Biyernes, Disyembre 28, 2007

nakasusulasok na araw ni mar...

Sinubukan kong panoorin yong POSO na maugong pinag-uusapan ng barkada ko kagabi. Actually may idea na ako pero tamad lang ako i-search sa youtube. With all my shits... ganoon pala ang video na yon. It is so barbaric. Marami pang videos pero hindi ko nakayanang panooring ang ganoong uri ng video. Brutal na patayan.

Actually kagagaling ko lang sa ibang netshop para ipatingin yong SONY PSP ng pinsan ko. May kelangan pa daw ayusin para gumana yong ilang features. Kasama ko si Jm, naglibot kami, naglakad din ng ilang metrong lakaran. Pero unfotunately wala kaming nakitang nag-ooffer ng ganoong service. (HACKING or SETTING).

Bumili ako ng maiinom namin na ice buko. Juice Ko! hindi malamig ang lako ni manang pero sumapat na yon para sa dalawang lalamunang uhaw. Okey na rin besides may ubo pa ako kaya do muna ako iinom ng malalamig. (ayun ka JM).

Naghiwalay kami ng landas, umuwi na rin sya. Atsaka hindi ata maganda ang mood ni Kuya, may tantrums na naman. Kunot ang noo at mukhang inis. I asked him kung okey lang sya sabi nya okey lang naman daw sya. Edi okey! no problemo! pero ang ikinaaalala ko lang baka namam mag-isip ng kung anu-ano tong taong to.

Sa katunayan nagtatampo ako sa kanya, mula kasi noong pumunta kami ng tarlac para sa NBI parati na lang syang iritado (as usual). Kagabi kasi nag-inuman kami ng barkada, pauwi na ako kahapon nang makasalubong ko yong Van ng friend ko. May "lakad" daw. Hindi pa ako nakapagpalam sa bahay pero sumakay na ako, bahala na. Nang oras na yon nagtetext na yong kapatid ko kung saan na daw ako. Medyo gabi na rin kasi noong umuwi ako(galing sa netshop).Nakakapagtampo lang sya kasi minsan hindi ko masakyan yong moods nya. Kumbaga e unstable. Pero okey lang, naiintindihan ko pa naman. Yun nga lang may mga ilang payo para sa sarili nya na hindi naman nya nasusunod. (Kumain sa tamang oras, maligo, magpahinga, wag masyadong magnet kasi nakaksira ng mata at bulsa).

Gutom na ako habang ginagawa ko ang blog entry na 'to. Hindi ko alam kung deretso na ako sa bahay o pupunta muna sa bahay ng isang kaibigan. (biglang tumabi si ate, yong may ari nitong netshop tinatanong kung script daw ginagawa ko. Sabi ko "blog po". )

Hindi ko alam kung magiging active ako dito sa blogspot kasi starting january next year eh may work na ako.
Sana...Sana...Sana...

Huwebes, Disyembre 27, 2007

sulat para kay mar...

Bata ka pa noon pero mahilig ka ng magbutingting ng kung anu-ano. Ang kulit mo nga eh. Halos hindi masuway ng iyong inang. Naalala mo yong nalunod ka? Andun ako, paslit ka pa nga kaya hindi mo alam na nagsisigaw di ako sa takot na maianod kang tuluyan. Pero maswerte ka dahil nakita ka agad ng iyong tita para iligtas ka. Pinalo ka noon ng tatay dahil sa iyong kakulitan, nalungkot ako dahil hindi mo naman talaga ginustong pumunta sa bahaging malalim, tanging gusto mo lang noon ay para makuha yong t-shirt na naanod.

Grade 1.Second honors ka, tuwang tuwa magulang mo noon. Syempre pati ako dahil bestfriend mo ako . Hindi mo pansin pero nasa bahaging likuran ako noon ng maraming tao, tanaw ka.Masaya. Proud.

Naalala mo yong binato ka ng bato ng isang kaklase mo? kulang na lang idemanda ng yong mama. Astig ka tin nun ha kasi kamag-anak nyo yong principal kahit alam mo sa sarili mo na may kasalanan ka din. Di ba ikaw pa nga yong nagtawag sa bumato sa kanya ( Diosdado ata ang pangalan nun eh) na "baluga" sya dahil mukha syang Aeta. Pero sa totoo naman talaga, eh aeta sya.

Grade 2. Fourt honors ka na lang, isinumbong mo yun sa mama mo dahil may "favoritism" na nangyari. Umiyak ka pa nga pauwi noon eh. Pero kasama mo ako, hinahabol kita pero dahil paslit ka pa lang mabilis ka pang tumakbo di tulad ko.

Grade 6. Natuto mo akong kilalalanin, mula noon "close" na tayo. Araw-araw mo akong kinakausap, pinapangiti dahil sa maliliit mong kalokohan. Di ba sabi mo noon may crush ka klase nyo? Natuwa talaga ako dahil sa wakas ang isang patpating paslit may crush ka na rin sa wakas. Pero nasaktan ka noon ng sabihin ng crush mo na hindi ka nya mahal. Engot pala sya eh, hindi mo naman talaga sya mahal. "crush" lang naman.

High School. Thirteen Years old ka noon. Yon yong simula na makaligtaan mo na ako. Dati kasi gabi-gabi mo ako kausap, pinapakinggan mga batang-reklamo mo. Na kesyo palagi kang inuutusan. Ha-Ha-Ha naalala mo yong minsang nagdabog ka, binagsak mo yong ash tray tapos di inaasahang tumalbog at dumiretso sa paa mo. OUCH!!!. Sa edad mong 13, maraming nagbago sa iyo. Boses. Pagdadamit. May bago ka na ring Crushes. At mga kaibigan. Astig ka noon dahil friends mo mga "elits" sa klase nyo. Belong ka ika nga. Pero dahil dito nakalimutan mo na rin ako bilang isang kaibigan. Nakakalungkot lang dahil para nanlamig ka sa ating samahan. Di kita masisi dahil bumaling ang iyong atensyon sa iyong kaibigan.

Graduation mo ng high school. May speech kang babasahin. Astig dahil sa iyong angking katalinuhan Mar. Sumasali ka rin kasi noon sa mga paligsahan sa pagsusulat hindi ka man nanalo pero doon nahasa ang iyong talento sa pagsusulat. Proud talaga ako sa 'yo noon Mar. Kaya mong makipagsabayan sa kanila kahit pajamming lang ang iyong taktika, nakakaperpek ka ng mga tests lalo na sa science. (sablay ka nga lang sa math dahil yon ay ayaw mo). Habang binabasa mo noon yong speech mo, nakaramdam ako ng kakaibang lamig dahil satuwa na rin siguro at galak. Astig ka kasi, nasungkit mo yong "journalism of the year" na award, kahit hindi ka man kasali sa honor roll atleast napatunayan mo sa sarili mo na kayang mong makipagsabayan sa kanila.

