two weeks na akong nagbabawas ng timbang. 122lbs ang weight ko, though normal naman para sa aking BMI pero nalalakihan ako sa tyan ko.
so more more cardio ako this last few days. tapos sit ups at push ups. masakit sya sa katawan, hindi biro yong 30mins na exercise na yan para lang
maging lean ang body ko. tapos nagbawas na din ako ng kanin. dati nakaka 2 cups of rice ako, ngayon one cup na lang sa lunch. tapos sa gabi oatmeal or fried egg ang veggies na lang.
part din ng diet ko ngayon yong brownrice at lean foods. more protein ang kelangan para maging lean, so far nagkakashape naman ang braso ko at nagiging firm yong maskels. medyo lumiit na din ng onti ang aking belly.
ibang klase ng lifestyle ang pinagkakaabalahan ko ngayon, dati kasi mas malaki yong oras na nagugugol ko sa harap ng pc sabay ng isang pakete ng chippy at coke zero. ngayon hindi na, exercise na tapos eating healthy foods kuno. saka magastos ang magdiet.
but so far nakikita ko naman yong result, nagkasya na yong mga pantalon kong dati'y di ko masuot. ang sarap ng feeling ng ganung achievement, achieve na achieve!
sa ngayon ang problema ko is yong pagpupuyat, di ko maiwasan. alas dose or ala una na ng madaling araw ako nakakatulog sabay gising ng alas sais y medya ng umaga. doon ako nagkukulang. kelangan kong i-adjust yong sleeping habit ko. crap!
balak ko din palang bumili ng whey protein kaso di pa kaya ng budget ko, may kamahalan sa isang aliping sagigilid na tulad ko. tiis tiis muna sa gatas at itlog kaso dapat moderate lang para di mataas ang calorie content.
last saturday 122lbs ang weight ko, goodluck sa akin this coming saturday. sana may mabawas kahit pano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento