Lunes, Enero 2, 2012

2011

2012 na! ano kaya ang magiging kapalaran ko this year? maswerte kaya? sana... pero bago pa man ako mag-isip isip ng kung anu-ano para sa 2012 ko, isa-isahin muna natin kung ano ang mga nangyari sa akin noong 2011.

sss id.
sa wakas nakuha ko rin ang sss id ko. last 2010 ko pa to pinagawa at ngayong taon ko lang to nakuha. infairness to good heavens, worth it naman ang paghihintay kasi normal naman ako sa picture na kadalasan sa mga valid pictures e kung hindi baliko ang nguso e ngising-aso ang ilan. UMID na sya. pwede nang gamitin sa pag-ibig, philhealth at gsis. cool di ba!

dslr camera.
nabili ko rin sa wakas yong pinapangarap kong camera nung 2009 pa. its a canon folks. nabili ko to dahil sa midyear bonus ko. 2011 din ako nagsimulang magphotowalk nang mag-isa. kung saan saan ako nakakapunta. ang kaso mo, tinatamad na akong i-edit sa lightroom yong mga kuha kong pictures.

business venture.
nagventure ako sa isang business. gusto ko kasing kumita. makabili ng bahay at kotse. kating kati na akong yumaman, kaya naisipan ko na ring magbusiness, isa pa di rin naman ako yayaman sa pagiging empleyado lang. kung anong business to? secret. :))

career.
infairness, nahirapan akong mamili noon kung mag-i-stay ako sa pagiging sup or maging fraud analyst para sa bagong department. it was a nerve-wrecking decision. ang hirap hirap magdecide. pero so far, ayun... sup pa rin ako. saka na yang fa na yan.

dawnshift.
ito yong shift ko na hawak ko ngayon. from 07:30am to 04:30pm ang shift namin. we take calls and processing. i am in a remittance company nga pala. so medyo ngaragan lalo na pag peak season tulad ng christmas, o yong season na kelangan ng pera ng mga pamilya ng ofw. mas lalo kong napagtibay yong samahan namin. we have been strong in the past pero lagi ko silang pinaalalahanan na we should keep that burning desire para mas lalo kaming maging strong.

acquaintance.
madami din pala akong nakilalang bagong kaibigan this year thru chatroom, thru common friend, blogs, at ilang social community pa. okey naman sila. :)

family.
madami kaming utang. pero 2011 nang maumpisahan kong bayaran paunti-onti, yun na rin siguro yong kaya kong itulong para sa magulang ko. and guess what this 2012 kayang kaya ko nang mabayaran lahat. sana mag lalong maging close pa yong family ko, although kahit malayo kami sa isat-isa. nasa province sila kasi ngayon. ako andito sa manila para magkayod-kabayo. hahaha.

self.
kahit kinukulang ako sa tulog binibigyan ko pa rin ng time ang sarili ko para makapagrelax. minsan nagpapamasahe, minsan namamasyal, minsan kumakain ng kung anu-ano, nagbabasa ng libro, nagpapahinga, namamasyal sa parke at natutulog sa ilalim ng puno at kung anu-ano pa na hindi nagbibigay ng pagod sa katawan. mas lalo ko ding pinagtibay yong tiwala sa sarili. ayoko nang madepress. ayoko nang malungkot.nakokontrol ko na rin yong bugso ng emosyon ko, yong galit. malakas ang kumpyansa ko sa sarili ko na magagampanan ko yong role ko sa buhay, ang maging mabuting tao para sa lahat.

Walang komento: