Sabado, Abril 26, 2008

hapi bertdey ma'am loidz!



Bertdey mo ngayon ma’am loids (loids kasi ang pangalan nya sa akin). Ansabi mo 35 years old ka na, pero hindi naman halata sa hitsura ah (hihirit pa sana pero wag na lang). wala akong nakitang medyo maayos-ayos mong picture eh, kaya naghanap ako sa mga lumang files ng pc, buti na lang at may nakita ako. Ok na yan, mukha mo lang naman ang makikita sa blog ko hindi naman katawan mo. (awtch!)



Anyway, tumaas na ranko mo ngayon ah, kumbaga sa school eh ‘teachers pet’ ka na! pero ikaw yong pet na nangangagat ng amo-minsan. Hehe.
Noong una kita nakita, akala ko masungit ka aba’y totoo pala pero mabait ka alam mo ba yon? Nakikita ko talaga sa iyo yong total dedication sa work mo, astig! Salamat sa pagtrain sa akin.

Hmm.. napapaisip tuloy ako kung ilang bertdey mo pa kaya ang maabutan ko dito sa new york bay phil. Baka isang dekada pa kaya? (hmm..that will be remain to be seen). Isa ka lang naman sa mga trainors ng new york bay ang nagtiis sa akin, pilyo man akong bata pero nakikijam ka pa rin sa kabulastugan ko.(feeling mo kasi belong ka sa age group namin?) Marami akong natutunan sa yo,kala mo ba? (seryoso, kahit ilang beses ko na tong nabanggit ditto sa blog ko…salamat ha)

Basta lagi ka lang confident at cool. At lagi mo pakakaisipin na maganda ka sa panloob na katangian. (wag na kasing humirit pa na maganda ka inside and out, sabi ko sa’yo inside lang eh, makuntento ka na)

Happy bertdey ulit MA’AM LOIDA!!!!

2 komento:

arot ayon kay ...

syet may attachment ka pala ka maam loida... magagalit yun pag nakita nyang naka paskil litrato nya dito hahaha patay kang bata ka.

pensucks ayon kay ...

wag lang maingay na nagpost ako ng entry tungkol sa kanya. hehe