"mudra, fudra, geztong kez kronapey, sisterette, brotherloo, geztong kez frafey.Lahat ng geztong kez ay kemer-kemerlu. Ang magkakawiz ay fifingutin kez..."--dalawang batang baklita naglalaro ng nanay-tatay.
Naaalala nyo pa ba yong larong ito? Hindi ko alam kung saan nagmula 'to pero nakakaaliw ang larong to, nilalaro namin to noong bata pa ako kasama ng mga pinsan ko, astig pag nagpipitikan na sa tenga at may umiiyak.
Malamang dumaan din kayo sa pagkabata, naging isip-bata, nang-away ng kapwa bata, nakilaro sa kapwa bata, at minsan pay gumawa ng bata. Masarap maging bata sa totoo lang, ang mga panahong nakikipaglaro tayo ng habulan, taguan, step-no-step-yes, harang-taga, at marami pang ibang outdoor games na prone sa peklat.
Away-bati pag bata, konting sulsol, beehlat, kampihan, inggitan, at paluan. Yan ang pumapasok sa isip ko pag naiisip ko ang salitang BATA.
Pero kelangang tumakbo ng oras, babago man ang panahon kelangang mag-grow bilang isang matanda na hinasa sa disiplina mula noong pagkabata. May malaking kinalaman ang 'pagkabata' sa kung ano ka ngayon, sa kung ano ka meron ngayon at sa kung paano ka ngayon.
3 komento:
sempre, dahil ang humubog ng ating mga adult selves ay ang ating mga karanasan mula sa sinapupunan, hanggang sa pagkabata, hanggang sa eskwela, at lahat ng in betweens at afters.
balikan ko nga ang pagkabata. hehe..
di ko ipagpapalit ang mga pasko ko noong bata ako.
:D
@utakmunggo, hay naku mas masaya talaga pasko dito sa pinas ate, sana iparamdam mo rin sa mga anak mo kahit nasa ibang bansa ka.hehe
wa! nakakatuwa lang talaga isipin ang mga karanasan natin sa pagkabata. mga inosente pa kasi tayo at ang buhay para sa atin ay umiikot sa laro. tama nga si ate munggo, magaling na titser talaga mga karanasan natin. maisingit ko lang, akalain mong talagang naniwala akong may santa claus noon kapag pasko. akalain mo yun! hay. :-D
Mag-post ng isang Komento