
Well I'd jump at the chance We'd drink and we'd dance. And I'd listen close to your every word. As if it's your last, but I know it's your last 'cause today, oh, you're gone...
manghihinayang ka sa talulot ng bulaklak na unti unting humahalik sa lupa. wala kang magawa kundi pagmasdan 'to sabay ng pag-ihip ng hanging bumabalya sa mga dahon at halamanan. sana noon pa.
Could it be any harder. Could it be any harder. could it be any harder to live my life without you?Could it be any harder? I'm all alone, I'm all alone.
wala nang sasakit pa na sa tuwing pagmamasdan mo ang kalangitan, banaag mo ang kaulapang nagpupumiglas para sa isang ulan. hindi umabot, kinulang. wala nang sasakit pa na sa tuwing pagmamasdan mo ang tangkay ay unti unti 'tong nauupos sa kawalan. sobrang sakit.
Like sand on my feet. The smell of sweet perfume. You stick to me forever baby. I wish you didn't go, I wish you didn't go,I wish you didn't go away to touch you again, with life in your hands. It couldn't be any harder.. harder.. harder.
sa ngayon tanging ang mga alaala na lang ng panahon ang magsisilbing ugnayan nyo pareho. tanging ang mga ulap lang ang makakapagsabi kung nasaan sya. tanging ang mga ibon lang ang makakapagsabing kung gano sya kalaya. tanging ang buhos ng ulan ang makakapagsabi kung tahimik na sya. at tanging ang samyo na lang ng hanging ang makapagwawaring kung okey na sya. salamat pero ganun talaga.

Martes, Mayo 15, 2012
snapshot 002: chasing pavement along Meralco Ave. Ortigas
Lunes, Mayo 14, 2012
snapshot 001: waiting
this ruined my monday morning. antagal tagal kong naghintay ng masasakyang fx. halos kalahating oras na yon. alas sais ang pasok ko. ilang minuto na lang time in ko na. asar.
|
Labels:
daily photography,
snapshot 01
Linggo, Mayo 13, 2012
nang minsan pa'y umulan ng malakas sa gabi ng mother's day
kasalukuyang umuulan ng malakas ngayon. nagising na lang ako sa patak ng ulan sa bubong, malakas.
akala ko kung ano nang kalamidad ang nangyayari, ulan lang pala. mabuti na ri siguro yon mahalumigmig sa gabi ng muling pagtulog ko.
hindi lang kasi ang tunog ng ulan ang gumising sa akin. sa tingin ko maging ang lakas ng garalgal ng kanina pa'y nagugutom na tyan.
mothers day ngayon. ilang ina ba ang kilala ko sa buong buhay ko. marami sila. napadalahan ko na ng text kanina pa ang nanay bago ko ilapat ang aking katawan sa kama.
nagkaroon kasi kami ng nightswimming kagabi sa antipolo, at di ko maikakailang napuyat ako. mabalik tayo, marami nga akong kilalang nanay. si ganito, si ganyan, si ito, si yan...lahat sila nanay na.
hindi bakas sa akin ang sipag para mabati sila ng isa-isa. kundi nanalangin na lang ako sa Itaas nawa'y maging masaya sila sa araw na to at umokey sa lahat ng bagay.
“A human body can bear only 45 del (unit) of pain. But at the time of giving birth , a mother feels up to 57 del of pain. This is similar to 20 bones getting fractured, all at the same time.” -Anon
HAPPY MOTHER'S DAY.
Sabado, Mayo 12, 2012
Psssst... Taxi!
masakit na ang mata ko nun kasi maghapong nakatutok ang mata ko sa computer, sinamahan pa ng overtime. alam ko pasado alas onse na ng gabi ng lisanin ko ang opisina. dumaan muna ako sa bancheto para bumili ng pagkain.
minabuti ko na lang na sumakay ng taxi, bihira na din kasi ang fx ng ganung oras papuntang pasig. buti na lang at wala pang limang minutong paghihintay e nakasakay na agad ako. di kilala ang taxi na nasakyan ko. at swerte kong napakalinis sa loob ng taxi. amoy malinis. amoy mabango. yon ang unang napansin ko nung paglapat pa lang ng pwet ko sa upuan. malinis. comfortable.
madalas kasi akong nakakasay ng mga taxi kung hindi sadyang mabahao e nag-aagaw ang baho at bango mula sa air refreshener. nakakahilo yong ganun.
nagsalita ako, ang linis linis naman ng taxi mo kuya. sa inyo po ba ito? napangiti sya at nagkwentong namamasada lang daw sya ngunit kung ituring nya ang taxi na yon e parang kanya, in terms of pag-aalaga. ganun ang concern nya sa sasakyang bumubuhay sa pamilya nya. at nagkwento pa si manong na hindi lang daw ako ang unang nakapuna sa taxi na pinapasada nya. madami pa.
nakwento pa nyang nagkaroon daw sya ng pasaherong nagmamaktol at nagsusumbong sa kanya dahil ang baho ng taxi nasakyan nila buti na lang at nakita si manong at pinara. halos daw masuka suka yong ale at yong anak niya.
naisip ko, kahit pala taxi driver ang trabaho mo na minamata pa ng ilan, pupuwede mo pa rin talagang ibigay ang puso mo sa trabahong yon. yong hindi lang dahil sa kumikita ka kundi dahil sa good steward ka ng serbisyong ipinagkaloob sa yo. humanga tuloy ako kay manong. ramdam mo kasi yong pagmamahal nya sa trabaho nya, na handa syang maglaan ng mas kinakaukulang serbisyo sa customer o pasahero nya.
para sa taxi na PAUL MARVIN PANGANIBAN MPL TAXI ng blk 9 lot 7 Snt Joseph St. Sto Nino Villa Alabang, Muntinlupa. saludo ako sa taxi may plate number TYX995.

