Day off ko kahapon. Natural naglinis ako ng bahay ko, naglaba, nanood ng dvd at naglaro ng PSP, syemps sulitin ko na ang araw na wala akong pasok.
Sya nga pala, napanood ko yong documentary ni Kara David sa GMA-7 yong biyaheng sikmura, tungkol ito mga yagit na nakikikain sa mga prayer meetings, burol, feeding program o kahit anong tsibugan, wag ka... may schedule ang bawat kainan at kelangan nilang makadalo para lang magkalaman ang kanilang sikmura.
Sa panahon ngayon na naghihirap ang Pilipinas, masisisi ba natin sila?
"habang may sikmurang nagugutom, hindi maiaalis ang feeding program". Sa panahong naghihikahos ang maralita, nasa gobyerno ang may malaking responsibilidad para umunlad ang sambayanang Pilipino, kumilos man o magtrabaho sila kung kulang sila ng oportunidad para makahanap ng ikabubuhay... wala ring silbi.
Ayoko silang ikondena, dahil aware naman ako sa mga nangyayari sa ating bansa, hindi nila kasalanan maging mahirap ang pagkukulang lang nila ay ang tamang diskarte para mabuhay.
Kontento ako sa kung anong meron ako ngayon, nakakakain nang kahit anong gustuhin ko. Maswerte pa rin ako dahil tatlong beses pa rin ako nakakakain sa loob ng isang araw. Minsan sumasakit ang sikmura ko pero di dahil sa gutom dahil sa kabusugan kaya maswerte pa rin ako.
Hirap pa rin ang Pilipinas...
Hirap pa rin ang Pilipino...
Sino nga ba ang masisisi sa lahat nang to?
3 komento:
anak ng...mabuti pa ang mga kambing sa amin, hindi nauubusan ng damo. natanong ko rin yan minsan, sino ba ang dapat sisihin? pero naliwanagan ako sa isang shoutout ng friend ko sa friendster. share ko lang...
"The best years of your life are the ones in which you decide your problems are your own. You do not blame them on your mother, the ecology, or the president. You realize that you control your own destiny.” _Albert Ellis
sisihin ang kawalan ng edukasyon ng mambobotong pilipino, political will ng mga nasa pwesto, at kawalan ng ambisyon ng karamihan sa maralita. nakakainis lang kasi kung sino pa yung walang trabaho eh sila pa yung anak ng anak.
@linapuhan, naks naman... at nainfluence ka ng shoutout ah.hehehe
@utakmunggo, oo nga yong mahihirap pa ang anak nang anak, naghihirap na nga eh.tsk tsk
Mag-post ng isang Komento