Martes, Nobyembre 15, 2011

dapat mayaman na ako

kung ako yayaman. gusto ko una kong bibilhin ay bahay. sa tingin ko yon kasi yong napaka-resonabling dahilan na naiiisip kong dapat unang magkaroon ako, di dahil sa gusto ko lang pero dahil sa kelangan ko. isipin mo katawan ko ang puhunan ko, sarili ko, at dahil dyan kelangan kong suklian yong puhunan kong yon. bigyan ko ng tamang ambiance yong conducive at maigi sa katawan.

pangalawa kong bibilhin, kotse. pero bago pa man ako magkaroon dapat marunong na akong magdrive. ayoko magkaroon ng driver. tamang yaman lang. atsaka dapat yong kotse ko eh may gps. hindi ako marunong sa pasikot sikot na daan dito sa metro manila. atsaka ang cool lang.

pangatlo kong bibilhin lupa. bibili ako ng lupa sa amin, sa probinsya. tapos gusto ko may farm ako. para just in case kelangan kong umuwi sa amin, may paglilibangan ako. ayos yun di ba?

may plano ako in 5 years time, dapat mayaman na ako.

Walang komento: