Linggo, Agosto 10, 2008

life of a young pen...

May mga pagkakataong wala akong maisulat dito sa blog kong to. Blanko. Ito ang kahinaan ng isang amateur blogger,maraming bumabagabag at gumugulo. Hindi alam kong saan magsisimula, ano ang sisimulan at dapat bang tapusin ang nasimulan.

Its better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life...--patentero rule #1

Pero kelangan ko pa ring subuking gawin ang gusto ko. Mag-isip ng panibagong ideya at panibagong pakulo, parang variety show. Hindi aalintanain ang mga anik-anik na bumabagabag, tuloy-tuloy lang habang gumagana ang karne na laman ng aking bungo kasi kelangan naman talagang ganun yun.

“You must ignore what people call you and just trust who you are”
-Shrek

Minsan naman maraming ideya sa isipan. Loaded. Sa pagsusulat, kelangan mo silang isulat, kelangang ilista, kelangang ihayag bago pa man mawala ito na parang bula. Parang yong lumubong sipon dahil napatawa ka bigla. Kusang lulubo at kusa ding puputok.

"The only graceful way to accept an insult is to ignore it; if you can’t ignore it, top it. If you can’t top it, laugh at it. If you can’t laugh at it, it’s probably deserved" -baklitang pamenta

Ang sabi ng titser ko noon sa literature na pag marami daw iniisip o iniisip ang iniisip eh matalinong tao. Nagkunwari akong nag-iisip upang isipin yong sinabi nya tungkol sa pag-iisip ng mga umiisip sa mga iniisip para kunyari matalino ako sa harapan nya.

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”-Machiavelli ‘The Prince’

Metacognition. Thinking about thinking and or learning about learning. Lalim no? Pero magkaiba yong critical thinking sa metathinking. Di ko na kelangan pang i-explain pa pagkakaiba kasi sabi ko nga nagkukunwari lang naman akong matalino.Hakhak



Yan ang mga neurotransmiter o mga kemikal na nagmomodulate ng signals sa mga cells para gumana ang iyong mga karne sa katawan kabilang na ang karneng pinoprotektahan ng iyong bungo kasama na ang iyong makapal na balakubak sa iyong anit sa ulo. Isang napakahalang kemikal o enzymes na may kinalaman sa mekanismo ng tao.

Isa sa mga halimbawa kumbakit tayo nagagalit o nalulungkot o kahit anong feeling na may kinalaman sa emosyon ng tao ay ang serotonin. Samantalang ang norepinephrine naman ay may kinalaman sa libido o wakefulness na tao. Haay. Ayoko na, dinudugo na ilong ko...it is also known as epistaxis by which na thin blood vessel ruptures.

Well, ganyan kakomplikado ang buhay ng tao, i mean ang buong sistemang binubuo ng kaliit-liitang cell na nasa sa iyong katawan mula noong binuhay ka Niya sa mundong ito. Komplikado mang iisipin pero may ilang mga nilalang pa rin na pilit umuunawa at umiintindi na sa kabilang banda meron ding nagkukunwari.

"that is life..."
-barker ng jeep sa Pasig

"rollercoaster... sometimes you are at the top, sometimes you're down, sometimes you spin around and feel like everything turns upside down.Sometimes you are infront and turns your back against your co-riders.Sometimes your at the back and you co-riders turn their back on you. But what makes rollercoaster (life) special is the way you enjoy it, scream at the top of your voice, the way you learn to hold on when railway turns up & down and runs circular path.But the most important thing is the way we accept that the rollercoaster joy ride is over...we ride out and surrender to the real Owner of the rollercoaster,and that is life."
-Nahilong pulubi.

Push button to stop talking and thinking.

10 komento:

UtakMunggo ayon kay ...

lol. na-epistaxis na ako dun pa lang sa rule number 1 ng patintero. hehe

Kape Kanlaon\ ayon kay ...

thanks for your comment...hahahah
nosebleed ba yun? di naman eh...

Rio ayon kay ...

huwaw! buti pa ang nahilong pulubi at ang barker sa pasig..may eksplinasyon sa buhay buhay...nosebleed din ako sa kanila ah!! hindi kinaya ng powers ko..heheh

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mashadong matalinghaga itu...partida, wala ka pa maisip na ipo-post ah. :) nakakatuwa ang mga quotable quotes, parang komersyal ng bigas tapos isa-isa silang nagsasalita haha..steeg!

escape ayon kay ...

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”->>> gusto ko rin to. pero wala pa ring tatalo sa barker ng jeep "that is life". hehehe...

lethalverses ayon kay ...

huwat??? wala ka pang maisip na ipopost nito????

galing galing... napadaan ulit.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

walang maisip pero ang haba ng post? yan ang gusto ko sa blogs e, kapag tumatagal sa harap ng computer, dumarami ang naiisip sabihin!

Jez ayon kay ...

nagulat naman ako sa hakunamatata mo..hehe
anyways, dumaan at nagbasa ako ng iyong mga sinulat. nagustuhan ko, at (malamang) babalik ako sa mga darating na araw

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hakhak. ang kulet. mild lang ero may laman... hekhek

msPANDA ayon kay ...

"that is life..."
-barker ng jeep sa Pasig

tinalo pa ako nung barker sa Pasig...

haha...

buti pa siya... may bakgrawn bawt kay layp...

hanep!