College ka na noon pero biglang bumalik ang 'nanlamig' na samahan natin dahil may mga kaibigan ka ng "mabubuti". Pero taglay mo pa rin ang pagiging maloko Mar, kasi naman kung makapanlait kayo ni julieann tagus-sa-buto. Katulad ng "wow!!! ang ganda ng nail polish nya. Im sure may Memorial ng paglilibingan sa patay nyang kuko. Nail polish na lang ang tumatakip" tapos sabay kayong tatawa, sasabat naman 'tong si bruhang julieann "josko! eh sa impyerno hindi yan tatanggapin!".Ganun ang mga patutsada nyo pag kayo na ng barkada nyo magkakasama. Akala nyo eh mga Diyos at Diyosa kayo sa kaguwapuhan at kagandahan. Pero bumilib ako sa 'yo noon mar noong naging working student ka. Nagtatrabaho ka mula 5 o'clock ng hapon hanggan 11 o' clock ng gabi para lang may magamit kang pera para sa sarili mo. Proud din akong naging scholar ka at konti lang binabayaran ng parents mo para sa tuition mo at working student ka pa. Pero dumating yong point na nagkaroon ka na ng bagsak, hindi ka na kasi nakakapagreview para sa morning subject mo lalo na yong major mo. Pero kampante ka lang noon dahil lahat naman kayo ng ka-major mo eh lagpakers din. Naging kampante ka ngunit pinanghinaan ng loob. Dumating yong point na umiiyak ka noon dahil sa nalagpak mong exam. Sayang...Science pa naman.Di ba paborito mo yun? Pero pagdating ata sa mechanics eh hindi mo na type pag-aralan mga vector quantity, speed, length at kung anong anik-anik pa yan. In short nagsawa ka!

Naalala ko noon, mag-isa kang nasa boarding house mo, umiiyak dahil hindi mo alam kung ano uunahin mo kung yong letseng pag aaral mo o yong trabaho mo na nageexpect yong managers sa yo. Nahirapan kang nagdesisyon kaya nag-bahala ka na.

Infairness,marami ang natutuwa sa iyo. Bibo ka kasing bata lalo na pagdating sa recitation. Astig kang sumagot, may punto at may laman. Type mo yong gisahin yong reporter sa harapan habang sya naman ay takot sa mga "pop-up questions mo". Naalala mo yong muntikan ka ng murahin ni Raymond dahil sa tanong mo noon na mukha namang irrelevant sa topic. ha-ha-ha...bibong bata dahil napatumba mo yong "pinakamagaling" klase nyo. Sumuko. Pero sa huli humingi ka pa rin ng tawad. Doon ang naantig sa iyo, marunong kang magpakumbaba. Astig ka talaga Mar. Napasok ka noon sa student publications nyo. Wew! astig ka rin bumanat dahil nailalabas mo yong sentimyento mo.

Tanda mo pa yong naadik ka sa blog? At doon mo rin nakilala yong unang taong nagpaiyak sa iyo ng todo dahil sa lintik na pag-ibig yan kamo. Nagtagal din kayo ng halos siyam na buwan, pero biglang umiba takbo ng sinasabing mong "mundo". Hindi pala sa lahat ng oras eh takatuon lang ang atensyon mo sa sinasabi mong "mundo". Duh, wag ka nang magmaang-maangan pa. Di ba sabi mo mundo mo sya? Pero sabi ko nga Life has to change for it has to. Sa kanya ka umiyak ng todo. Di ko masabing karma pero parang ganun na rin dahil marami ka na ring pinaiyak di ba? Sana maalala mo pa yong time na iniwan mo gf mo dahil nalaman mong hindi mo pala sya mahal. Marami ka na ring nakarelasyon pero sa kanya ka talaga nasaktan ng todo. Umiiyak ka noon, nagmamakaawa pero hindi nya pinakinggan. Halos kaawa-awa ang iyong lagay noon. kasabay noon ay ang paghahanap mo ng trabaho sa manila. Naging Call Center Agent ka noon sa Ortigas, pero dahil sa kaestupiduhan mo, pinili mong maghanap ulit ng trabaho malapit sa bahay na pinagtutuluyan mo sa ParanaƱque, swerte ka talagang bata dahil ilang araw lang na paghahanap nakakita ka ulit ng trabaho bilang Data Analyst kahit sa lagay mong yan na di graduate kinaya mong makipagsabay sa mga degree holder, astig ka talaga!)

Nagbreak kayo sa araw bago ng inyong monthsary. Kawawang bata dahil ginawa mo lahat para sa kanya. Noong panahong yon mag-isa mong hinarap yong sakit, hindi mo ako kinailangan dahil nagtapang-tapangan ka! Umiiyak ka noon ng mag-isa pero di mo lang alam nasa likod mo lang ako umiiyak din dahil nasasaktan ang isang kaibigana malapit sa akin. Kung alam mo lang kung gaano katindi yong emosyon ko para tulungan ka pero hindi mo ako tinawagan para gawin ang bagay na makapagpapabuti sa iyo. Pinili mong mapag-isa at magalit sa lahat ng tao dahil ayaw mong kaawaan ka. Gusto kitang yakapin noon para mapanatag ka pero nagpumiglas ka. Isinumbat mo sa akin lahat, naging sarado ang iyong isipan para intindihin yong mga nangyayari sa iyo. Trabaho, pamilya at maging mga kaibigan---gumugulo din sa iyo noon, nakikisabay sa iyong problemang dinandala.

Sa ngayon, narealized mong may magandang nangyari rin pala sa iyo ang lahat. Ngayong taon lang na 'to akala mo katapusan mo na dahil sa apendecittis nangyari sa iyo.Buti na lang naging matatag ang iyong pananalig kaya nailigtas ka mismo ng lakas nang loob mo. Yun yong natutunan mo sa break-up nyo ni (name withheld). Natuto kang maging mas matapang pa. Astig ka talaga mar.

Ilang months after ng operasyon mo, nakilala mo si (new one). Sya na ngayon yong taong malapit sa iyo at pumalit kay (name withheld). Masaya ka sa piling nya at sya lang yong taong nagpabago sya. Pasalamat ka sa kanya. Pero nakakapagtampo ka Mar, dahil nakaligtaan mong batiin ako noong birthday ko. Hinihintay ko pa naman ang tawag mo. Pero noong mismong araw na yun eh hindi ka tumawag sa akin, hindi kinausap pero alam kong alam mo ang birthday ko. Nagdiwang pa nga kayo di ba? May Christmas party pa nga kayo eh, naghanda rin at nagsalu-salo. Pero after ng araw na yon naalala mo bigla.Ha-ha-ha-! sa wakas naalala mo din, laking tuwa ko noon. Kahit huli na pero naalala mo pa rin, salamat ha.

Kahapon, lumuwang na naman turnilyo mo.Akala mo ba madali lang ang "maglakbay papunta dito?" ulol ka pala eh. Maraming nagtangka kahit hindi pa itinakda pero hindi sila naging successful sa pagtatangkang yon. Nahulog lang sila sa bitag at hindi na nakaalapas pa. Kawawa lang sila. Kaya pag dumating ulit yong mga sandaling yon, lumaban ka. Maging matatag ka at wag kang susuko. Di ba sabi nga ni "new one" marami ang umaasa sa 'yo. Matalino ka, may angking abilidad kaya gamitin mo yon sa mabuting paraan. Huwag kang maging bobo para lang sa mga kapiranggot na pangyayaring sa tingin mo eh hind maganda.

Astig ka Mar! Kaibigan kita, Di ba Bestfriends tayo? Ako yung tutulong sa 'yo. Yong sasama sa iyo sa iyong mahabang paglalakbay sa buhay. Maging matatag ka sana Mar, dahil hatid lang ito ng pagkakataon para mas maging matapang ka pa para sa mga susunod pang hamon ng iyong buhay. Huwag kang maging maramot sa iyong sarili. May karapatan kang masaktan pero wala kang karapatan para unahan ang desisyong yong inilaan Niya. Mar, kaibigan ko. Mahal na mahal kita. Ako pa rin 'to, isang kaibigan, Jesus Christ.

