Biyernes, Setyembre 30, 2011

isa pa please

nasa isang sulok ako. taimtim na lumalamon. eh hindi ako nag-lunch so matinding gutom ang inabot ko. nag-order ako ng isang ulam at infairness to goodwill of ate na nag-mamay-ari ng karinderya malinis yong ulam at marami pa. nung naubos ko yong isang kanin umorder ulit ako. lamon. lamon. lamon.

magsisimula nang gumabi kasi nagbukas na ng ilaw yong tindahan sa tapat ng karinderyang kinakainan ko. nagsisimula na ring dumagsa ang suking customer. at pag sinabing suking customer sila yong tipong kahit may pila e mansisingit, dadaanin sa kwentuhan with matching bolahan. at otomatik naman sa mekanismo ni ate na nagpapabola sya.

nung naubos ko yong dalawang kanin. agad akong lumapit kay ate para umorder pa ng isa. oo ako na ang matakaw. kaya sa puntong to humihingi ako ng paumanhin sa katakawan ko. umismid muna ako bilang pandagdag sa self confidence meron ako. ganun ata ang sistema ng katawan ko pag nahihiya pero desididong gawin ang isang bagay lalo na't gutom ako. ismid ulit.

palapit na ako kay ate nang bigla nag-strike sa utak ko na wag na lang kaya. kasi nakakahiya naman sa mga tao. at kanina pa ako naroon, kumakain. so naisip ko umorder na lang ng isa pang softdrink---yong coke sakto.

'ate isang coke sakto at isa pang extra rice'.

tumingin sa akin yong ale--- sya rin kasi yong nagkakahera nung mga oras na yon. ang tingin nya sa akin yong tipong unti-unting titingala yong ulo nya para tignan kasi nakayuko sya't may ginagawa. at yong klase ng tingin nya e pagmamalabis na may halong kahulugan.

'ISA PANG EXTRA SI KOYA'

nagulat ako. nahiya. at gusto kong matunaw. hiyang hiya ako. biruin mo ba naman coke sakto ang una kong inorder para kahit kunwari e may disguise of interest pero yong rice talaga ang may conviction sa pagbigkas eh. naknampotah.

that awkward moment.

Walang komento: