Kumusta Kiko?
Dala mo ba ang yong paboritong laruan?
Halika sa bukirin ating pagmasdan
ang tayug ng lipad ng 'yong saranggola pinagpuyatan.
Subalit teka nagpaalam ka ba kay ama,
na tayo'y saglit na mawawala?
Baka muli syang magalit kung hahanapin ka.
Alam mo namang ayoko nang maulit yong minsang pinalo ka.
Ang ganda! Ang ganda ng yong saranggola!
Pinalamutian mo pa ito ng papel de hapon na kulay lila.
Sa tingin ko matayug ang mararating ng saranggola mo
kahit pa sa lakas ng hangin kakayanin nito.
Natutuwa ako sa pagkamalikhain mo.
Ikaw lang ang merong mga makulay na patpat.
Mga burloluy na punumpuno ng angas.
Ikaw nga si joselito, aking kapatid.
Sige! Sige! paliparin mo ang yong saranggola.
Aking pagmamasdan ang pag akyat nito sa kaitasan.
Bigyan mo ng laya ang yong saranggola
sa gitna ng bukiring luntiang kasaga-sagana.
Subalit aking kapatid hindi kita matutulungan
sa pagpapalipad ng yong mumunting laruan.
Akin lang kitang mapagmamasdan
kahit alam kong ika'y nahihirapan.
Lagi mong iisipin sa pagpalipad ng yong laruan
kailangang may tagahawak sa kabilang dulo
upang may magpataas papalayo at saka ka tatakbo.
Di ba ang sarap maranasan?
Sa mga ihip ng hangin akin lang kitang pagmamasdan.
Sa likod ng malawak na kaulapan.
Sa bawat bigwas mo ng pisi ng yong laruan.
Sabi ko nga hindi kita matutulungan.
Pero masayang masaya akong ika'y aking pinagmamasdan.
S'ya nga pala salamat sa sulat kalakip ng yong saranggola.
Ako'y naantig at nagsulat ka pa.
Alam ko naman 'yon...na mahal na mahal mo si Kuya.
Kahit pa hindi na tayo muling magkikita.
Hayaan mo nakarating na sa akin ang sulat mo.
Kahit kulang pa sa taas ang saranggola mo.
Ako'y masaya sa ginagawa mo.
Mahal ka ni Kuya pakatatandaan mo.
sangkap sa SaranggolaBlogAwards2011.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento