Miyerkules, Setyembre 28, 2011

magsusulat ako at mabubuhay ka

balik blogspot muli ako. mas komportable ako dito kesa sa wordpress. apat na taon nung una kong pinindot ang publish post sa blog na to. yong unang entry dito na pinanganak sa mundo ng internet. hindi ko alam kung ilan yong nakabasa at ilan yong bumasa.

meron at merong pising nagtataglay ang blog na to sa akin na muli kong balikan at asikasuhin. ilang taon ding nabankante, dahil na rin siguro nung magkaroon ako ng domain o dahil na rin siguro nalapit sa akin ang mga social networking sites. pero sabi ko nga meron isang bagay na muli kong babalikan ang blog na to. ito kasi ang unang blog ko.

sa ngayon, nag-iisip ako kung ano pwede kong isulat dito. kung may tema ba tulad nung dati o yong personal experience ko araw araw. bahala na. pero atleast muling nabuhay ang blog na to.

Walang komento: