Hindi ako nakadalo ng PhilippineBlogawards2008 na ginanap dyan lang sa mall of asia. Di ko na rin kasi kinaya yong antok at puyat. Ayoko namang magmukha akong zombie sa ibang bloggers.
Para saan nga ba yon? Bakit kelangang dumalo? Andun ba si batman? Namumudmod ba doon ng blog license para lang makapagblog? may kainan ba doon?
Bilang isang blogger, at nagsisimula pa lamang sa industriyang ito (naks parang showbis) nakikinita ko na karapatan nang bawat isa na maging literado sa computer kahit basic man lang, at bilang literado prebilihiyo mong mag-blog, gumawa ng email, mag-friendster, mag-youtube o anupaman na may kinalan sa computer, dahil parte iyon.
Sa bansang tulad ng Pilipinas, ayun sa istatistika halos 55 percent lang ng mga pinoy ang may alam sa computer, di pa kasama dyan ang mga alien,maligno, multong kabayo, multong bakla kompara sa Western Countries na karamihan sa kanila ay may alam sa computer.( disclaimer: hindi ko alam kung updated yong article na nabasa ko, minsan kasi hilig ko din magbasa ng back issues.lol)
Noong elematary pa lang ako, mahilig magbasa nanay ko noon ng pocketbook,love stories na komiks, tabloid, at maging dyaryo na pinambalot sa tinapa, daing o tuyo.Kaya maaga akong naexpose sa kahalayan este sa pagbabasa, nangolekta na rin ako ng mga sinaunang readers digest,national geography, at ilang magazines. Pero noong nagkaroon ako ng project noong highschool ako; lost na, masaya ko na lang silang nakikita nakadikit sa isang malaking cartolina na punumpuno ng glitters at glue.
Kaya mula noon, nahilig na rin ako sa pagbabasa ng libro o kahit anong pwedeng basahin pati love letter ng kapatid ko.
At mula din noon, nahilig din ako sa pagsusulat, tinalikuran ko noon ang nagsisimula pa lang na interes sa pagpipinta.
Kaya heto ako ngayon, nagba-blog. Nagsususulat at nagbabasa.
3 komento:
ayan. nagababasa ka rin pala nga mga kahalayan, este, pahayagan na pinambabalot ng tinapa. ako paumpisa-umpisa lang dati sa funny komiks, ayaw kong basahin yung txtbook sa iskul kasi walang drawing at black and white pa. importante talaga ang pagbabasa kaya siguro nabuo yung tinatawag nila na mga reading center sa mga eskwelahan.
maligayang pagbabasa. :-D
hindi ka rin pala nakapunta. meron video ah...manood ka na lang baka maispatan mo ba si super inggo sa video. harhar
share mo nga ang laman ng love letter ng kapatid mo, mar. hehehe
:D
sarap maging blogger talaga. eto lang rin kaligayahan ko, bukod sa pagkain. hehe ito'y para sa ating mahilig magsulat at magbasa at makichismis sa buhay ng iba.
atleast natuto rin tayo habang nagsusulat at nagbabasa ng ibang post ng ibang blogger... mabuhay!
Mag-post ng isang Komento