Miyerkules, Abril 30, 2008

blog update

Late ko na naupdate blog ko, busy kasi masyado. Ayos din yong energy drink na iniinom ko, talagang nalalabanan ang antok. At parang full of energy talaga na mala gokou na pinaghalong sailormoon ang effect...Stays longer over the night, yebah!



Wala pala ako pasok mamaya, adjusted na yong holiday namin. Labor Day na kasi, wala ako balak gawin boung araw mamaya, matutulog lang siguro at magbabasa ng libro. Meron pa naman akong librong 'di pa nababasa 'yong...“Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako" ni Eros Atalia. Astig din kasi yong librong yun, sabi ng ilan sya daw si Bob Ong na may lalim.Pero mas gusto ko pa rin si Bob Ong. Iba kasi yong impact ng kanyang 'thoughts' sa akin, kumbaga sa alak, may tama.



Speaking of alak, matagal-tagal na rin akong di na nakakatikim ng liquor (naks sosyalan kunwari 'to), ang huling lagok ko lang ay dalawang buwan na ang nakararaan,dalawang boteng red horse, dalawang pulutan pero mag-isa ko lang. (sad noh?!?)





Malamang maglilinis na lang ako ng pad namin mamaya( general cleaning 'to men). Gagalawin ko din siguro yong laundry na tatlong araw nang tambak, maglilinis nang C.R. ah share ko lang ang colloquial term pala ng c.r ay john. Pero dapat mga kalalakihan lamang ang gumamit nito, ansagwa kasi pag mga gals di ba?


Tapos matutulog ako pagkatapos-malamang.

Walang komento: