Linggo, Abril 27, 2008

ako, at ang kape.

Maaga akong umalis ng pad ko ngayon, nakatulog naman ako ng maayos eh atsaka linggo kasi ngayon baka madaming gumigimik yun pa ang magcause ng traffic. Pero nung dumating na ako sa Ortigas Centre. Himala! ang linis ng kalsada walang masyadong humaharurot na sasakyan.

Bale dalawa yung gate entry na aming building, sarado yung nasa bandang harapan. Doon pa naman ako dumaan, since sarado napilitan akong dumaan sa tabi ng building namin--parking lot! tapos 'saka ako tumungo sa likuran, may guard pero tulog. Pumasok ako dala ang isang boteng C2 lemon.

Kinuha ko ang tumbler ko at kumuha ng isang sachet ng nescafe coffee.

Habang lumalagok ako ng kape, binisita ko muna ang aking blogsite. May nagcomment, si bossing. Alas nuebe pa lang so meron pa akong natitirang oras para mag-blog. Nag-iisip ako kung ano kaya pwede ko maipost ngayon, then i come up with it. Habang nagbbrowse ako, nagtext yong frend ko noong college, nangangamusta, muntikan ko nang maibuga yong kape na nasa bibig ko...linsyak! ngayon lang nagtext 'kala ko patay na ang gago! So nagkamustahan kami over the text. blah-blah-blah blah-blah. Hangang sa sinabi nyang matutulog na daw sya. Tapos!

Paubos na yong kape ko, ok lang meron pa naman akong extra dyan. Ang sarap mag-isip habang nagkakape, naalala ko tuloy yong pinag-aralan namin nung college pa ako tungkol sa kape. Marami daw itong benefits sa katawan ng tao, pwede nating maiwasan ang diabetes, parkinson's disease, at colon cancer. Mood uplifter din daw ito kaya 'pag feeling mo eh stressed kana try mo mag-kape. May taglay kasi itong antioxidants na tumutulog para puksain ang pathogens na maaaring magcause ng sakit sa katawan ng tao. Ang sabi pa ng titser ko nadiscover daw ang kape sa Ethiopia noong 9th century. Sa ngayon malaking tulong ng kape sa akin, pag inaantok ako umiinom lang ako ng isang tasang kape para makaiwas sa antok.

Mahilig din ako sa kape, noong nasa college pa lang ako sa mga coffee shops kami minsan makikita. Ansarap kasi magkwentuhan doon kasama ng ilang lagok ng kape. Sa ilang bansa yong tae, yes t.a.e. as in total ass emission o animal dung ang ginagawang kape, kwento sa akin ng isang kaibigan sa U.P.

Next time na lang ako ulit magkukwento. Pagod na mata ko. May ilang entries naman na akong nagawa, ready to post na lang mga yun. Sa uulitin. (huling lagok ng kape)

Walang komento: