anong meron? ummm... wala naman, aside from busy schedule e nagsisimula na rin akong magkainteres sa pag-eexercise, yes healthy living. Ive been to several diets before pero so far wala pa namang epektibo para sa akin. nag-veggie diet ako, low carbs diet, fruit at pati ang no eat diet pero wala, hindi epektibo...lagi lang akong nagugutom. at pag gutom na gutom naman na ako saka ako makakakain ng ubod dami. kulang ako ng kontrol sa sarili.
kaya eto nage-exercise na ako. yong tamang push up lang at jogging tuwing day off, pansin ko at karamihan ng aking kaibigan e lumalaki na kasi yong tyan ko. so to make them happy e papaliitin ko na lang. ganun.
pero pota hindi pala ganun kasimple. dati rati kasi pagdating ko ng bahay agad agad akong magbubukas ng pc para mag internet at magpakabusy sa cyberlife ko pero recently lang since nageexercise na ako pagdating ng bahay e maaga akong nakakatulog dahil sa pagod, i dont know if its good or what. kaya madalang na lang akong magupdate sa facebook ko.
today, its sunday. fay off ko. mamaya maglalaba ako tapos magdya-jogging. isa lang naman ang pinagdadasal ko tuwing linggo e...
sana lumiit na tyan ko! sana lumiit na ang tyan ko. oo yun talaga ang mantra.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento