ito kasi yun. sakay ako ng fx. iilan lang naman ang pasahero nung time na yun. nasa bandang hulihan ako ng fx, yong pang apatan.
huminto yong fx sa may bandang bagong ilog para isakay ang isang lalaki. hindi lang sya lalaki. isa syang maton na lalaki. at hindi lang sya maton na lalaki. isa syang alpha-male. hombreng hombre. pusturang pustura.
yong fx na sinasakyan ko e may di-itaas na pinto. alam mo yun? hindi ko na pinagbuksan ng pinto yong lalaki kasi alam ko naman kakayanin nya yun, hitsura pa lang nya... kahit ibalibag nya yong pinto gamit ang pinky finger nya walang problema. (okey fine exag!) tahimik lang akong nakatanaw sa bintana, pinagmamasdan yong babaeng nangungulangot sa tabi ng poste.
siguro nasa 20 seconds na yun hindi pa rin sumasakay yong lalaki. may inaayos sa hawakan ng pinto ng fx. bahagyang nakabukas na yong fx, itataas na lang talaga. sinubukan kong itaas yong pinto kasi ang alam ko baka naman naghihintay lang ng magic yong lalaki para bumakas ng tuluyan. kaso bigla syang napa-araaaaaaaaay... hindi lang simpleng aray kundi may pinaghuhugutang aray, tumingin ako... yun pala yong daliri nya hindi nya mahugot hugot.
ewan ko ba. sa dinami dami ng dadapuan ng malas e yong daliri pa nyang naipit sa pintuan ng fx. hindi ko pwede itaaas ang pinto dahil susunod yong kamay nya paitaas din. at baka masipa ang aking mukha nang wala sa oras.
pinabayaan ko lang sandali baka naman kako nagdadrama lang at umaagaw pansin. sandali lang naman yun mga... 2 minutes. nung nainip na ako bigla akong lumingon, kasama na nya yong driver na humuhugot sa daliri nya. "araaaaaay ko masakit"
so nacurious na akong tuluyan. hindi lang sya simpeng ipit kako. tinignan ko yong lalaki. namumula na ang mukha di ko alam kung dahil ba sa sakit o dahil sa kahihiyan, biruin mo nga naman nasa gitna ng kalsada yong fx habang dalawang lalaki ang naghuhugutan ng daliri. butil butil na rin ang pawis sa mukha nung lalaki lalo na yong driver. ibig sabihin, nahihirapan na sila pareho.
kung tatantyahin mo yong pinakamalapit na hospital siguro mga nasa 300 daang kilometro. okey lang, malapit lang kung tutuusin pero yong posisyon ng lalaki habang isusugod sa hospital habang nakaipit ang daliri sa pintuan ng fx ang hindi ko maimagine. at kung gaano kabilis ang magiging takbo ng fx habang nakasunod ang lalaki sa hulihan ng fx.
can not be. can not be. dapat masulusyunan na ang problema doon pa lang bago isugod sa ospital. nakakahiya naman kung pati ang fx kasama sa emergency room di ba?
"araaaay masakiiiiit" sigaw nung lalaki.
this time ginamitan na ng pliers. yong long nose. adik lang si kuya driver kung bakit yun ang naisipan nyang first aid tool. walang epekto. kumuha ng basahan saka baby oil. wala pa rin epekto hindi malaman kung anong posisyon dapat ang pagpatak ng langis. wala pa ring epekto.
3 minuto na kaming nasa gitna ng daan. nagsisitinginan na rin yong ibang pasahero ng jeep, traysikel, fx at maging ang truck ng basura ng pasig. feeling ko ginigisa kami ng tukso ng mga panahong yun, kung paano kami bigyan ng kritisismo.
kumuha na ng malinis na basahan si manong driver. yong potholder alam mo yun? binigay sa lalaki atsaka sinabing... "subo mo, kagatin mo... tiisin mo ang sakit". saka biglang hinugot yong daliri. walang anu ano nahugot ang daliri. walang masyadong casualty maliban sa nangingitim na kuko. solb.
pumasok sa loob yong lalaki. kaharap ko sa upuan. umandar na yong fx. wala na ring ususyusero. pero yong lalaki... higop lang ng higop...alam mo yong may iniidang sakit? ganun. at dito papasok ang kasamaan ko. natatawa akong ewan. hindi mapakali at namumuo yong ngiti sa aking labi. sheyt.
hindi ko lang kasi maimagine kung panu namin isugod sa ospital yong lalaki saka-sakali. hinihila? ganun?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento