Matagal-tagal din akong nawala sa sirkulasyon ng blogosperyo.Umuwi kasi ako ng probinsya namin, nagbaksyon sa loob ng talong araw at kalahati.
Namiss ko ang lugar namin, yong greenfields at samyo ng hangin na nagmumula sa kapalayan. Haayyy...
Oo, medyo ruralite yong lugar namin pero di naman ganun ka kalayo sa kabayanan, kumbaga barangay sya. sibilisado naman ang mga tao doon, naabot ng kuryente, maging internet.
Unang puntirya ko doon, ang kumain ng bagong aning gulay, yong manamis-namis na gulay. Sarap. Tapos yong kumain ng kakanin, at mamasyal sa paborito kong pasyalan... sa isang hill na tinatawag naming mines view kasi tanaw mo ang kabuoan ng boung barangay. Maganda doon pag gabi lalo na pag maraming bituin at litaw ang buwan, sarap mag senti.
Kumain din ako ng mga prutas tulad ng atis, suha, rambutan at guyabano.
Sayang nga lang kasi wala akong dalang kamera para kunan ang mga magagandang senaryo. Sayang.
Namasyal din ako sa mga kaibigang matagal nang hindi nagkita-kita. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan, sayang kasi walang inuman, wala akong dalang pera noon namasyal ako, isang bisikleta lang kasi ang dala ko.Hindi ko akalain na aabot na gusto namin parehong uminom kasabay ng mga inihaw na tilapya mula sa farn ng aking kaibigan.
Medyo nalungkot ako noon pauwi na ako, pero ganoon talaga ang buhay, kelangan kumilos para mabuhay.
Namiss ko din ang mga pinsan ko, oo nga pala may frat pala kaming magpipinsan. Tinawag namin itong prating gutom. Dati bukas-kaldero gang, ngayon dahil sa nagmahal na ang bigas ay prating gutom na lang daw (pero di naman talaga kami gutom palagi, trip lang)... tapos noong nandon pa lang ako, may bagong recruit, 3 years old namin pinsan, ang initiation ay humuli ng tutubi a.k.a butterfly este dragonfly, tapos pag nakahuli kukunin namin at ipapakagat sa nipple nyang hilaw pa. hahaha...
Kinalabasan? Ayun umiyak at nagsumbong! hindi makaangal tatay nya kasi ganun din ginawa sa amin noong bata pa kami, kumbaga by generation lang naman.
Medyo marami kasi kaming magpipinsan kaya iba din kami magtrip, hehe. Astig no?
O sya... next time na lang ulit ako magkukuwento ng medyo marami-rami.
8 komento:
nainggit ako sa iyo, mar. gusto kong gawin lahat ng mga ginawa mo nung umuwi ka.
kawawa naman yung pinsan ninyo. pinapaiyak! nakakarelate ako! nyahahahaha! parati rin ako pinapaiyak ako ng mga pinsan kong mga member naman ng sira ulo gang. pero ngayon, sila na umiiyak sakin. bwahahaha! tataas lang kilay ko, gets na nila.
enjoy mo yung sariwang hangin at sariwang pagkain, ha?
ayos! buti ka pa nakauwi. samanatalang ako sa bilibid tumambay. hehehe...
saya tlga kapag kasama ang mga pinsang makukulit..hehehe
pasalubong naming gulay, asan?
@utakmunggo, kelan ka ba uuwi ate ng pinas?
@ifoundme, haha.. oo part na rin ata ng kulturang pinoy ang mag paiyak ng mga pinsan,hahaha..
@thedong, oo nga eh after 7 months nakauwi din sa wakas.haha
@rio,di nga ako nakapagdala ng gulay eh, hehe. mabigat kasi.hehe
inya ngay balong? ni, online ka met? guray iturog ko lang biit ta agriingak manen damdama, panagriribyu manen ti parbangon.
apay mano tawem ayan? bakbaketak sa kenyam? lolololololol shyet, wrong grammar pa ata ako. hanak gamin unay nga fluent ti ilokano.
hala sige, ichat kan to damdama ading. ;)
tc :D
waaaw... may isa ding blogger na umuwi kaya nabakante sa blogosphere...
glad to know you're back!!
wow, nakapg bakasyon siya :)
Mag-post ng isang Komento