Biyernes, Disyembre 21, 2007

Alamat ng gubat

Isa sa mga paborito kong libro ni Bob Ong ay ang Alamat ng Gubat. Kwento ito ng mga hayop sa gubat na may kaugnayan sa Philippine Society. Kabilang dito ang politika at paraan ng pamumuno ng pamahalaan sa ating bansa dito sa Pilipinas.
kuha ko ito mula sa isang website review:
"Isa sa mga librong tumatawa ka habang binabasa mo. Multitasking ka. Hindi pwedeng hindi tumawa dahil kasama yon. Naging idol ko tuloy si Bob Ong dahil dito. Ang saya ng kwento, o masaya dahil mataas ang common sense ko sa pagbabasa. A must-have book pag malungkot ka, dahil tiyak mag-eenjoy ka sa adventure na walang patutunguhan, kasama ang iba't-ibang hayop sa gubat, na pwede mo ring makita sa bahay at sa school."
Tama nga naman ang sabi ng reviewer. Isa itong librong may binatbat at nagtataglay ng angking katalinuhan. Maganda syang basahin dahil gagana talaga ang iyong kapiranggot na karne na laman ng iyong bungo. Mas gusto ko pang basahin ang ganitong genre maliban sa mga librong SCI-FI. Kung ang trip mo ay tumawa habang natuto at natatauhan (pwera na lang sa mga character kasi hayop sila) dapat magkaroon ka nito.

kwento ng naagnas na...

I was surfing the net and a blog entry of an strange blogger caught my attention though it looks jologs to read, i tried it to read. And as i was reading it some thoughts came into my mind without some mere reasons to think of, i just couldnt imagined how had i relate myself on this kind of "kajologans" but basically it is true...yeah it is!

And the story goes like this:

Nagta-type ako sa keyboard nang mapansin ko na nagsisimula nang mag-peel yung nail polish sa kuko ko. Kaagad akong naglagay ng top coat. Nabasa ko kasi sa Cosmo na iyong top coat, nagpapatagal ng kulay ng nail polish. At nagpe-prevent na mag-chip iyong kuko. Pero noong sumunod na araw, lalong lumala iyong pag-peel ng nail polish. Medyo nalungkot ako. Kasi, wala nang makakapigil pa sa pagkakasira ng kulay ng kuko ko. Pero kung iisipin natin, ang nail polish, parang life lang yan. No matter how hard we try to make it last or stay longer, we couldn't stop the inevitable.
Lahat ng bagay, nag-de- the end. Hindi mo na kayang pigilan ang nakatadhana. May mga relasyon na hindi nagtatagal. May mga pagmamahal na namamatay. Kahit na tambakan mo man ng top coat ang kuko mo, kahit anong ingat mo man, matatanggal at matatanggal pa rin ang nail polish. Kaya burahin mo na lang at ihanda ang mga kuko sa bagong nail polish na i-a-apply mo. Kailangan mo mag-move on. At magsimulang muli. Pero dapat, bago ka mag-apply ng bagong nail polish, siguraduhin mo na wala ng trace ng lumang nail polish. Bago ka pumasok sa panibagong relasyon, dapat, completely over ka na doon sa dati. Para simula ka sa clean slate, di ba?


It makes sense naman di ba?

Martes, Disyembre 18, 2007

the amazing race...

The Amazing Race...


the amazing race...if it werent the influence of my 'friend' john who has been wathcing TAR ever since i wouldnt have the guts to watch the latest season 12. though, i tried to watch one of its seasons way back in my high school days. it nice watching people on race (racers) who really make things up on and off the cam just to win and bring home the bacon (1 million dolars). they will compete each other. run.talk.talk and talk, and talk. make fuss, complaints. murmur. shout. cry. screw up. happy. sad... that is what amazing race makes up. the joy of being competitive aside from going to other countries to get clues and challenges is really enough for you to win the race. its such a wonderful thing that might be considered as opurtunity to be part of this endearing reality show. i like wathing this program because it makes me realize that life has too much way to win by using your skills and mind. it makes me resemble all the scenarios to real life that everything may happen in just a twirl of snap. just like the amazing race... racers still pursue to finish the race and never quit at all.

Linggo, Disyembre 16, 2007

ako ay lalaban para sa mumunting prinsipyo ng aking buhay...

para sa blog kong ito...
salamat.
para sa aking mga makamundong pag-iisip...
salamat.
para sa aking mumunting isip.
salamat.
para sa aking maliit na karneng bahagi ng aking ulo.
salamat.


Sa mundong ito, maraming pwedeng magbago. Ang pangit napapaganda nang dahil sa Siyensya. Ang dating mabait na tupa anumang oras pwedeng maging isang leong lumalapa at kakalat sa lipunan. Ang dating masayang pamilya pwedeng magkawatak-watak. Ang dating masayang uri ng pamumuhay ay maaaring masadlak sa kalungkutan nang dahil sa pera.

Talagang ganun nga siguro. Hindi maiiawasan ang pagbabago. Pero nang dahil doon, mayroon at mayroon tayong natutunang laan Niya. Maging positivo lang sa pananaw at pananampalataya.

Halos benteng taon na rin pala akong namumuhay sa mundong ito.Humihinga. Kumakain. Pinagsasabihan. Nagtatatrabaho. Tumatawa. Nalulungkot. Nagpapayo. Nagkakaproblema. Pero malakas pa rin ako sa kabila ng lahat.
At higit sa lahat...nagmamahal pa rin ako sa kabila ng mga nakalugmukan kong sawing pag-ibig.

Tama nga siguro Siya. Pinagtitibay nya aking pagkatao para sa mga susunod ko pang laban at hamon sa buhay.

Panginoon ko. Sori po sa aking mga asal na hindi naging mabuti para sa inyong mata.

Katahimikan.

Masaya ako sa kabila ng pagiging loner ko, ang pagiging masaya ay isang kagustuhang nagmumula sa ating sarili at egotismo.

Salamat para sa mga bagay na nagpapatibay sa aking pagkatao.

Sabado, Disyembre 1, 2007

blod runs at wrong vein...

“punyeta!gaano ba kahalaga ang mga yaman mo daddy? Whenever I need you, you were always away, lahat na lang ng inaasikaso mo ay yang business mo. Wala nang iba kundi punyemes na business na yan. Mabuti pa noong nabubuhay pa si mommy ay nabibigyan nya ako ng sapat na atensyon. Hindi tulad nyo! You claimed all the happiness, which should have belonged to me also. What did you do when I had sick? Nothing! Purely nothing you were such stone-hearted at all!” Bigla akong napagulantang nang maalala ko muli ang sinabi sa akin ni Nicolle bago pa man sya umalis patungo sa manila---sa bahay ng aking kapatid. Naglayas ng bahay si nicolle dahil sa sama ng loob nya sa akin bilang ama. Hindi ko (raw) nagagampanan ang tungkulin ko bilang isang ama sa kanya. Honestly its all for her, im doing all of these for her own sake but on the other hand I must admit that I’ve almost forgotten my responsibilities as a dad to her.
8 months have just passed but still I have not received any call or even text from nicolle.

I still keep my self-busied for the rest of those 8 months. Perhaps I had sort of concerns what had been happening to her. Nag-aalala pa rin ako bilang iang ama kahit alam kong nasa poder sya ng aking kapatid.

2:00pm of November 10. My birthday. Isang tawag mula sa cellphone ni nicolle ang aking natanggap. I didn’t know why she phoned me. I guessed she’ll gonna greet me anyhow. But it was not her called me up; it was ate conching using nicolle’s phone. She abruptly informed me that Nicole confined at the nearby hospital there at manila. I just couldn’t imagine how it had happened to Nicole knowing that she has a good health.

Shocked.

I urgently went to manila all the way from cebu. I just had to be quicked because malala na aw ang kalagayan ni nicolle. When I got there, agad akong tumungo sa hospital kung saan si nicolle. Nakita ko agad ang bendahe nya na nakalagay sa kanyang ulo. I did not notice that I dropped my bag in front of a doorway the moment I saw her condition.
Ang dating malusog na Nicole noon ay iang patpatin na ngayon, malalalim na rin ang kanyang mga mata na dati ratiy mapupungay, namumutla na rin ang dating maamong mukha ng aking anak. Samakatuwid--- kaawa-awa ang kanayang kalagayan. I hurriedly get into beside her. I held her hand and gave a little squeezed. I checked her forehead if she had a fever. Beside her---si ate conching na maluhaluhang tinitingnan kami. Nicolle is asleep because of the medicine she has taken.

After awhile. Lumabas ako pasumandali ng kuwarto. Upang makalanghap man lang ng sariwang hangin habang hinihintay ang paggising ni nicolle. I was in a lobby of hospital when I met her doctor. We had talked and he frankly told me that nicolle has a brain cancer. I was shocked when he uttered those dreadful words.“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
Paulit-ulit iyon na gumulo sa aking isipan. Tumatak talaga ng husto ang bawat salitang kanyang binitiwan. Mga salitang patungkol sa aking anak na may taning na ang buhay nito.
Silence.

I can’t resist my emotion to burst out. Napaiyak ako sa sinapit ng aking anak. A week later, I have found out that the day we (with nicolle) were quarreling is the day that she wanted to go in a hospital to have a check-up. And she was asking me to come by with her but I refused because I’ve got a lot of works to finish.

Months ago.

We had to run nicolle in a nearby hospital dahil nahihilo daw sya at nahihirapang huminga. “diyos ko. Ito na.” I murmured. She was holding my hand while we were riding in a car para isugod sya sa ospital. “dad, salamat sa damay mo na kahit ngayon ko lang naramdaman ay sapat nang kabayaran sa mga pagkukulang mo sa akin. Ni kahit minsan noong bata ako ay hindi mo ako niyakap at pinahalagahan dahil nalaman mong anak ako ni mommy sa ibang lalaki. You know naman that I love you so much, ikaw na kasi ang nakagisnang ama ko,dad” Nakonsensya ako sa mga pinaggagawa ko sa aking anak, but pinilit kong ngumiti kahit mapait dahil sa kalagayan nyang mahirap huminga ay pinipilit pa rin nya magsalita.

She smiled then.

The car was running so fast that it didn’t stop when it had to. Nicolle was in the critical moment that she hardly breathes. And which she seems drowning. Perhaps she spoke some words that I won’t gonna forget for the rest of my life. I was the only one who heard those inevitable words of her. She said: “daddy, remember when I was 15 yrs old? You kissed me –the very first time you’d kissed me. That moment. That very moment is the time I fell in-love with you. I never had a boyfriend, and you know that. I love you more than of being a father but also a man…my dream man. Yes daddy, mahal kita hindi lang bilang isang ama kundi isang espesyal na lalaki sa puso ko. That’s why I always get jealous against your business. Kasi you don’t have any time with me to talk. Don’t get me wrong dad. I just love you, and I mean it. Thanks for being now here at my side”

She stopped breathing.Ear-breaking silence occurred. Nicolle has gone. And a sweep of wind strokes my face. Pinahinto ko na ang sasakayan. And I just cried…

ang kulay at ang utak

Ang utak ng tao ay katulad din ng mga kulay. Minsan nagiging matingkad ang kaanyuan nito, ganun din kapag may naiisip tayong mga bagay-bagay o ideyang sa tingin natin ay may patutunguhan at may mabuting kalalabasan. Minsan naman ay nagiging mapusyaw ito, kulang ng timpla ika nga. Hindi ko malaman kung saan natin nakukuha ang mga konotasyong may kaugnayan sa kulay. Tulad na lamang ng kulay na yellow, sabi nila ang kulay ng SELOS.

Saan nga ba nagmula ito?

Gaya nga ng nasabi ko kanina, ang bawat kaisipan o ideya ay may patungkol na tingkad o pusyaw. Hindi na importante kung matingkad o mapusyaw ang kaisipan, ang mahalaga ay may taglay itong mensaheng may kinalaman sa konotsyon ng isang bagay. Naisip mo na bang bakit kaya violet ang kulay ni Barney? Kung bakit yellow si spongebob? Kung bakit dark yellow si garfiled? Kung bakit golden red si Nemo? Kung bakit pinaghalong pula at itim si mickey mouse? Kung bakit may ibat-ibang kulay ang mga karakter ng Power Rangers?

At marami pang iba, At kung bakit brown ang kulangot, samantalang yellow naman ang tutuli? Alam kong ang mga nahuli kong nabanggit ay may kinalaman sa sensiya, ngunit hindi na importanteng mahalaga (provoked redundancy) kung bakit, ang mahalaga lamang ay ang mga cartoon character na nabanggit ay nakapagbibigay ng saya sa mga bata at maging sa mga matatanda. Gumawi tayo sa parting malalim. Bakit napaka-mean sa isang tao ang kulay na red? Dahil ba sa matingkad ito? Is it because it possessed something passionately? *ambiguity* paano na lang ang kulay na gray? Paano na lamang kung isipin ko ring color of passion din iyon? Paano na lamang ang red?

Ganyan ang utak ng tao, mahirap intindihin ngunit kapag nagkasamasama sa iisang persipsyon, they will now come to one notion. Sadyang nakalilito ngang tunay ito. Naalala ko tuloy yung kanta ni bamboo na tatsulok: “hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban” tama nga naman, tayong mga tao lamang ang nagbibigay ng contrast sa bawat bagay. Ang bawat kulay ay pwedeng pagsamahin, ngunit kelanman ay hindi sila magkalaban. Hindi sila tulad ng langis at tubig. Ang kulay ay palamuti lamang ng mga regaling dulot Niya. Pampaganda. Kailangan sila upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang isang bagay.

Gaya na lamang ng mga mujeristang bakla, kailangan nila ng make-up. Gagamit sila ng ibat-ibang kulay ng make-up upang mapansin sila. Natuto silang paghaluiin ang bawat kulay para sa magandang kombinasyon. Bakit kung black ba ang ilalagay bilang foundation nila, sa tingin mo ay magandang tingnan? Hindi di ba? dahil magmumukha silang uling na may mukha. Hindi ako nagpapatawa, sinasabi ko lamang ang pwedeng mangyari sa mga ganitong senaryo. Ang kulay green. Kalian ba yan naging naughty sa hanay ng madla? Bakit kung makapagbiro ka ng may halong kabastusan ay green jokes ang tawag? Kawawa naman ang green dahil nadidiscriminate siya ayon sa kanyang kulay mismo. Kumbaga may stereotyping na nangyayari. Hinahanay natin ang bawat kulay ayon sa bansag o konotasyong naroon sila sa ating isipan. Nagkakaroon ng stereotyping. Ang bawat kulay ay may dalang persipsyon sa bawat tao. Ang gustong kulay ay ayon sa dikta ng utak at kagustuhan mismo ng tao…

Miyerkules, Nobyembre 28, 2007

pakialam pa nila...

e ano ngayon kung matampuhin ka?
mahal nga kita.
huwag ka na kasing aapela, daig mo pa ang mga mambabatas dito sa Pinas ah.
minaha kita kasi alam kong kailangan kita.
eh ano ngayon kung lagi mo akong pinapaiyak sa iyo naman ako masaya.
pakialam ko kung ano pa sabihin nila...
maibibigay ba nila yong saya pag kasama kita?

put****-ina lang nila kung bakit sa dinami-dami ng kanilang pakikialaman
bakit pa ang nararamdaman ko sa iyo?
alam kong masaya ako sa piling mo,
pagbibigyan mo ba ang isang kahilingan ko?

mahal kita simpleng salita pero laman ang sinseridad at pagkukusa.
mahal kita hangang sa aking huling hininga...

Huwebes, Oktubre 18, 2007

its been a long a time since i havent posted any entry here on my blogs...
different thoughts running out on my poor head...
hmm...i miss blogging.

nitong nagdaang araw lang binigay sa akin ni "special someone" yong libro ni Pareng Bob Ong, yong StainlessLongganisa libro yong tungkol sa kanyang mga libro,oo yong ikalimang libro ni bob ong. Isiniwalat nya doon kung paano ang hirap ng pagiging isang writer sa kabila ng kanyang kabobohan, hindi ko alam kung kabobohan ang tawag doon.


Si Bob Ong? di ko sya kilala ng personal. pero bilang isang masugid na mambabasa ng kanyang mga akda...Oo, isa sya sa mga paboritong kong author. astig!

Miyerkules, Setyembre 19, 2007

si mokong sa buhay ko...

Do you still remember your grade school days? ako,oo...masaya ako noon.talagang masaya. may seatmate ako noon, first exam namin sa grade 1.
PANUTO:ILAGAY ANG SALITANG T PAG TAMA ANG SAGOT AT M PAG MALI ANG SAGOT.
Pansin ko sya,nanginginig at butil-butil ang pawis. nakakatawa dahil wala pa ang tanong agad na nyang sinabi sa akin,'mar pakopya ha'. i just smiled then.unang tanong palang sablay na si mokong.
TANONG:ANG RED BA AY PULA? ang sagot ni mokong? naku mali na nga sagot nya wrong spelling pa. o di ba?nakakatawang nakakainis. si mokong ang naging malapit ko nang kaibigan. mokong ang pangalan nya sa entry kong ito dahil baka alam nya ang blogsite ko ay lusubin pa ako ng kanyang angkang manginginom. Mabait naman sya,mahilig nga lang sa babae. Naalala ko tuloy nang minsan pauwi na kami dahil magkalapit lang naman bahay namin(sa palawan)ay may nakita syang isang bata,siguro mas matanda sa amin ng dalawang taon. Hinalikan ba naman nya sa pisngi sabay takbo. Natural ako yong nakita ng bata kaya ako yung isinumbong naman ng mafeeling na animoy gusgusing batang iyon. mangiyak-ngiyak akong umuwi dahil sa takot na baka ipa-barangay ako ng angkan ng nasabing bata. nagkulong ako sa kuwarto ng boung araw(sabado kasi noon) Marami din kaming kalokohan ni mokong,minsan pa nga umiihi na lang kami sa likod ng classroom namin ng patago eh. nagnanakaw ng bayabas sa kabilang bakod malapit sa school namin. Marami na rin kaming napagsamahan ni mokong kahit ganun lang sya,turing ko sa kanya eh parang kapatid ko,wag nga lang ibatay sa hitsura dahil dehado sya.sa ngayon wala na akong masyadong balita sa kanya,nagbabakasali nga akong isang araw ay magkrus ang aming landas dahil si mokong ay may utang pa sa akin na piso.

ang aking Inang puta....

Ako ay isang puta. Isang inang puta, o isang putang ina. Nagtratrabaho ako para mapakain ang pito kong anak. Anak sa ibat-ibang lalaki.dahil sa kagandahan ko ay minsan pay nabihag sila ng alindog ko.

Nagkaroon ako ng dalawang anak sa una kong asawang kastila. parehong babae. Akala ko sya na noon ang una at huling lalaki sa piling ko. Hindi pala dahil noong nasa kalagitnaan na namin ng aming pagsasama ay pinapahirapan na nya ako, mahuli lang ako ng gising para sa kanyang almusal ay binubuhusan na nya ako ng mainit na kape. At kapag wala akong naibibigay na pera para sa kanyang bisyong pagsusugal ay pinagsasalitaan nya ako ng masasakit na salita sa harapan ng kanyang mga kumpadre.

Kasalukuyan pa rin akong nagpuputa noon dahil kailangan kong buhayin ang aming unang anak, wala siyang ginagawa kundi magbisyo kasama ang kanyang mga hinayupak na kumpare. ginawa ko yun dahil mahal ko sya, siya kasi ang first love ko eh. Kahit alam kong may halong panloloko ang pakikisama nya sa akin ay okey lang.

Noong isinilang na ang aming pangalawang anak ay iniwan nya ako. Masakit pero kinaya ko, itinaguyod ko ang dalawang kong anak kahit pa kiknukutya ako ng tao. Dumating ang panibagong boyfrend, isang hapones. Negosyante. Noon din ay nakatikim kami ng rangya sa buhay dahil ang aking asawang hapones ang nagbubuhay sa amin ng aking anak. Lahat ng gustuhin namin noon ay binibigay nya. Mamahaling laruan, pagkain, alahas, lahat pero may kapalit yun. Sa tuwing gagamitin nya ako ay pinapahirapan nya muna ako. Isa siyang sadista! linalatigo nya ako, pinapaso ng sigarilyo at sinasampal. Hindi lamang yun ang naranasan ko sa kanya. Naranasan ko na rin ang masakal na halos ikamatay ko noon. Pagkatapos ng pananakit ay saka nya ako gagamitin.

Lahat ng yun ay tiniis ko mabigyan lamang ng sarap ng buhay aking mga anak kahit hindi ko sya mahal at tanging una kong asawa pa rin ang mahal ko. Dumating ako sa puntong kinakaawaan na ako ng aking anak dahil sa pasa sa aking katawan. Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga iyon ng panibagong supling. Ngunit bago pa man naisilang aming anak ay lumuwas na ito sa kanilang bansa dahil daw sa kanilang negosyo. Nasaktan ako di dahil umalis sya ngunit dahil nawalan na kami ng pagkukunan ng aming ikabubuhay.

Subalit naitaguyod ko tatlong anak ko ng walang alinlangan. nagtrabaho muli ako bilang puta, maganda at may asim pa naman ako kaya nagawa ko muli ang trabahong iyon. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako makikipagrelasyon pa. Hindi nga ako nakipagrelasyon sa loob ng limang taon ngunit dahil sa trabaho ko ay nadagdagan muli aking anak ng dalawa sa magkakaibang lalaki. Ang tanga ko talaga dahil nagpauto ako noon na hindi gumamit ng kontraseptiv, dala na rin siguro ng libog ko sa katawan kaya nagbunga ang katarantaduhang iyon. Kaya naging lima aking binubuhay na anak. Dumating sa buhay ko isang amerikano. Akala ko ay magkaibigan lang ang aming turingan ngunit nauwi ito sa seryosohang relasyon. Kahit pa hirap ako mag-english ay nauunawaan naman nito. Nakakaintindi sya ng kunting tagalog kaya hindi mahirap sa amin ang komunikasyon di tulad ng nauna kong dalawang asawa ay marunong ako ng niponggo at espanyol.

Mabait ang naging huli kong asawa. Ngunit dumating ang panahong nakita ko sya sa may kasamang iba. Ipinagpalit nya ako sa aming kapitbahay. Nasaktan ako ngsobra dahil kahit papaano ay mahal ko sya. iniwan na nga nya ako ng tuluyan at nakipagrelasyon na sa iba. Noong panahong iniwan nya ako ay nagdadalang-tao na ako noon. At sya ang ama. Sa malas ko ay naging kambal pa ang naging bunga kaya naging pito lahat ang supling kong binubuhay.

Halos mabaliw ako noon kung saan ko kukunin ang aming kakainin, buti na lang ay may mga kaibigan akong kahit papaano ay tumutulong sa akin. Napag-aral ko ang apat kong anak sa tulong ng trabahong kong pagpuputa, noong naging mahina na ang trabahong din yun para sa akin ay naglako na lamang ako gn sigarilyo sa kalsada. Tiniis ko init ng araw, ang lamig ng gabi at ang kutya ng tao. Ang tatlo kong anak ay hindi na nakapag-aral dahil sila na rin ang tumutulong sa akin sa paglalako ng pwedeng maibenta sa kalye. Naging pasakit talaga sa akin ang may maraming anak ngunit hindi ko pinagsisisihan yun dahil masaya kami sa pamilya namin. dumating din ang puntong nagkagulang na aking mga anak. ngunit sa akin pa rin sila dumidepende. May asawa na ang tatlo kong anak. Isang araw habang akoy may sakit ay may nagawi sa aming bahay na isang foreigner. inaaya nya akong pumasyal ngunit masakit ang katawan ko noon dahil sa trangkaso, naging mapilit sya. Agad nyang dinakma ang mukha ko at pilit nyang hinahalikan ang maseselng bahagi ng aking katawan. putang ina nya! binaboy nya ako ng walang kalaban-laban dahil ako ngay mahina noong panahong iyon. pagkatapos nya akong gamitin ay naglabas sya ng pera at agad nyang inilapag sa tabi ng kama habang akoy umiiyak.

Alam kong naririnig ng aking mga anak iyon ngunit hindi nila ako sinaklolo. Kinaumagahan ay nagsumbong ang bunso kong anak na kagagawan ng panganay ko ang lahat, ibenenta nya ang katawan ko dahil kailangan daw nya ng pera sa susunod na araw. naiyak ako ngunit tiniis ko ang sakit na kayang kaya pala ako ibenta ng aking mga anak. pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas ang dalawa kong anak sa abroad. ilang buwan din sialng andun ngunit hindi na sila nagparamdam pa sa akin.

Wala na akong balita sa kanila. Ang kambal ko namang anak ay patuloy pa rin sa pagtulong sa akin ngunit dumarating ang puntong sinasaktan nila ako kapag nakaririnig sila sa kapitbahay na ako ay isang masamang babae. Sinisisi nila ako kung bakit ako nagputa at patuloy sa pagpuputa kapag wala nang makain. nilayasan din ako na aking mga anak.

Sa ngayon ay nag-iisa na ako. Naghihirap dahil sa idinulot ng aking mga anak. gayunpaman ay mahal ko pa rin sila dahil ako ang kanilang ina. Ako si PILIPINAS, ang kanilang ina, ang kanilang bansa.

sa kadiliman...

Sa wakas… naintindihan na rin kita.
Noong nangangapa lang ako sa dilim, takot na takot ako. Ilang beses rin akong natisod at nasugatan kasi lakad ako ng lakad… galaw ako ng galaw… wala naman akong nakikita. Isinisigaw ko ang pangalan mo, pero wala ka… hindi ka dumarating. Gusto kitang habulin pero hindi ko alam kung saan ka na nagpunta. Masakit. Mahirap. Akala ko tuluyan mo na ‘kong iniwan. Akala ko wala na akong halaga. Kapag nasa dilim ka--- walang makita at walang malinaw na mahagap, nakatitisod at nakagagalos talaga. At dadagdag ng dadagdag ang mga masasakit na sugat, na lalong humahapdi sa bawat patak ng luha na nag-uunahang kumawala.
Mabuti na lang, sa kasisigaw ko ng pangalan mo… narinig mo rin ako. Pero hindi ka sumigaw pabalik. Impit… bulong na lang ang narinig ko, at muntik ko pang hindi narinig.
Ang hindi ko alam…
Nasa dilim ka rin pala.
Itinapon tayong dalawa sa isang kawalan na balot ng nakapanlulumong itim. Hindi ko lang alam kung nasan ka, pero kagaya ko--- may dilim ka ring pinipilit talunin… nangangapa, natitisod, at nasusugatan ka rin. Marahil mas malalim pa nga ang mga sugat mo. Hiyang- hiya ako sa sarili ko dahil pumayag akong isipin kong iniwan mo ako. Yun pala, nawawala ka rin. Patawarin mo ako.
Nalito ako--- hahanapin at hahabulin ba kita gayong hindi ko naman alam kung sa’n ako pupunta… pero dahil nga gumagalaw ka rin, bagama’t nasa dilim, baka lalo lang tayong hindi magpang-abot. O pipirmi ba ako, at hihintaying mahanap mo, habang hinihilom ng oras at nakapanghahapding luha ang mga sugat nating dalawa?
Pareho nating hindi alam kung paano magagapi ang dilim. At baka nga hindi talaga natin siya kayang talunin. Hindi ko kaya, hindi mo kaya. Kahit gaano natin pilitin… Mahirap talaga. Masakit. Nakakalito. Pero wala tayong magawa.
Ngayon… tama na sa akin ang narinig kong binanggit mo ang pangalan ko. Kahit na gaano kahina ang impit na yaon. Hindi mo alam kung gaano kahalaga na nalaman kong kahit na nasa dilim, kahit na mahirap… hinahanap mo rin ako. At kahit kailan ay hindi mo ako iniwan… pinipilit mo lang rin na makakita at malayang makagalaw bilang IKAW, na hindi ngayon pinahihintulutan ng dilim.
Isa lang ang alam ko, isa lang ang malinaw. Hindi ako naniniwalang itinadhanang maghari ang dilim sa matagal na panahon. Magliliwanag rin. Hindi ko alam kung sabay itong sisinag sa atin, o mauuna ito sa iyo, o sa akin.
Kung sabay ang pagliwanag ng mundo sa atin, mabuti. Kung mauuna ito sa iyo, hanapin mo ako. Pinili kong pumirmi at hintayin ka, at labanan ang sakit. Sana, sa panahong yaon, tuluyan nang hinilom ng mga luha ang mga sugat natin. Hihintayin kita. Kahit anong mangyari. Titiisin ko ang dilim. Dahil mahal kita. Kung una ang pagsinag sa akin, sa unang sandali pa lang na makita at maramdaman ko ang liwanag, hahanapin kaagad kita. At sasagipin kita sa dilim na matagal na bumilanggo sa atin.
Maghintay lang tayo. Magliliwanag rin. Makagagalaw ka rin bilang ikaw, at ako bilang ako, dahil wala na ang dilim.
At kung akala ng dilim ay natalo niya tayo, mali siya…
Mas lalo lang niya tayong pinatatag, at mas lalo niyang pinatibay ang pag- ibig nating kailanma’y hindi niya nagawang magapi.

ang hari at ang kanyang ugali

Dadaan ang hari. Lilinga-linga.
Walang tao.
May hinawakang isang bagay.
Ngumiti sya.
Umupo sa trono.
Pinindot ang makabang buton.
Lumabas agad ang dalawang alila.
Kintab ng sapatos
lalong pinaigting.
Ngingiti. Tatango.
Pinindot muli ang buton. Umikot ang upuan.
Mahina.
Tumayo. Sinipa ang alila.
Dumugo.
Hinawakan muli ang bagay na nagbibigay ngiti sa pilyong hari.
Ngiti.
Tatalikod,lalakad.
Titingnan ang kuko.
Okey pa.
Saka mananalamin.
Ayos na!
Tumungo sa pasilyo.
Kukuha ng kopita.
Alak.
Tubig.
Lalagok.
Muli ngingiti ang bruha.
Titingin sa kawalan.
Tumingin sa sarili, ayon sa repleksyon sa gintong kopita.
Ngingiti.
Babasain ang labi.
Pungay na ang mata.
Nalaglag ang luha.
Pinahid ng munting kamay.
Upang walang makakita.
Malamyang aristocrato.
Habulin dahil guapo.
Muling ngingiti.
Ubos na ang alak.
Tumuloy sa eleganteng kuarto.
Inalis ang kapa.
Tiningnan ang sarili.
Marami ang nagtataka sa ugali ng hari.
Malihim.
Werdo.
Engrata.
Kung ikaw ay isa sa kanyang nasasakupan,
makikilala mo sya!

ang aking kalaban

Bigla akong nakaramdam ng kirot habang papalubog na ang araw. Namutawi sa aking mukha ang mga masasayang araw na lumipas mula pa noong nagkamalay ako, mga panahong nakagisnan ko habang papalaki.
Ang mga taong nakapaligid sa akin at walang sawang gumagabay sa aking pagtahak sa masalimuot na daan na wangis ay isang lagusang puno ng pasakit at hiwaga. Unti-unti akong nayuyupos sa kadahilanang hindi ko na kaya, ngunit hindi ako naduwag kailanman para takbuhan ang Kanyang hamon. Lahat ng ‘yon hinarap ko ng buo kahit pa may pag-aalinlangan. Tinanggap ko ang ilan sa mga bagay na sa simula pa’y di ko mawaring ganoon pala ang kahihinatnan.
Buntong hininga. Ayokong sa paglubog ng araw ay sanluksang sasapit sa akin. Ayokong maging madalamhati ang lahat. Ayokong puspos ng himugto at paninisi ang lahat. Ang tanging gusto ko lamang ay payapang pagpanaw kasabay ng paglubog ng araw.
Wala akong dala sa aking mahiwagang biyahe kundi ang mga ala-alang kailanmay di ko makakalimutan.ang mga taong naging bahagi ng aking magulong buhay. Ang mga taong minsan pay naging sandigan ko sa aking mga hinanakit sa mundo, ang mga taong nagbigay ng lakas sa akin upang akoy hasain pa ng kakaibang tapang. Sa mga taong naging malapit sa akin, sa kaibigan, kakilala. at higit sa lahat sa taong minahal ko ng lubos at binigyan ng tamang atensyon at pagpapahalaga. Salamat.
Kulang ang espasyong ito sa napakahabang pagpapasalamat sa inyo. Alam kong hindi nyo magugustuhan ito, ngunit tinanggap ko marahil ay matanggap nyo na rin na minsan pay may nakilala kayong isang nilalang na tulad ko.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga panahon at oras na inilaan nyo para sa akin, sa mga walang kwentang biruan ngunit nagpatibay ng ating samahan, sa mga walang katapusang tampuhan na nagbigay ng paraan upang magkaunawaan.Salamat.
Hindi pa ito ang katapusan ng lahat, marahil ay simula pa lamang ng aking tunay na laban. Gaya ng aking nasabi, hindi pa ito ang tuldok ng lahat. Unang simula pa lamang ito ng pangungusap na aking gagawin sa aking mahiwagang nobela ng aking buhay. nawa’y bigyan pa ako ng pagkakataon upang maituloy ko ito sa mga susunod pang kabanata ng aking buhay... patlang.
Wala pa ako sa kalahati ng aking patutunguhan, simula pa lang ng bagong laban. akoy mahihimlay sa puspusang katahimikan ng laban.walang putok, walang karahasan, walang ingay, walang bayolente, lahat ay payapa.
Payapangng magdudulot sa akin upang maiwagi ko aking laban. Hindi ko iisiping akoy talunan kahit pay akoy pumanaw na, ayokong isiping talo ako at si Kamatayan ay panalo. Hindi ako duwag para kaligtaang may sarili akong kapangyarihang ipagtanggol aking sarili. Lumubog na ang araw, habang akoy nakaluhod. Hinihintay si kamata

Biyernes, Setyembre 14, 2007

pinned-pain....

It’s over. Finally, I can breathe. I can have a life again, something apart from always trying to be there for you. I can stop trying to understand, trying to make you see that we can work through this, that our love is worth fighting for. All the uncertainty, all the confusion, all the pain of not knowing where I went wrong, is finally over.
D*mn you for putting me through all that. D*mn you for taking my belief in love, my belief in forever, my belief in you, and handing them back to me broken, saying you can’t deal with them anymore. You will never know how much you hurt me by just giving up, you will never know how much you scared me from loving as much as I loved you ever again.
I did not deserve to be hurt that way. And you didn’t deserve my trust.
So much wasted emotion. I had so much more tenderness to give, I could have stayed with you longer, but you didn’t think it would be worth our while. I know you still love me, as I know that you were too d*mned scared to be vulnerable. And I was stupid enough to hope I can help you conquer that fear, or live with it, so that you can take the risk of letting me into your heart. Not anymore. You would rather hurt me than let down your guard.
I loved you. Honestly, bravely, intensely I loved you. But it wasn’t enough.
I hate the fact that we could have saved us, but we didn’t. We simply gave up something rare, something that doesn’t come along everyday. I hate the emptiness. I hate the regrets.
But the worst thing about all this is the simple, stupid, pathetic truth that I miss you. I miss you. I knew losing you would be painful, but pain, I can deal with. I can cope with the sharp, intense rush of emotion that cuts like a knife, but is relieved somehow by tears and is dulled by the passage of time. What I didn’t expect was the sadness – the steady, lingering hurt that comes with the realization that you will never again look at me as if I’m precious, special, and infinitely cherished, you will never again call me “garnet ko” with the tender amazement that I really am yours. It’s the constant heaviness that haunts me and makes me wonder if I’ll ever be whole again without you, of if I’ll always mourn the part of me that died with our love. I miss you. And I’m to be totally honest with myself, I’ll have to admit that I’d do anything, give everything even go through all the confusion again, just to find a way for you to keep believing in us. But there’s no chance of that.
Some goodbyes are final. I have a feeling this one is.

lalaya din ako pero pasumandali lamang....

Ayokong hanapin mo ako dahil sa hindi mo ako makita, (malabo) dahil sa hindi mo ako maramdaman.(malabo pa rin)
Nitong nagdaang mga araw, nagbabago ako ng anyo. Isa akong yelo, na nakakulong sa bakal na puno ng kalawang. Hindi tumatakbo ang oras. Paano ako makakawala nang hindi natutunaw? Nang hindi nadudumhan?
Kung dumating ang oras na maghahanap ka, puntahan mo ang nagliliparang alikabok. Isa ako sa kanila. At kung sakaling mapuwing ka, isipin mong ako ang pumupuwing sa 'yo para di ka masaktan. Gusto kong maramdaman mo ang aking presensya nang hindi ako nakikita.
Kung madaan ka sa mga halaman, 'wag kang kukuha ni isang dahon man lang, baka ako ang iyong mapitas, malulungkot ako.
Pag ninais kong muling magbagong anyo, (ayoko pa) 'wag kang umasang makita ako, mag-iiba ako ng pormat disenyo.
Kung mapadaan ka sa umaagos na tubig, damhin mo iyon ng iyong mga palad. Wag mong punasan, isipin mo ako, hayaan mong matuyo at saka ako maglalaho.
Isipin mo lang akong tumatawa, tulad ng lagi kong ginagawa. Isipin mo lang akong tinotopak, at tawagin mo akong baliw, hindi pa rin ako masasaktan, tulad ng dati.
Hindi mo man ako makita, hindi ako lalayo. Magbago man ako ng anyo, ako pa rin ako. 'Wag mo na akong hanapin dahil hindi ako nagtatago, pero hindi ako magpapakita. Hayaan mong lumipas ang panahon...hanggang sa naisin kong ilapit ang langit sa aking puso...doon lang ako magiging malaya.

Miyerkules, Agosto 29, 2007

kumita ng pera...

Naghihirap na ang Pinas. Matagal na. Kailangan ko nang kumilos habang maaaga pa kundi tutupukin lang ako ng gutom at agam-agam. Matagal nang wala ako sa paaralang kolehiyo, tumigil o pinatigil. Okey lang, hindi naman magdudulot ang diploma ng pera. Kundi yong abilidad mong kumita ng pera dahil sa angkin mong kalistuhan.
Ang sabi ng teacher ko minsan " hindi ka mapapakain ng iyong katalinuhan" malamang tama nga sya, ang sabi pa nga ang kayang magpakain sa 'yo ay ang iyong tiyaga at pagsusumikap. ang korni pakinggan pero sa ngayon nakikinita ko na ang ang kanyang tunay na mensahe. Botany Teacher ko sya pero hindi ko malaman kong anong koneksyon ng mga halama sa paghihirap o yaong pagkukumilos habang maaga pa. siguro talagang nature-advocate lang sya dahil ayaw nyang mangyari na pati ang dahon ng makahiya ay kainin na ng Pinoy bilang ulam.
Mimosa pudica L. ang sabi ni Mr. Bean (kami ang nagbansag sa kanya ang ngalan na yan), yong teacher ko sa Botany dati ganyan daw ang scientific name nyan. Napagtanto ko, pwede kaya akong kumita ng pera nang dahil dyan sa Mimosa pudica L. na yan. Kung kainin ko kaya? kunan ng video ang sarili at ipost sa www.YOUTUBE.com? bebenta kaya ako? paano kung gawin kong sago't gulaman? paksiyet! wala akong maisip na ibang paraan ah. Ang alam ko lang ay herbal medicine ito.Kunting dahon, Kunting laga, presto! may insatnt tea ka na.
Bigla kong naisip habang ginagawa ko ang article na ito, nagkakahiyaan din kaya ang mga makahiya? ...
IN A PARTY....
"ang pangit mo naman"sabi ng isang kumpol na makahiya.
"and so what is the matter" sagot ng pinapahiyang makahiya.
"ha-ha-ha... you grass from trash!"isa pang banat ng aristokratang makahiya.
"you herbs! sucks!!!" sagot muli ng paawang makahiya.
"MGA WALANG HIYA KAYO! TUMIGIL NGA KAYO!!!!" sigaw ng matandang makahiya.
+end+
Astig!
Ah! sabi pa nga pala ng teacher ko, si Mr. Bean.
"kapag nabubuhay ka! wag kang mahiya pag alam mong nasa tama ka!"
Napaisip muli ako.
Salamat po Sir!

Linggo, Mayo 6, 2007

for you i will...

“No matter where you stand, the ground you walk on is our binding cord, the magic carpet of life. Someday, I will come to you and you alone, and say thank you for all that you have given me. With love, I will return.”
I walked slowly along the corridors, feeling very moment, just like I wouldn’t see this place again. I wasn’t alone, I knew, but I could see were mannequins belonging to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that had seemed dried out from me. There were thousands of why’s and how’s that flooded my mind that day. Somehow, I didn’t notice that I was already standing at room 8. I reached for the doorknob and surprisingly, I felt cold against my hand amidst the scorching heat of the summer wave. I felt that I needed to take all the air before I could enter the room as I told myself. This is her last day. “H-hi!” I smiled, bearing the biggest smile I could ever paste onto my face. I got so much to tell her that was all I was able to say as a big golf ball blocked the words down into my throat. “Why so sad, mar? Did you miss me?” She whispered as she smiled, unable to speak louder because of the tube attached to her nose. It always surprised me how she could read my mind. I am not a good actor and she knew it. Instead of answering her, I busied myself arranging the flowers. I couldn’t bear to see her like that. It’s been a month since Trina was diagnosed with cancer of the blood. Unfortunately, we had discovered it by accident. It was our anniversary then and we decided to celebrate it with non-profit organization of dancing enthusiasts where Trina was a member. We thought of it as an exciting experience since it was both our first time of sharing our own blood. I was talking to an old friend as she went to a medical assistant to have her blood test first. But when I got back to her, she just told me that she’s not feeling well. “well, I just guess this blood-donating thing is not for me,” she smiled but I knew there was something wrong that I needed to know. And I was right.” I-I’m sorry,” I said shakily as she opened the door of her apartment. I tied to be calm and strong for her but as soon as I saw her, it seemed that a floodgate was opened and the tears in our eyes never stopped falling as we cried in each others arms. “Stop what you are doing, god damn it!” she yelled at me even she wasn’t supposed to. I stirred and turned to obey her. I sat by the hospital bed slowly but never raised my eyes to see her. I kept staring at the white sheets that covered half of her body and, of course, the different tubes that were attached to her only-God-knows part of her body. I loved staring at her but this time was different. I took all the courage in me to lift my eyes for a moment just to see her eyes getting wet. It is alright, my angel. Soon you will find another dancing partner and ill see to it that she will be good enough to pit up with your both-left- feet,? she laughed slightly. And the other moment, she put her hands to my chin and lifted it gently. It as supposed to be a joke and I could have laughed at it when done at normal circumstances. But the situation was away from normal. This time was entirely different. When I met her eyes, there were shapeless emotions that until now I would never understand. ”Hey, could you still remember when I taught you how to dance in college? And you not only passed your dancing class but got a 1 for it?” She uttered. Something stirred deep in my gut. Some unexplainable things were going to fly into my mouth and would make me cry. But I would not let it so; I needed to be strong for her. I would simply have to say, yes, so I nodded, fearing that I might cry aloud when I opened my mouth. ” That was the time I fell in-love the very first time? she said. “Huh?” it was more of sound than word.”I said I loved you the first time I held you in my arms,” she said, raising her voice a little bit. I wanted to keep looking at her because I never wanted to take my eyes away from her, even if it pained me a lot. But I couldn’t bear the honesty that was painted in her eyes. Another something stirred into my gut anew and I thought of taking my eyes away from her. But I breathed deeply and sighed, amazed by the courage I could show to the girl I’d love but who was just waiting for the slightest wind to put off her candle. ” I love you, so much,” I said as I smiled amidst the pain inside of my heart. I stroked her face gently. She held my hand softly as she kissed it gently. ”Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me,” she said under her breath. “Now, would you do me a favor?” from somewhere deep inside came a devastating urge to make me cry but I should not, I promised to be strong. I would merely nod to Trina- --an assurance that I would do anything just to make her happy even for her last day. “Would you please hold me very tightly and dance with me” she asked. I held her hand tightly, which was so thin- far from the powerful hands that once belong to her-and gave it a little squeeze. ”No, mar,” she said, “really hold me, next to me.” I was very, very careful not to touch anything-the tubes and the kind- as I got onto the bed with her and put my arms around her. I held her arms and hummed our favorite song. “THANKS, MY ANGEL. I LOVE YOU.” Those were her last words. I walked slowly along the corridors, feeling every moment, just like I wouldn’t alone, I knew, but at that very instance, all I could see were mannequins, all I could see were to the faceless crowd. It’s weird though, but they seemed to share the same sentiment, the same burden, and the same pain. Or, at some point, the same grief, engraved in their blank stares. I held the walls for support, thinking that I might regain the strength that I had seemed dried out from me. Suddenly, a gust of wind blew from outside the building. I felt it stroke my face, my eyes, and my lips. I closed my eyes and felt a pair of lips kissed me. A realization snapped me back to reality.”Always remember, that in every wind that touches your cheek is a kiss from me.” T-trina… I whispered to myself and as I reached the wall, dam of emotions poured. Barriers were broken. I cried.