Sabado, Nobyembre 26, 2011

thanksgiving

mag-aapat na taon na ako dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. magbebente ako nung pumasok ako nun. so isipin mo na lang kung ganu ka-tender at so-fresh and young ako nung pumasok ako. haha. ambata ko pa nun.

wala akong muwang sa mundong pinasukan ko. nagtatrabaho ako sa isang worldwide money transfer. dati wala ako kaalam-alam sa mga forex na yan, sa currency ng bawat bansa, sa rate nito, ni ganyan.

natuto lang ako syempre dahil sa tranining na napagdaanan ko. at andami kong natutunan, syempre. madami din akong na-absorb di lang sa mga dapat kong matutunan dito sa opisina kundi maging pampersonal na aspeto din.

madami akong naranasan dito na nagbigay sa akin ng tibay ng loob at marating ang mga dapat kong matutunan.

at dahil thanksgiving kahapon sa US. ayun nagpapasalamat lang ako.

happy thanksgiving!

Walang komento: