Miyerkules, Pebrero 13, 2008

sulat-tamad...

Matagal-tagal na rin akong nakatitig sa monitor ko…walang kakurap-kurap ang mga mata….malalim ang iniisip…nasa ibabaw ng keyboard ang mga daliri…nakahandang tumipa sa sandaling makaisip kung ano ang maisusulat! Alam n’yo kase, kanina ko pa gustong magsulat pero hindi ko magawa dahil litong-lito ang isipan ko. Ewan ko ba, iilan pa nga lang article ang naisusulat ko pero hindi ko na agad alam kung ano pang kasunod na isusulat ko!

Makakaisip ako ng topic, magta-type ng ilang sentences tapos titigil na at wala nang maisunod….ganun ng ganun! Maiinis sa sarili, tititig sa monitor at babasahin ang ilang sentences na naisulat…iiling…maniningkit ang mga mata at mangangatal ang baba…gusto kong basagin ang keyboard at monitor ko! Ano ba ‘tong mga pinagta-type ko….erase….erase….erase!Ganito ba talaga ang pagsusulat? Kung minsan ang dami-daming idea ang sabay-sabay na pumapasok sa isipan ko…habang nagtatrabaho ako…habang nasa kubeta ako….habang kumakain ako…..iba-ibang topic na pwedeng isulat ang unti-unting pumupuno sa ulo ko. Pag medyo nararamdaman kong parang aawas na sa butas ng ilong at dalawang tenga ko, porma agad ako sa harap ng PC at buong-giting na magsisimulang tumipa ng mga letra sa keyboard…..tak tak takatak tak takatak tak……tapos ‘yun na! Inatake na ako ng pagkalito….esep-esep…alin ba ang uunahin kong isulat? Bakit naman kase sabay-sabay kung pumasok sa isipan ko ang mga idea tapos pag sinusulat ko na tila nahihiya namang magsilabas!Ewan ko ba naman kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin minsan at naisipan kong magsulat.

Hayun, may ilang nakisakay sa kalokohan ko, binola-bola ako at siyempre nagpabola naman ako. Alam nyo naman ang nature ng tao, they are willing to believe everything you say as long as it is a compliment. Ayan tuloy, parang laging may tinig akong naririnig na nagsasabing, “hoy, nasaan na ang article mo. Nilalangaw na ang last submission mo. At pwede ba, magsubmit ka naman ng article na may sense.”Aba, at naghanap pa ng may sense! Eto nga’t kahit ‘yung walang kasense-sense eh hirap na hirap akong makabuo ‘yun pa kaya! Hay naku, bahala na! Basta magsa-submit ako….kung langawin eh di langawin anong magagawa ko…tutal sanay naman ako sa ganun!. Anyways, next time na lang ako magsa-submit ng article na may kwenta…kung makakasulat pa ako. Kung hindi na, siguro last na ito...kung makakatiis ako!

Walang komento: