Lunes, Oktubre 31, 2011

tamad. alay. uwi.

plano kong umuwi sa probinsya namin kanina, nakaimpake na ako actually dala dala ko nga kanina sa ofis. lahat ng gagamitin ko sa loob ng tatlong araw na bakasyon e nandun na. ang kaso tinamad akong bumiyahe. ganun ako pag biglang tinamad. pag sinumpong yong saltik ko sa ulo.

umuwi na lang ako ng apartment para matulog which in fact pwede ko naman gawin habang nasa bus ako. mas masarap matulog sa malambot na kama ang tanging excuse ko na lang. nakatulog naman ako ng maayos kahit papanu.

***
sa amin sa tuwing sasapit yong ganitong klase ng okasyon hindi mawawala sa aming magpipinsan ang magtakutan. maguumpukan kami saka magkukuwnetuhan ng mga kakatakutan. kawawa yong mga mas bata kasi sila yong name-mental torture sa aming mga kwento. sila kasi yong mas madalas ma-bully. sila yong mas madalas na biktima. sila yong madalas gawing example na kesyo kakainin sila ng aswang, lalapitan ng multo, kakausapin ng tikbalang etc etc.

hindi uso sa amin yong trick or treat. uso sa amin yong maglaro ng taguan sa dilim. much anticipated kung bilog na bilog ang buwan. madalas maging taya yong bunso kong kapatid. madalas din syang umayaw pag sya na yong taya. reset ang game, sasali ulit sya. pag sya naman maging taya aayaw na sya. ganun lagi. ang gulang.

pagkatapos naming maglaro saka kami pupunta sa kusina ng aming lola. mga ganung oras din kasi sya nagluluto ng kakanin para kinabukasan. alam mo yong biko ng may latik? ganun lagi. tapos suman o kaya e tupig. buong buo pa sa aking alaala ang ganung senaryo sa tuwing sasapit ang undas.

may tinatawag kaming atang. ito yong alay mo sa mga namayapang mahal sa buhay. atang ang tawag naming mga ilokano. ang atang parating may kalahating biniyak na itlog, kakanin, sigarilyo kung chain smoker yong patay, nganga, tubig at nilagang manok. bawal na bawal sa amin ang tikman o galawin ang atang, otherwise mamamaga ang bibig mo or dadalawin ka sa panaginip nung pinag-alayan.

haaay.. bukas sure na sure na talagang uuwi na ako. ayokong dalawin ako ng aking lola. creepy lang.

Walang komento: