Sabado, Mayo 31, 2008

kwento: kabit

Umalis ako patungong amerika hindi para kaligtaan ang obligasyon ko para sa inyo ng anak ko. Umalis ako para bigyan kayo ng maayos na buhay… Mahal kita sa paraan na gusto ko at gusto ko yon sa paraan kung paano kita mahalin.

Alas siete na nang umaga. Ipagluluto ko na ng almusal si kim, nag-iisa kong anak. Tumungo ako papuntang kusina upang bumili ng mantika.

“kumusta ang boyprend mo? Ah! Asawa na pala” tanong sa akin ni aling nina.

“mabuti naman po, baka sa susunod na taon umuwi na rin sa awa ng Diyos”

“eh ano ang trabaho nya dun? At bakit hindi na lang kayo sumunod ng anak mo sa kanya?”

“hindi ko po alam pero ang sabi nya nagtatrabaho daw sya sa opinsina. Atsaka wala pa po akong Visa at ilang papeles, siguro sa susunod na lang ho”

Umalis na ako ng tindahan,dahil pag nagtagal pa ako roon malamang buong araw akong kukwentuhan ng tsimosang aleng yun. Nadatnan kong nanunoodd ng TV si kim habang hawak ang kanyan paboritong manika. Tinanong ko kung ok lang sya, at tango lang ang naging tugon nya.

Sa chat lang kami madalas magkausap ni Alfred, honey ko. Halos 7 taon na rin sya doon at nito lang kami nagkakilala… sa paraang chat din lang.

honey, miss ko na kayo ni kim

Subject email na pinadala sa akin ni Alfred. Hindi ko muna binuksan di dahil sa ayaw ko o walang oras kundi dahil ayoko lang talaga. Alam kong mahaba na naman yun pero halos lahat nang kabuoan ng kanyang mensahe ay paasahin lang ako, na kesyo ganito, na kesyo ganyan. Minsan gusto ko na rin maniwala sa isang parte ng sarili ko na sabit lang ako sa kanyang pangarap…

“mommy! Come here!”
Sigaw ni kim mula sa sala, nagulat ako at agad lumabas ng kuwarto. Nakita kong namumutla si kim kaya agad akong lumapit upang aluhin sya.

Isang anino mula sa labas ng bintana ang aking nakita, malaking tao at banaag ko ang sombrero. Agad kong hinawakan si kim at agad naman syang pumunta sa likod ko upang magkubli.

Kumalabog ang pinto at isang malakas na putok nang baril ang bumulabog.

Si Daniel!


Dumilim ang paligid, unti-unting bumagal ang mga galaw pero mabilis ang mga pangyayari.

Biglang bumalik sa aking alaala ang nakaraan. Na isa pala akong ina ng 3 bata, ang dalawa ay naiwan sa poder ng kanilang ama. Nakisama sa ibang lalaki upang kumita ng pera para sa tatlong anak. Kinalimutan ang responsibilidad bilang asawa ngunit ginawa ng husto ang papel bilang ina.

“putang ina ka!putang ina ka! Putang ina ka!”

Salitang mga naririnig ko mula sa paligid. Hindi ko alam kung saaan nagmumula pero alam ko kung sino nagsasalita.

Biglang pumasok sa isip ko si Alfred, ang mabait kong boypren. Tumungo ng amerika para kumita ng pera panustos sa pagpapagaling ni kim.

At naalala ko rin na minsan kong tinanong kay Alfred kung bakit pa nya kelangan magtrabaho sa ibang bansa kung meron naman sya negosyong pwedeng pagkakitaan dito.

Umalis ako patungong amerika hindi para kaligtaan ang obligasyon ko para sa inyo ng anak ko. Umalis ako para bigyan kayo ng maayos na buhay… Mahal kita sa paraan na gusto ko at gusto ko yon sa paraan kung paano kita mahalin.

Isa pang muling putok ang umalingawngaw. Nagdilim lalo ang paligid, tumahimik lalo. Kumiyom aking palad. Isang nakabibinging pangyayari ang nagaganap pero alam ko nasa paligid lang si Daniel, ang kabit ng asawa ko.

bitterness...

...I am so stupid for believing that somehow, you still feel the same about me. If you really want me back, you should have come for me a long time ago. I was a fool for believing only the things I want to see. I was a fool for nurturing the memories and keeping it alive deep within my heart...
-quote

mainit!

mainit ulo ko ngayon!

Miyerkules, Mayo 28, 2008

myself..

Sometimes, I would just scream at the top of my lungs to release the pressures of being alone. And then I would just come back to my senses and realize that in my solitude I found the person who would always be there for me... myself.

Linggo, Mayo 25, 2008

adieu...

"I tried..."


The sweetest thing I could ever say for the failed relationship.
Maybe it is the shortest but it compliments everything…



Biyernes, Mayo 23, 2008

mga salitang filipino...

1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahanong amoy sa kilikili, ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas, itoy dumudikit sa damit, at humahalo sa pawis, madalas na naaamoy tuwing registration ng kahit ano dahil sa sobrang siksikan ng mga tao.
"Pu#$%*#, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo???"

2. KUKURIKAPU - libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na nilalagay sa katawan, maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o nanghihilod ang isang babae, ang KUKURIKAPU ay madalas mamuo sa babaeng maallaki ang joga.
"Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo."

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal, mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal, subalit hindi talaga ito maaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban nlng kung ipapa laser.
"How nice naman ur MULMUL!!"

4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nararanasan ng mga taong nagtitissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang itoy maalis, Itoy kadalasan ding makikita sa mga amerikanong nag titissue lamang.
"Labs, alam ko kung ano kinain mo kanina!!!"

5. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief dahil sa pagmamahal sa suot panloob, nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.
"Nay! hindi nyo nilabhan mabuti oh, may agihap pa rin tong panty ko!"

6. DUKIT - itoy ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwet…. Try to prove it dats DUKIT.

7. SPONGKLONG - itoy isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.

8. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mag tambay sa kanto na lagging nakahubad. Meron din ang ibang mga babae nito.
"Inay! Si itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila un WENEKLEK niya!!!!!!"

9. BARNAKOL - ito ay maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.
"Tsup tsup..Hon, ang alat naman ng barnakol mo.."

10. ASOGUE - buhok sa kili kili.
"Ang haba na ng asogue mo! Gupitin mo nga!"

11. TUTYANG- buhok sa ilong na lumalabas.

12. BAKTUNG – pinaikling salitang BAKAT-UTONG.
"Uy, jefferson si maam BAKTUNG nanaman!!!"

13. BAKTI - pinaikling BAKAT-PANTY.

14. JABARR - pawis ng katawan.

15. BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa puwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak."Pare, ang lamig ng bultokachi sa CR ng SM!"

Huwebes, Mayo 22, 2008

hayop!?!

Been wanting to have a pet dog but only Ive got is hotdog, toinks. Maliit lang naman kasi yong pad ko, at bawal pa ata ang hayop (pero yong landlady naming mukhang hayop na tinubuan ng mukha). Pupwede pa siguro ang fishda, ivon, pusha, kalafati (mababa man o mataas ang lipad) unggoy na kumakain ng kanin at ulam, at monkey na marunong magbasa ng blog. Gusto ko yong aso na kulay pink ang fur, para naman maiba at sosyal tingnan ang mga pulgas nito. Oo nga pala, pag ako nag-aalaga ng aso kasama na rin dun ang pag-alaga ng pulgas. Dati nagkaroon ako ng alagang aso, si miaka. Kaso nasagasaan lang ‘daw’ sya, ewan ko kung totoo yong sabi ng tatay ko o pinulutan lang ng mga asal-hayop naming kapitbahay. Nalungkot ako pero kinailangan kong tanggapin pagkawala ng aking mga alaga- mga pulgas ni miaka.

Napapadalas na rin ang pagdrop-by ko sa petshop malapit sa amin, tumitingin ng maalagang hayop at ang matagal ko nang kapatid na nawawala. Nakita ko nga kalaro ko noong bata pa ako si hello kitty nasa cage, pramis nakita ko sya dun. Para nga syang ni-reyp ni Garfield eh. Kahabag-habag na pusa, nawala ang puri dahil lang sa isang orange na pusa at may matamlay na mata na parang adik. Iniwan ko na si hello kitty, wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang sya.

Patanghali na ako kadalasan umuwi ng bahay dahil sa buwisit na traffic na yan, antagal nang problema ng pasig yan pero ‘di pa rin nasosulosyunan. Taeng buhay! Kaya tanghali na rin akong matulog.

Nocturnal. Mulat sa gabi, tulog sa umaga.

Linggo, Mayo 18, 2008

batong-bato ka na ba? tara, halika... kwentuhan muna kita!

Maulan ngayon, mapapaaga ata ang tag-ulan. Okey din pala ang malamig na klima, yong natural na lamig. Iba kasi pag air-conditioned ang temperature, parang yong lamig nanonoot talaga sa buto.

Naalala ko noong unang linggo ko dito sa NYB halos sipunin ako dahil sa lamig, January pa lang kasi noon kaya medyo malamig pa.

Aircon…
Sabi pa ng titser ko ang pinakasimpleng aircon daw ay nagsimula sa Roma na ginamitan ng mga parang tubo sa dingding para ma-maintain yong lamig ng isang kwarto. Siguro panahon pa yun ng lolo ng lolo ng apo ng lolo ng lolo ng apo ng lolo ko na lolo naman ng lolo ko. Basta yun na yun! Tapos sabi pa ng buladas kong titser na maraming versyon daw ng ‘pampalamig’ na nagmula pa sa Persia, Tsina, Britanya, at sa Amerika, iba-ibang anyo, iba-ibang laki pero iisa ang pakagagamitan---pampalamig!

Taong 1820 lamang nang magkaroon ng matinotinong ‘pampalamig’, kung kilala mo si Michael Faraday na kumpare ko nito lang, sya yong nakatuklas ng paggamit ng ammonia. Hindi ko alam kung nagsawa sya sa “pagsinghot” ng ammonia kaya dinavert nya ito sa ibang gamit. Yong konseptong yun ay sinundan naman ng adik na si John Gorrie dahil trip nyang magpaepal kay Faraday. Gumawa ng compressor si Gorrie para makapagproduce ng ice, yes! As in yelo!

Pagkatapos ng marami pang taon marami pa daw nangyari sabi ng adik kong titser este buladas lang pala.

After almost 50 years.

Unang pumatok ang commercial aircondition na pinasimunuan ni Willis Haviland Carrier. Mukhang familiar ka sa apelyedo di ba? (kaw na lang mag-isip kung bakit) [Clue: Carrier aircon na gamit naming ditto sa ofisina.] *kamot sa ulo*

Tinatamad na akong magkwento, naboboring na kasi ako. Anyway, alam mo bang ‘pag hindi nalilinisan ang aircon ay maaari itong magspread ng microorganism o mga pathogens tulad ng legionilla pneumophilla na pwedeng maging sanhi ng leggionaire’s desease. Pwe! Namimilipit dila ko!

*sabay-sabay na magtatanong: eh ano naman yong leggionaire’s desease na yan!*

Sagot ko: hindi ako doctor para tukuyin kung ano pa yan! Basta ang alam ko sabi ng porn magazine, susme! Health magazine na nabasa ko eh SAKIT daw yan na cause ng nabanggit na bacteria na pwedeng present sa ating mga aircon pag madumi! Getching?


Pansin ko lang, pag mainit dito sa ‘Pinas. Pumupunta lagi ang pinoy sa mall para magpalamig. Ayos noh? Kaya marami ang na-aakyat-bahay gang eh! Funny to think pero tooto, parang yong kapitbahay naming dati. Kung makapagkwento nang napuntahan na mall parang nag-abroad, tilamsik laway pa! sarap upakan, sarap pagsabihan na …
“hellooo… ate eh dyan lang ako nagCCR pag emergency nature calling!”

O sya sige pauwi na ako, next time na lang ulit tayo magkwentuhan.

PS:
Nababato ka ba? Hindi makalabas ng bahay o makagala. Type mo ba mag quiz? Try mo ‘to.

Sabado, Mayo 17, 2008

babalik muli...

Nagtaka ako kung bakit ganun na lamang ang logo ng google ngayon, google po kasi ang homepage ng aking pc. So klinick ko yong mismong image at ayun kay manong google, itong araw na ito (May 16) pala ay ang unang araw nang pagkagawa ng laser. Ang laser ay salitang dinaglat mula sa Light Amplification by Stimulated Emission of Radiation. Sa tulong ni pareng Theordore Maiman eh natuklasan ang halaga ng laser.

Maraming tulong ang laser sa sangkatauhan, malaking tulong ito lalo na sa paglago ng industriya sa buong mundo, medisina, kagamitan, komunikasyon, at maging sa pandigmaan. Nagpoproduce ang laser ng monochromatic wavelength, at coherent light.

Anyway, nakalimutan ko na yong ibang info. Matagal na kasi nabakante utak ko tungkol sa mga bagay-bagay na ganito.


Namimiss ko school ko dati nung college pa lang ako, the greenfields, the stadium, the oval, the people, the logo, the ambiance, tapos yong tambayan namin ng mga ka-major ko. May isang part kasi ng school namin na lagi kami andun, nagkukwentuhan, nagkukulitan at madalas doon mag-review para sa mga quizzes. Sa ngayon, graduate na mga kasabayan ko, ako na lang ang hindi pero ok lang, ako lang naman sa kanila ang may trabaho—sa ngayon.Namiss ko yong dating samahan namin, tawanan at halakhakan. Haaaayy… sayang nga lang at hindi ko na maibabalik ang mga panahong yun.

Sa susunod, makikita ko kayo muli mga dati kong kaeskwela! Pramis…
(babalik ako muli para tirahin kayo ng laser gun ko!!!)

Biyernes, Mayo 16, 2008

blog, camera, action?

Ginawa ko muna tong entry na to sa MS WORD. Madalas kasi on-the-spot na sa blogspot ko kung ipost. Hmm.. mas okey pala. Antok na ako, gusto ko lumagok ng mainit na kape kaso naubos na kape ko, ayoko namang bumili at lumabas pa ng building para sa isang sachet ng kape.

Kumain na lang ako ng ballot na ibinigay ni Rhea.
Bata pa man ako kumakain na ako ng balut. Masarap kasi, malasa at malinamnam. :)





Katatapos lang ng training ko sa marketing, kaya pinagdiskitahan ko muna ang camera. Ito ang kinalabasan...



Sila ang mga kasama ko sa trabaho, panggabi o graveyard shift.


Wala ako makwento, bangag na rin kasi ako. Ah nagpalit na pala ako ng blogname, wala lang, trip ko lang. Ang blog name sa akin parang damit, minsan kailangang palitan pero tumatagal nga lang.

Depende kung gaano ko napakinabangan, since hindi naman yong metro-bug yuppie kaya sa laundry basket ko na sta itinapon, bukas ko na lang ulit labahan.

Kinumusta ko ang mga luma kong blogs sa tulong ni manong google. Ayun okey pa naman sila, para na rin silang shell ng balot na itinapon sa laundry basket. Pero hayaan mo sa akin para naman silang damit na kelangan lang labhan para magamit ulit--luma na nga lang.

Miyerkules, Mayo 14, 2008

sa ofisina...

Halos isang buwan na rin akong nightshift. Kaya medyo halata na rin ang eyebag ko. Pero okay lang masaya naman sila kasama eh. Kalaban namin ang antok pero dinadaan na lang namin sa kwentuhan habang nagtatrabaho.

Sakto lang pala ako pumasok dito kanina, alas onse. Habang naghihintay ng instructions nagkodakan muna kami (ambaduy ng term)...


Si jane, naghahanda bilang endorser ng shampoo???



Kasama si sir willie habang nagte-train sa mga kasama ko.

Uso ngayon ang sagala, okey kaya sila bilang reyna elena?
(kaliwa; si jane, rhea sa kanan)


kewl mamas... :)



si ate rhea, kondesa ng nightshift.


Ako, at si jane. (para daw mag-ina)

At syempre AKO!!!! Eh akin ang blog na 'to.








Linggo, Mayo 11, 2008

para sa aking ina...

'Nang,

Kumusta po kayo dyan? Si bunso ok naman ba ang pag-aaral? Ok lang naman ako sa bago kong trabaho, masaya at kinakaya pa naman.

Natanggap ko 'yong huling text mo, oo umiinom ako ng vitamins ko, ok di yong tulog ko. 'Wag kayo masyadong mag-alala sa akin, kaya ko sarili ko.Paminsan-minsan pumupunta ako kina Tito.

Linggo pala ngayon 'Nang, at mothers day pa. Batiin ko lang kayo ng happy mothers day. Salamat po sa pag-aaruga nyo sa akin kahit may katigasan ang ulo ko minsan, kahit na late pa ako umuuwi ng bahay noon dahil sa barkada. Naalala mo pa ba 'Nang yong time na kinausap nyo ako ng masinsinan dahil bumagsak ako sa isang subject ko sa college, imbes na pagsalitaan nyo ako ng masasama at kagalitan hindi nyo ginawa kundi pinilit nyong intindihin ang sitwasyon ko. Pagod na rin ako that time. Umiiyak ka sa harapan ko at niyakap mo ako ng mahigpit.

Ikaw yong unang taong proud sa akin, unang tatayo para palakpakan ako.Salamat Inang.
Malaki din ang pasalamat ko lalo na nong naoperahan ako, alalang-alala ka noon.Sabi ko kaya ko,pero naluluha ka pa rin. Sabi ni tita nasa labas ka pa nga raw ng operatng room, naghihintay.

Noong nag-aaral pa lang ako, kaw lagi ang bahala sa baon ko, buti na lang noong 2nd year college na ako, nagkaroon ako ng sideline.Astig kang ina.

May mga pagkakataong ramdam mo ang problema ko dahil sa ekspresyon ng aking mukha.


Kaya sa pagkakataong 'to, isa lang ang masasabi ko..."happy mothers day po"



Lab,
panganay na lalaki;bunsong lalaki...

Sabado, Mayo 10, 2008

maikling kwento:

Habang naghihintay ako ng transaction na mai-input kasabay ng tugtog sa imeem account na hiniram ko, pasumandali akong nagpahinga nag-isp ng kwentong pwedeng maipost.

BASAHAN...

Kakaibang araw ito. Kahit matindi na ang sikat ng araw sa kalsada ng Quezon Avenue, parang wala pa rin akong init na nararamdaman sa aking balat, kahit na heto’t nakabilad na ako para sumabit sa mga jeep at maghanapbuhay gaya ng nakasanayan. Ito na ang kinamulatan kong gawain para kumita ng pambili ng kahit anong pamatid-gutom. nakakapagtaka nga ngayon at hindi pa rin kumakalam ang sikmura ko. Mukhang tama nga ang kaibigan ko. Mabisa ang rugby. Noong makalawa pa yon pero may epekto pa rin yata hanggang ngayon. Mabuti ito kung ganoon. May matitira pa sa kikitain ko.

Oras na para magtrabaho. Mabuti na lamang at magaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko, nakaangat ako sa lupa at anumang oras ay pwede na akong lumipad at tuluyang maglaro na lamang sa himpapawid. Ito na kaya ang magandang dulot ng rugby? Kung ito nga, kahit pala isang beses na lamang ako kumain sa tatlong araw ay pwede na.

Ang kailangan ko lang gawin ay dalhin ang aking basahan at siguradong kahit paano’y may magbibigay. Pwede ko rin subukan ang pagpupunas ng sahig ng jeep. Sabi rin nga nung kaibigan ko eh may kikitain din daw sa ganun. Wag lang mapatapat sa masusungit na pasahero dahil baka sipa lang raw ang abutin ko. Ayaw raw kasi nila nang mapupunasan ang mga paa o kaya eh mga sapatos nila.

Aba, pinupunasan na nga nagagalit pa! Basta, kailangan kong kumita ng pera. Kaso, nawala ang basahan ko. Kailangan ko uli makakuha. Siguro, dun sa kabilang kalsada, may mapapala ako.
Pero bakit ganun? Hindi ako makatawid. Bakit biglang may mga pulis na nagkukumpulan? Meron ding trak na nakatigil at kinakausap ng isang pulis yung drayber. Nakikiusyoso pa ang mga kapwa ko palaboy at ilang mga taong nakikitingin din.


Lahat sila, nakatingin sa lupa. Ano kayang meron? Siguro dapat ko ring silipin.

Kaya pala. Kaya pala hindi nakakapaso ang init ng araw kahit kanina pa akong nakabilad. Kaya pala wala na akong gutom na nararamdaman. Kaya pala pakiramdam ko, kaisa ko na ang hangin.
Natapos na.


Hindi ko na kakailanganin ang basahan.

*end*

Pumasok naman sa eksena ang antok ko, sana makauwi ako ng maaga. Sana.

Miyerkules, Mayo 7, 2008

when you miss some things...


Matagal-tagal na rin akong hindi nakakadalaw sa UP. Binalak kong itext ang kaibigan ko kanina para magkita kami and to have some chit-chats.Kaso wala syang time, busy daw ang lolo. Nagsusummer class kasi sya para makahabol next school year. May isang spot sa UP na peborit kong puntahan, may mga tuhog-tuhog foods kasi doon at abot-presyo lang ang tinda ni ate kondesa.





Bago pala ako pumunta ng ofis, dumaan muna ako ng ministop. Nakita ko doon trainor ko, si ma'am anne. May pupuntahan daw sya kasama nya kapatid nya.Bumili lang ako ng energy drink para hindi antukin mamaya.




Nagpahinga ako sandali at sabay check ng email. Nag-IM din sa akin ang isang dating klasmeyt, walanja! Regular visitor ko na pala sya, di man lang magcomment. Ansabi nya ayaw nya daw madumihan blog ko, loko yun ah! nagchat sandali kasi paalis na daw sya sa ofis nila. Sa makati sya nagtatrabaho bilang alagad ng mga call centers. Ingat na lang kapatid.





Hmmm... parang andami kong namimiss ngayon ah, maipost nga:









Sabado, Mayo 3, 2008

pencil


The pencil maker told the pencil five important lessons:

First: Everything you do will always leave a mark.

Second: You can always correct the mistakes you make.

Third: What is important is what is inside you.

Fourth: In life, you will undergo painful sharpenings which will make you a better pencil.

And the MOST IMPORTANT

Fifth: To be the best pencil you can be, you must allow yourself to be held and guided by the hand that holds you.

so i blog...

A friend told me, what did bloggers contribute to the society, knowing that the population of people having access in the internet is merely less than 5% of the over all population of the country and mostly coming from the middle and upper classes.

Being a blogger like what I mentioned before, bloggers like print writers, TV and movie writers and even story tellers in palengkes and barber shops.

They have stories to tell -- it may be similar to what we see on everyday living -- but the way stories are told may varies on its authenticity and impact to the readers. We can all talk or write about Cheap Medicines Bill but the difference or two or more bloggers, from just mentioning the topic on the blog a blogger who have sense of responsibility may write a deeper commentary on the issue and how it may affect himself and others.

Being a blogger we take a half of the journalistic role of the professionals, and that it to become a citizen journalist, to share information to others who may not know that the Philippines have two entries on the New 7 Wonders of the World, or simply sharing latest tips on earning more on Google Ad Sense. Our topic or craft may be different but our goal is the same and that is through our writings we can influence others.

Biyernes, Mayo 2, 2008

babae sa room 107

"Hindi ka ba masayang makita na nandito na ako? Bumalik na ako,para sa iyo,albert..."
Ngumiti nang ubod tamis ang babae,pero halos kisapmata lamang ay biglang umilap ang malamlam na mata nito.Sinunggaban ako at biglang sumigaw.

"Mang-aagaw! Ano,aagawin mo rin sa akin si albert ko?Hayop ka! Kagaya ka rin ni Mila"

Gusto kong makaramdam ng takot pero labis na awa ang nangibabaw sa akin para sa babaeng nagwawala sa aking harapan.Pinigilan ko ang kanyang mga kamay at iniyakap ang aking mga braso sa kanyang nanghihinang katawan.


"kilala mo ba siya?Si mila...yong bestfriend ko.Tama,kaibigan ko sya pero inagaw niya sa akin si Albert."

Biglang lumayo sa akin ang babae at dinampot ang suklay na nakalapag sa mesa sa tabi ng kanyang kama.

"maganda naman ako di ba?Kaya lang,bakit ako ipinagpalit ng demonyong yon sa haliparot na si mila...palagay mo?"

Unti-untiy may gumuhit na pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting lalo pang lumuwang at sinaliwan pa ng malutong na halakhak.

"Pogi,tingin ka sa akin.Siguro dahil wala ako,iniwan ko ang demonyo kaya naghanap ng kapwa kampon ng dilim at yun dumating ang haliparot na mila.Mga malilibog!"

Bigla nitong inihagis ang suklay na hawak sa salamin na nakasabit sa kanang bahagi ng silid.Bagay na ikina-alarma ng mga kasama ko.Dali-dali nila itong nilapitan at tinurukan ng tranquilizer.

Ayoko ng makita ang panghihina ng kaawa-awang babae.Yumuko ako pero di ko talaga makaynang patuloy na marinig ang hapo nitong tinig.Sa kabila ng paos nitong boses ay di pa rin maitatago ang sobrang galit nito at labis na sama ng loob.

"wala kang karapatang patayin siya.Hinayaan kong mahalin mo sya...pumayag akong maging kahati m0!"Umalis na ako sa silid na yon.Hindi ko na kaya.Tumuloy ako sa office ko.Hapung-hapo,ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan.

Ganun na lang ang palaging nangyayari sa tuwing kakausapin ko sya.Parang gusto ko na ring sumuko dahil wala na akong sapat na lakas para patuloy na hawakan ang nalalabing hibla ng pag-asa sa aking dibdib...pero,ayoko.Hindi ko pwedeng bitiwan ang pasyente ko.

"Dr.Chan,heto na po ang files ng pasyente sa room 107"

Tumayo ako at isinenyas na ilapag na lamang nito ang folder sa side table.Pagka alis niya ay binukla-buklat ko ang laman ng folder.Natawa ako.Para namang may bago.Ilang beses ko na ba itong ginawa,ang pagbabasa ng folder ni Theresa,ang pasyente sa room 107.

Ang kaawa-awang babae.

Iniwan ang pamilya sa ibang bansa.Kinalimutan ang pagiging asawa,binalewala ang pagiging ina para lamang balikan ang kasintahang minsan ay iniwan sa Pilipinas.

"haay...naman,nakarecord na to sa utak ko eh"

Tama, nakarecord na nga. At kahit na masunog pa siguro itong boung mental hospital kasama lahat ng files ni theresa ay ayos lang sa akin,dahil memoryado ko na lahat ng detalye,tungkol dito.

Kinuha ko ang aking portable recorder sinimulang makinig sa mga kuha sa mga nakaraang therapy namin ng aking pasyente.

"Binaril nya...Bang!Bang!Bang! Tatlo...tatlong sunod-sunod na putok.Tumama sa dibdib,sa kanyang braso,sa balikat..."

Yun ang sinabi ng babae,isang taon na ang nakaraan.Ikatlong therapy namin yun noon.At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ito.

"duguan sya...niyakap ko.Hindi alintana ang aking kahubdan...sexy naman ako bakit ako mahihiya.Siya nga tong dapat mahiya,siya itong nangistorbo.Tapos na sana kami sa sex namin,nakaraos na sana kaso bigla syang dumating..."

Napangiti ako.Iyon yung araw na inabutan sila ni Mila habang nagtatalik.

"theresa,karapatan nyan magalit at karapatan nyang mangistorbo,kasi sya ang asawa..."

"Asawa?Ganun,pero ako ang mahal ni albert!Ako lang.Sinabi niya yun at ipinaramdam nya sa akin.At sa kaniya ko lang yon naramdaman.Maliban na lang kung gusto mo ring iparamdam yun sa akin pogi?"

Pinatay ko ang radio,at isinalang yung tape na kuha anim na buwan ang nakararaan.

"Bakit ka ptmayag na maging kerida ni Albert?"

"kerida?Ano yun?Pagkain?Ayoko ng pagkain!. si albert ang kailangan ko...kerida?Chinese food ba yon?Naalala ko tuloy yung asawa ko.Hahaha!Yung singkit na asawa ko.Intsik kasi yun eh.Si Ryan.Kamukha nya yung batang inalagaan ko n0on,yung pinapadede ko pa nga pag umiiyak..."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang narinig ko yun.

"bwisit!Lintik lang ang walang ganti...nakulong si Mila dapat lang,dahil binaril nya si albert ko"

"theresa,kalmahin mo ang sarili mo kailangan mong lumaban ngayon.."

"para ano pa?Para kanino,para saan,wala na di ba?Pinatay na ni mila si albert.Wala syang karapatan!" Matino syang magisip kung minsan pero hangang dun na lang.

"alam mo,pag nakikita ko yung mga anghel na kasakasama mo,mga alalay mo,may naaalala ako.Yun kasing kasama ko sa bahay...paborito din nya kasi ang puti.Ewan ko ba, si Ryan na laging nakaputi."

Wala ng katuturan yung usapan namin kaya pinatay ko ulit ang tape.

"mabait yung asawa ko.Mahal na mahal ako.Pero,ang baboy ko iniwan ko sya.Eh walang kwenta sa kama eh, sila at di ko loves sila ng batang kasama nya.

"yun i decided to go back home in the Philippines to rekindle a dead light of love with albert.But i never expected to see him married na,and kay Mila pa."

"Nung malaman mong may asawa na sya,bakit di ka na lang bumalik sa asawa mo?"

Iyon yung therapy namin two months ago,malaki na ang improvements nya.Maayos na yung detalye ng mga kwento nya.Pero napaaga ako sa pagtapos sa discussion namin.Ewan,hindi ko na kaya yung mga naririnig ko.

"hindi porke committed ka sa isang tao ay sya na ang mahal mo...at hindi porke nakakulong ako sa seldang pag-aari mo ay ikaw na rin ang may kakayahang magpalaya sa akin!"

"hahaha. feel na feel di ba doc? yun ang huling sinabi ni albert bago sya mamatay.Para kay mila"

"at palagay mo namatay sya na ikaw ang mahal nya?"

"oo,ako rin,nawala lahat ang katinuan sa isip ko pero nanatili sa alaala ko si albert..."

Noong nakaraang linggo lang ang usapang yon.Akala ko tuloy tuloy na sya,pero hanggang dun na lang pala sya.Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"theresa,listen.Nakikilala mo ba ako?"

"oo,ikaw si Dr. Pogi..."

Pinatay ko na ang tape.Oo,tama pagod na ako.Hirap na hirap na ako,pero ayokong bitiwan sya.Naghihintay ang kanyang anak para sa kanyang pagbabalik.

"Dr. Ryan Chan..Hows your patient? Is she doing fine or..."

"Who among them Dr.Regaldo?"

Isa sya sa resident doctor sa hospital. Kaibigan ko at ninong ng anak kong si paolo.

"Theresa Chan of room 107..."

"there is a continous development. But I guess it takes a long process before she can totally overcome her fears"

"how about your son?Di ba sya nagtatanong tungkol sa mommy nya?Hes getting older"

"yes he does. .I told him, Im taking good care of her mom..."

Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.

"And Im doing everything to win her back..."