Ako ay isang puta. Isang inang puta, o isang putang ina. Nagtratrabaho ako para mapakain ang pito kong anak. Anak sa ibat-ibang lalaki,dahil sa kagandahan ko ay minsan pay nabihag sila ng alindog ko.
Nagkaroon ako ng dalawang anak sa una kong asawang kastila. Parehong babae. Akala ko sya na noon ang una at huling lalaki sa piling ko. Hindi pala dahil noong nasa kalagitnaan na namin ng aming pagsasama ay pinapahirapan na nya ako, mahuli lang ako ng gising para sa kanyang almusal ay binubuhusan na nya ako ng mainit na kape. At kapag wala akong naibibigay na pera para sa kanyang bisyong pagsusugal ay pinagsasalitaan nya ako ng masasakit na salita sa harapan ng kanyang mga kumpadre.
Kasalukuyan pa rin akong nagpuputa noon dahil kailangan kong buhayin ang aming unang anak, wala siyang ginagawa kundi magbisyo kasama ang kanyang mga hinayupak na kumpare. Ginawa ko yun dahil mahal ko sya, siya kasi ang first love ko eh. Kahit alam kong may halong panloloko ang pakikisama nya sa akin ay okey lang.Love ko eh!
Noong isinilang na ang aming pangalawang anak ay iniwan nya ako. Masakit pero kinaya ko, itinaguyod ko ang dalawang kong anak kahit pa kinukutya ako ng tao. Dumating ang panibagong boyfrend, isang hapones. Negosyante. Noon din ay nakatikim kami ng rangya sa buhay dahil ang aking asawang hapones ang nagbubuhay sa amin ng aking anak. Lahat ng gustuhin namin noon ay binibigay nya. Mamahaling laruan, pagkain, alahas, lahat pero may kapalit yun. Sa tuwing gagamitin nya ako ay pinapahirapan nya muna ako. Isa siyang sadista! linalatigo nya ako, pinapaso ng sigarilyo at sinasampal. Hindi lamang yun ang naranasan ko sa kanya. Naranasan ko na rin ang masakal na halos ikamatay ko noon. Pagkatapos ng pananakit ay saka nya ako gagamitin. Adik!
Lahat ng yun ay tiniis ko mabigyan lamang ng sarap ng buhay aking mga anak kahit hindi ko sya mahal at tanging una kong asawa pa rin ang mahal ko. Dumating ako sa puntong kinakaawaan na ako ng aking anak dahil sa pasa sa aking katawan. Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga iyon ng panibagong supling. Ngunit bago pa man naisilang aming anak ay lumuwas na ito sa kanilang bansa dahil daw sa kanilang negosyo. Nasaktan ako di dahil umalis sya ngunit dahil nawalan na kami ng pagkukunan ng aming ikabubuhay.
Subalit naitaguyod ko tatlong anak ko ng walang alinlangan. nagtrabaho muli ako bilang puta, maganda at may asim pa naman ako kaya nagawa ko muli ang trabahong iyon. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako makikipagrelasyon pa. Hindi nga ako nakipagrelasyon sa loob ng limang taon ngunit dahil sa trabaho ko ay nadagdagan muli aking anak ng dalawa sa magkakaibang lalaki. Ang tanga ko talaga dahil nagpauto ako noon na hindi gumamit ng kontraseptiv, dala na rin siguro ng libog ko sa katawan kaya nagbunga ang katarantaduhang iyon. Kaya naging lima aking binubuhay na anak. Dumating sa buhay ko isang amerikano. Akala ko ay magkaibigan lang ang aming turingan ngunit nauwi ito sa seryosohang relasyon. Kahit pa hirap ako mag-english ay nauunawaan naman nito. Nakakaintindi sya ng kunting tagalog kaya hindi mahirap sa amin ang komunikasyon di tulad ng nauna kong dalawang asawa ay marunong ako ng niponggo at espanyol.
Mabait ang naging huli kong asawa. Ngunit dumating ang panahong nakita ko sya sa may kasamang iba. Ipinagpalit nya ako sa aming kapitbahay. Nasaktan ako ngsobra dahil kahit papaano ay mahal ko sya. iniwan na nga nya ako ng tuluyan at nakipagrelasyon na sa iba. Noong panahong iniwan nya ako ay nagdadalang-tao na ako noon. At sya ang ama. Sa malas ko ay naging kambal pa ang naging bunga kaya naging pito lahat ang supling kong binubuhay.
