Miyerkules, Setyembre 24, 2008

rain rain go away!

Malakas ang ulan ngayon, nabasa nga ako papunta ng ofis, dahil ata sa bagyong parating.Kahapon nabasa din ako, wala kasi akong payong. Tamad akong magdala ng payong isa pa wala pa akong bagong payong, mas lalo ang kapute.

The best thing one can do when it's raining is to let it rain.”
-Henry Wadsworth Longfellow

Masarap tumambay sa loob ng bahay pag umuulan.Masarap magkape, masarap magmeryenda, masarap manood ng t.v, masarap kumain, at higit sa lahat masarap matulog.Yon na rin ata ang isa sa mga benefits pag umuulan para sa mankind.

Naalala ko tuloy noong batang paslit pa lang ako na mahilig lumusong sa ulan, at ang tanging alam ko lang ay ang humiling na sana araw-araw umuulan.Mahilig talaga ako sumugod sa ulan na parang nakikigiyera. Laging may pabaon sa akin noon si inang mother na payong o kabute pero kung anong amoy nun mula noong binili ay ganun pa rin hangggang matapos ang school year--amoy pabrika, amoy bago.

Pero ngayon, mas nanaisin ko na lang na manatili sa bahay.

4 (na) komento:

linapuhan ayon kay ...

waha!tumatakbo ka rin ba na walang saplot sa katawan kapag naliligo sa ulan??!!
may kwento rin ako tungkol sa mga payong. bumili ako ng payong last month para paghandaan ang tag-ulan. Php 90.00 lang kaya sabi ko nakamura ako. hindi ko na ininspeksyon kasi sa robinson ko naman nabili. pagdating ng apartment, napamura ako ng malakas (linte!) kasi hindi mailock kapag binuksan. kaya ngayun kapag umuulan, nagmumukha akong kabuteng naglalakad dahil ang baba ng payong. hinahawakan ko na lang kasi sa pin para hindi magsara. asar.

UtakMunggo ayon kay ...

matanda na ako talaga. haha..
naalala ko dati pag malakas ang ulan dun ako naliligo sa alulod ng bahay namin kasi ang lakas ng daloy. susme pagka-shiny ng hair ko apterwards. ehehe... pati langaw, slide!

all of the above ka, mar. sarap magkape, magrelak, magmiryenda pag umuulan. :D

pensucks ayon kay ...

haaay..walang nang sasaya pa pag umuulan talaga ano. antibay nyo naman kayong dalawa lang ang kakakatiis sa blog ko. hahaha @linapuhan and utakmunggo.

UtakMunggo ayon kay ...

eh pano po kasi pinagtaguan nyo po yung ibang suki ninyo dati. hehe