PAUL MARVIN PANGANIBAN TAXI,
TAXI ALABANG
Biyernes, Mayo 11, 2012
bringing back the past 101
kung laking 90's ka malamang kilala mo ang boyband na boyzone. oo boyzone na binubuo nila Keith Duffy, Stephen Gately, Mikey Graham, Ronan Keating, at Shane Lynch. kilala ko sila sa kanta nilang no matter what at everyday i love you. nung elementary days ko kasi uso pa nun ang songhits at song mag. sila ang madalas na laman ng mga to. kaya sino pa ba ang hindi makakaalam sa kanilang kanta lalo pa't sikat na rin ang kanta nila sa mga estasyon ng radyo.
grade 5 ako nun ng una kong marinig ang kantang no matter what. kasal kasi ng tita ko at yun ang madalas na pinapatugtog ng kalbong dj. okey naman. cool.
lately, nagre-reminisce ako ng buhay nobenta ko. kaya dinadownload ko lahat ng mga kantang pamilyar sa akin nung kabataan ko. at ito nga, isa sa mga naabutan kong boyband ay ang boyzone.
kahit di ko pa nun alam kung anong ibig sabihin ng mga liriko ng kantang to. basta ang alam ko kinakanta ko to nung bata ako.
Lunes, Mayo 7, 2012
monday gloomy.
supermoon daw kagabi. kaya pala lunatic ako. joke. umulan naman kasi so malabo ang chance na makita ko yang supermoon na yan by any chance.
nagkulong lang naman ako kahapon, actually inayos ko yong mga pics ko sa coron escapades ko. tapos in-upload. di na nga ako nakapaglaba, pina-laundry ko na lang yong ibang damit ko sa suki kong laundry shop. makulimlim so malabo ding matuyo. iniisip ko kahapon kung anong magiging luto nung dala kong lobster mula sa palawan. kung gagataan ko ba or steam na lang. ayun, hangang sa ngayon nasa ref pa rin, wala pa ring desisyon kung anong magiging luto. good luck.
lunes ngayon, maaga akong gumising kasi maaga din ang pasok ko. dapat by 6 o'clock nasa office na ako. pag ganitong monday konti lang ang transactions namin, sunday kasi sa new york so konti lang yong nagpapadala. so what i do nakikinig na lang ako sa monster radio.
as of now, makulimlim pa rin ang kalangitan. ang aga namang natapos ang summer 2012. ang gloomy ng sky. sana maya-maya lang sumikat na si haring araw. sana. :)

Sabado, Mayo 5, 2012
my coron adventure part 1
halos limang araw din akong nawala sa kabihasnan. pumunta ako ng coron palawan. wala lang, naglustay lang ako ng pera...joke. seriously ang ganda ganda ng lugar. taga dun kasi nanay ko, bale mother's side taga palawan sila. so wala na akong problema sa lodging ko, actually libre din yong pagsundo sa akin mula sa airport. sinundo ako ng tito ko gamit ang motor.pakingshet ang ganda ng lugar, tanaw na tanaw ko ang bundok sa kaliwa tapos sa kanan naman isang napakalaking stretch ng seashore.
sa busuanga ang tungo ko, doon ako tutuloy. nasa isang oras din naming binaybay ang daan. masakit sa pwet pero okey lang kasi enjoy na enjoy ko ang view.
bundok sa kanan, dagat sa kaliwa. ganun ang scene, parang sa pelikula lang.
nakarating kami ng brgy bintuan halos mag-aalas sais na ng gabi. good thing may kuryente ang baranggay kahit liblib sila. tiningnan ko ang gps ng phone ko, takte halos 60 miles din pala ang biniyahe namin mula sa airport. anlayoooo.
agad akong sinalubong ng mga pinsan ko. pagkatapos magkamustahan at magkabigayan ng salubong, ayun picture taking na. sayang di ko dala yong tripod ko.
pagkatapos ng picture taking sa tapat ng bahay naisipan naming pumunta ng aplaya. doon pinagpatuloy ang picture taking.
after ng kwentuhan, naghanda kami na ng hapunan... at ang sosyal ko lang, umuulan ng seafoods ang ulam. sarap.
after kumain, ugali na ng mga pinoy ang magkwentuhan. so ano pa nga ba? nagkwentuhan kami hangang sa mamatay na ang ilaw. 'nga pala yong kuryente pala ay nagsisindi mula alas sais ng hapon hangang alas diyes ng gabi. okey na rin.
(to be continued)
Labels:
bintuan palawan,
coron palawan,
coron trip
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)