Halos mabaliw ako noon kung saan ko kukunin ang aming kakainin, buti na lang ay may mga kaibigan akong kahit papaano ay tumutulong sa akin. Napag-aral ko ang apat kong anak sa tulong ng trabahong kong pagpuputa, noong naging mahina na ang trabahong din yun para sa akin ay naglako na lamang ako gn sigarilyo sa kalsada. Tiniis ko init ng araw, ang lamig ng gabi at ang kutya ng tao. Ang tatlo kong anak ay hindi na nakapag-aral dahil sila na rin ang tumutulong sa akin sa paglalako ng pwedeng maibenta sa kalye. Naging pasakit talaga sa akin ang may maraming anak ngunit hindi ko pinagsisisihan yun dahil masaya kami sa pamilya namin. dumating din ang puntong nagkagulang na aking mga anak. ngunit sa akin pa rin sila dumidepende. May asawa na ang tatlo kong anak. Isang araw habang akoy may sakit ay may nagawi sa aming bahay na isang foreigner. inaaya nya akong pumasyal ngunit masakit ang katawan ko noon dahil sa trangkaso, naging mapilit sya. Agad nyang dinakma ang mukha ko at pilit nyang hinahalikan ang maseselng bahagi ng aking katawan. putang ina nya! binaboy nya ako ng walang kalaban-laban dahil ako ngay mahina noong panahong iyon. pagkatapos nya akong gamitin ay naglabas sya ng pera at agad nyang inilapag sa tabi ng kama habang akoy umiiyak.
Alam kong naririnig ng aking mga anak iyon ngunit hindi nila ako sinaklolo. Kinaumagahan ay nagsumbong ang bunso kong anak na kagagawan ng panganay ko ang lahat, ibenenta nya ang katawan ko dahil kailangan daw nya ng pera sa susunod na araw. naiyak ako ngunit tiniis ko ang sakit na kayang kaya pala ako ibenta ng aking mga anak. pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas ang dalawa kong anak sa abroad. ilang buwan din sialng andun ngunit hindi na sila nagparamdam pa sa akin.
Wala na akong balita sa kanila. Ang kambal ko namang anak ay patuloy pa rin sa pagtulong sa akin ngunit dumarating ang puntong sinasaktan nila ako kapag nakaririnig sila sa kapitbahay na ako ay isang masamang babae. Sinisisi nila ako kung bakit ako nagputa at patuloy sa pagpuputa kapag wala nang makain. nilayasan din ako na aking mga anak.
Sa ngayon ay nag-iisa na ako. Naghihirap dahil sa idinulot ng aking mga anak. gayunpaman ay mahal ko pa rin sila dahil ako ang kanilang ina. Ako si FILIPINAS, ang kanilang ina, ang kanilang bansa.
6 (na) komento:
huwaw!!
sa mga unang linya pa lang, nagets ko ng ang kwento'y hindi talaga first hand experiences mo...
though habang binabasa ko, andaming naglalarong possibilities ng ending sa utak ko.
...and kinilabutan ako ng finally, it's our Mother Country pala.
lupet, such an eye-opener. babalikan ko ulit ang kuwento and decipher the metaphors.
tama. tama. parang pagpuputa ang ginagawa dhil sa kahirapan.
galing nito!
grabee malufet pa ito sa talsik!
astig kudos to you pensucks!
Hindi na dapat pensucks and drama mo... huwag muna itanong kugn ano naisip ko kasi baka XXX din, hehe XD
impressive! ang galing mo!
kinikilabutan ako habang binabasa ko.at parang ayaw ko nang ituloy pero itinuloy ko dahil nag-expect ako ng magandang ending pero hindi pala. lalo pang ako'y nalungkot
ang galing mo naman . wala ka bang balak mag-apply sa liwayway/
haha...
nagbigay-inspirasyon?...
:P
miss ko na tong blog mo!
dude!
mas maganda kesa sa post ko...hindi pa akin yun ah! partida!
galing talaga!!!
*bow*
*bow*
*bow*
Mag-post ng isang Komento